Out of Reach : Chapter 42

3.7K 46 8
                                    

Out of Reach : Chapter 42

If my love is a question, then you are the answer.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Khai?? Oh my goshh! " tama ba ako nang nakikita, is it really him? Or baka naman nag hahallucinate lang ako... kinusot kusot ko ng maraming beses ang mga mata ko to check if I'm really seeing him or it is just my imagination..

" KHAIIIIIII!!!!!! " I shouted at the top of my lungs... I was so shocked when he turned his face to me.. its him! But how?? Pano siya nakarating dito sa Cali, is he also studying here?

Halos tumingin lahat ng mga tao sa akin, but I don't care, wala din naman kasing paki elamanan dito sa school na 'to! E sila nga kung makipaghalikan sa corridor wapakels lang... parang pampalipas na lang nila ng oras ang pakikipaghalikan dito...

" Astra? " taka niyang tanong pagkalapit ko sa kanya. Buti na lang wala siyang kasama, he's all alone. Like me? Haysss.. ayaw ko ng mag-isip anim na buwan nadin naman ang lumipas simula ng iwan ko ang Pilipinas, alam kong hindi pa ako totally move-on, umaasa pa din akong susundan ako ni Theo dito. Tch. Ano ba 'tong iniisip ko! Ayaw ko ng magdrama! Masyado nakong madaming sinayang na luha!

" Ikaw ba talaga yan Khai? But how? And why? Or anong ginagawa mo dito? Oh my gosh! I can't believe this! "

" Woah-- masyado namang madami yun, pwede bang isa isa lang? "

" Ah hehehe.. pasensya kana, sobrang na excite lang talaga ako nung makita kita.. " pinaupo niya ako sa tabi niya. Ang daming nagkalat na papel sa table niya, grabe naman mag-aral 'to.

Inayos niya yung ibang papel, sa pag-aayos niya. Biglang may mahulog na pirapirasong papel na sa tingin ko picture. Kinuha ko yun at triny tignan.. wait... si Hyuri to a? At siya.. pero bakit pinunit at pinag hiwalay sila.

Napansin niya sigurong hawak hawak ko yun, kaya hinila niya ito sa akin. Nabigla ako sa ginawa niya.

" sorry.... " bakit siya nag sosorry? May nangyari kaya? Pansin ko din kasi na parang wala siya sa mood ng makita niya ako.

Naglalakad na kami. Ano ba 'to? Ang awkward.. wala mang umiimik sa amin..

Buti na lang at biglang nagsalita si Khai..

" Hmmm... exchange student ka din from Christian Acad.? " bigla niyang tanong. Exchange student? May ganun ba sa school?

" Nope. Nag transfer ako from CA to here. "

" What? " iba na aura niya ngayon hindi katulad ng una. Parang bumalik yung Khai na nakilala ko sa CA.

" Ba-but why? What about Theo? Alam ba niya? " nakaramdam ako ng pagkailang ng banggitin niya ang pangalan ni.... yun... 6 months, sa anim na buwan na yun, walang sino man ang nagpa alala sa akin ng pangalang yun. Ngayon na lang ulit... and why do I feel a sudden bit of pain, sabi na kasi I haven't totally moved on. I'm still enchant by him, bakit ba ang hirap niyang kalimutan? Bakit ba!?.... e puro sakit lang naman ang dala or binigay niya sa akin... does true love really hurts? True love nga ba? Or ako lang talagang nag-iisip na true love yun.

Ngumiti ako ng mapait kay Khai. " Wala namang kami, matagal na... " medyo nalukot yung mukha niya, sobrang takang taka na di mo na mawari ang itsura niya.

" How? Naguguluhan ako. " ani pa niya.

" Parang hindi patas, ako naman dapat ang magtanong, anong ginagawa mo dito? " huminto kami sa isang bench at umupo dun. Bakit pa kami umalis dun sa upuan kanina kung uupo din kami dito.... may sira na ata 'tong Khai na 'to.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now