Out of Reach : Chapter 35 ( Part 2 )

3.7K 57 9
                                    

Out of Reach : Chapter 35 ( Part 2 )

Hanggang kelan ako magtitiwala? Hanggang kelan mo sasabihin na gusto mo ako. Kung alam ko namang matatapos din 'tong larong 'to.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Kaya mo na bang maglakad? " tumango lang ako kay Dion, madilim na at medyo mahangin sa labas, ilang oras din akong nasa loob ng clinic, may benda na din ang kaliwang paa ko.

Ramdam ko pa din ang pamamaga ng mga mata ko ng dahil sa kaiiyak. Nakakatuwa lang yung sitwasyon ko kanina, habang nilalagyan kasi yung paa ko ng benda umiiyak iyak at sumisinghot singhot pa ako. Nagtataka tuloy yung nurse kung yung paa ko lang ba talaga ang masakit.

Inalalayan ako ni Dion na tumayo. " Kumain kana, kailangan daw lahat ng nasa department niyo nasa beach area mamaya. "

" Para saan? " nagshrug lang siya.

After akong maihatid ni Dion sa kitchen area namin, nagpaalam na siya para kunin yung gitara niya para sa event daw mamaya. Last night na pala namin ngayon. Bukas uwian na, salamat naman, ayaw ko na ring manatili dito. Akala ko magiging masaya ang camping na'to dahil sa beach gaganapin nagkamali ako. Puro sakit lang ang ipapaalala ng beach na 'to sa akin.

Konti lang ang kinain ko, wala na din kasi akong gana, kung pwede lang umuwi ng mas maaga uuwi ako. Ayaw ko ng makita pa si Theo, lalo niya lang niyang dinadagdagan ang sakit ng nararamdaman ko. He's a jerk a total jerk! A heartbreaker indeed! Bakit ba ako nagpaniwala sa katulad niyang bully.

" Astra! " napatingin naman ako sa babaeng sumigaw ng pangalan ko. Ngumiti ako sa kanya nang makalapit siya sa akin. Si Abi.

" Okey na ba yang paa mo? "

" Ah.. wala lang 'to, hindi naman ako napilay. "

" Ganun ba... tara na sa labas. May bonfire na dun, konti lang kasi yung mga pumunta, sama kana para naman kahit papano marami tayo. " kinunutan ko siya ng noo sa sinabi niya. Anong meron? Yun na ba yung sinasabi ni Dion.

" Bakit anong meron? "

" Last night na kasi natin, kaya naisipan nila Sir na mag get along tayo tsaka para na rin i-celebrate ang pagiging successful ng camping. " napa 'ah' na lang ako sa sinagot niya.

After kong kumain, dumiretso na agad kami sa bonfire, medyo paika ika pa ako ng lakad, nag prisinta si Abi na tulungan niya na akong maglakad pero tinanggihan ko, kaya ko naman kasi talaga at isa pa, ayaw kong isipin ng iba na dahil sa nagkabanggaan kami ni Cara ay napilay agad ako. Isipan pa nila, na napakahina kong tao.

Marami na silang nakapalibot sa bonfire, pati si Dion nandoon, tumutugtog siya ng gitara at kumakanta naman yung katabi niyang lalaki. Nagkakasiyahan silang lahat.

" Sigurado ka bang okey ka lang? " tanong ni Abi, bigla kasi akong napahinto sa nakita ko, magkatabi sina Theo at Cara they look so happy, nagtatawanan at nagkukulitan, parang silang dalawa lang ang tao sa lugar na yun.

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Ang sakit pala talagang makita na masaya siya sa iba. Sobra na yata talaga akong nahulog sa kanya, magbubulagbulagan na lang ba ako? Hindi! Dapat matapos na talaga ang lahat sa pagitan namin. I want a closure, kung patuloy akong aasa patuloy lang din akong masasaktan.

Nang dumating kami, huminto din sa tawanan sina Cara, nararamdaman kong nakatitig si Theo sa akin ngayon. Magkatabi kami ni Abi, sina Theo nasa kabilang banda. Nakapalibot kaming lahat sa apoy na nagsisilbi na ding ilaw namin sa gilid ng dagat.

" Yey!!! Oh sino namang susunod!!? " sigawan nila. Natapos na kasi yung tinutugtog ni Dion.

" Astra diba singer ka? Narinig kitang kumanta nung Lantern Festival ang galing mo nun, ramdam na ramdam ko yung emosyon sa pag-awit mo. " ani Abi. Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit, pati pag ngiti hindi ko na magawa ng maayos. Hindi ko alam kung ako lang ba yung nag-iisip o talagang nakatitig si Theo sa akin. Na coconscious tuloy ako ngayon.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now