Out of Reach : Chapter 19

4K 52 4
                                    

Out of Reach : Chapter 19

Pag blooming? Ibig sabihin inlove agad?

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

' Kilala ko yang si Theo, di pa din nakaka move on yan '

' Magkano ba pusta ni Rio kung may gf na si Theo '

From : Theo Ramirez ( change name formal na ko sa kanya.. )

Usap tayo. Sa likod ng gym. Hihintayin kita.

Mag-isa akong nagbabasa ngayon ng libro sa library, wala kasi si Ceasar absent. Nakakainis lang kasi wala akong naiintindihan sa binabasa ako. Lagi na lang pumapasok sa isipan ko yung usapan ng mga old classmate ni Theo kahapon.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako nalulungkot, ako din naman kasi ang nag umpisa. Ginusto ko naman ang lahat e. Wala akong alam sa past ni Theo, nakakatawa lang kasi yung larong ginagawa namin, hindi ako ang nag bebenifit kung hindi siya. Mas masasaktan lang ako kung ipagpapatuloy pa namin 'to. Siguro panahon na, para matapos 'tong laro namin. I should stop this. Kailangan ko ng tapusin 'to, kasi baka sa huli ako na lang lagi ang masasaktan.

Inayos ko na yung mga librong ginamit ko.

--

Nakasandal si Theo sa pader habang yung kamay niya nakapasok sa pocket ng pantalon niya, napangiti ako ng makita ko siya. Nakakatuwa kasi habang tumatagal mas lalong nagiging gwapo sa paningin ko si Theo. O____O sinabi ko yun? *erase erase* masyado na ata akong depressed at kung anu anong kasinunghalingan na ang lumalabas sa bibig ko >_>

Napansin naman niya ang presensya ko, kaya tinignan niya ako. Yung mata ko lang ba yung mali? Or talagang nakikita kong parang malungkot si Theo?

Lumapit siya sa akin. Ang lapit na namin ngayon sa isa't isa. Naaamoy ko pa yung fruity odor niya. Pati hiningi niya, halos naamoy ko na din. O! Geezzz ano bang ginagawa ni Theo?

" Tumalikod ka… I don't wanna see your face. " nagulat ako sa sinabi niya. Yung tono pa ng boses niya, hindi ko maintindihan kung galit o malungkot or kung ano >_<

Nangingilid na tuloy ang mga luha ko. Nakakainis! Nandito ako para makipag tapos na. Pero ano? Ano ba 'tong ginagawa ko. Bakit tinataksil ako ng mga luha ko.!?

May nararamdaman na din kaya ako para kay Theo?

Tumalikod ako sa kanya. Pag talikod ko, nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mata ko, ang daya! Ang daya daya! Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan!?

" Te--Te---Theo... ? " hindi ko alam kung anong dapat kong maramdam. Basta ang alam ko, nag-uumpisa na namang magloko ang puso ko. Ang bilis, sobrang bilis ng tibok.

" I'm sorry. " bulong niya sa akin, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa bulong niya. Nakayakap siya sa akin ngayon, yakap yakap ako ni Theo ngayon. Si Theo nakayakap sa akin? Tama ba 'to? Hindi naman ako na nanaginip diba?

" Hindi na kita tatanungin kung bakit ka umiyak kahapon, pero sorry… sorry… Astra. " humikbi lang ako, hindi ako nagsalita… naiintindihan ko na kung bakit siya nag sosorry ngayon. Ginamit niya ako para ipakilalang girlfriend sa mga dati niyang kaibigan. Ginamit niya ako para hindi siya mapahiya. Ganun ba yun Theo? Kaya ka nag sosorry?

Ang tanga ko lang kahapon, kasi nung hinatid ako ni Theo papuntang park malapit sa school. Wala akong ginawa kung hindi umiyak. Alam ko namang mahahalata niya na umiiyak ako, kahit anong tago ko sa mga hikbi ko.

Nag stay kami sa ganung posisyon. " Ano kaba. Wala ka namang dapat ikasorry. " pinilit kong magsalita, halata sa boses ko na umiiyak ako ngayon.

" Theo. Tapusin na natin 'to. Let's end this game. Please… " pagmamakaawa ko sa kanya, ayaw ko na. Gusto ko ng matapos ang lahat, gusto ko ng maging si Astra na lang, yung dating Astra na tahimik ang buhay. Yung dating Astra na walang kilalang Khai at Theo. Yung dating Astrang si Astra lang.

Matagal siya bago nakasagot. Hindi pa din siya humihiwalay sa yakap niya. Hindi ako sanay na ganito kami kalapit sa isa't isa. Feeling ko nanlalambot ang mga tuhod ko sa ginagawa niya. Ano bang tawag dito? Bakit nagkakaroon ako ng kakaibang epekto kay Theo.

" No. " maikli niyang sagot, pero punong puno ng otoridad. Yung tipong ayaw niya. Dahil ayaw niya talaga.

" But Theo… "

" I said NO! Hindi ako makikipag break sa'yo. "

" Pumasok kana sa room niyo. Tsss.. ang iyakin mo. " humiwalay na siya sa yakap.

" Humarap ka nga. " iritado ang boses niya ngayon.

Hindi ako humarap! Bakit ako haharap! Akala niya siya pa din ang boss! Gusto ko na nga makipag break tas ganyan pa siya!! Nakakainis! Bakit ko ba kasi iniiyakan

'tong Theo-ng to!

" Tss… iyakin na. Gunggung pa. " nasa harapan ko na siya ngayon.

" ARAY! Masakit yun a!!! " tignan mo 'to! Wala talagang ka care care sa katawan! Pinitik niya ako sa noo! Nakakainis! Nakakabwisit! Kasi naman nag dadrama ka tapos ganyan siya! Anong klaseng tao ka ba Theo!? Pinunsan ko na yung mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko.

" Much better... " sabi niya lang tapos nakangiti -_- better talaga pag nagagalit ako.

" Tara mag cutting class. Ang panget mo na, hindi sila tumatanggap ng panget sa classroom. " hinila niya ako paalis.

" Hoy! San tayo pupunta!!!??? " bulyaw ko sa kanya! Nakakainis! Kaladkadin ba ako!?

" Aishh! Ang ingay mo! Sakay. " sigaw niya sa akin, nasa tapat na kami ng kotse niya. Rrrrrr………… bwisit! Bwisit talaga!

Padabog kong sinara yung pinto ng kotse niya.! Sana masira! Nag cross ako ng arms, at idinako ang tingin sa bintana! Banas! Theong bakulaw na moody monster! Mood wrecker! Lahat lahat! Isa siyang malas sa buhay ko! Mag hahanap na talaga ako ng lovelife ko! Bahala siya kung ayaw niyang makipag break!

" Pag nasira 'tong kotse ko, bayaran mo. "

" okey. " walang gana kong sagot.

" Sabi mo yan ha. Walang bawian, mamaya ipapasira ko 'tong kotse, at ang bayad, magiging alalay kita sa bahay. Boring sa bahay e, wala akong clown. "

O_O " ANO! " hinarap ko siya na gulat na gulat.

" Naka record. Pakinggan mo pa? Nag okey ka. Wala ng bawian.. Tch. Gunggung kasi >_> "

May pinundot naman siya sa phone niya. At nag play ang boses niya at boses ko.

[ " Pag nasira 'tong kotse ko, bayaran mo. "

" okey. " walang gana kong sagot. ]

" Don't worry, every Sat and Sunday lang naman. " The fudge! Nababaliw na 'tong Theong 'to!

Kaya ko namang bayaran yung kotse niya kahit ilan pa! Pero hindi sa kung anong paraan ng bayad na iniisip niya!!!

" Hindi pwede! "

" Okey madali lang din akong kausap. "

May dial naman siya sa phone niya. " Si Theo 'to. Pakikuha yung usb ko na nakatago sa cabinet sa taas. Hindi. May pangalan yun na Dakilang stalker. Pakibukas yung files at paki kalat sa --"

" OO NA!!! OO NA!! " nginitian naman niya ako ng winner smile! Kelan ka ba magkaka araw sa akin Theo!!!!???? Huhu~~ lagi na lang ako ang kawawa! Mommy!!!








~AllyAllicat

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now