Out of Reach : Chapter 36

3.6K 47 7
                                    

Out of Reach : Chapter 36

Nang dahil sa pag-ibig, para kang tunog ng bell~~ Tangalang tangalang tangalang…

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Weeks had passed... ilang linggo na din ang lumipas simula nung camping. Naging sobrang tahimik na din ang buhay ko, walang Khai, walang Dion at walang Theo.

May mga time na habang naglalakad ako sa corridor ay masasalubong ko siya, and guess what! Dadaanan lang niya ako! Seriously! Sobra sobra yung emosyon na nararamdaman ko everytime na masasalubong ko siya! Yung tipong halos lumuwa na yung puso ko sa sobrang kabog! And ganun lang? Parang wala kaming pinagsamahan, ni walang social smile!! Well… sino bang niloloko ko! Nakakainis ako ang humingi ng closure tapos ganito ako ngayong wala na! Parang bata kung mag tantrums! Ako pa may ganang maggaganito! I should be happy, pero ano 'to!? Bakit instead of being happy I feel so alone.

Wala pa din kasing nagbago, parehas padin ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya, at mas lalo lang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko, by just seeing his cold eyes towards me, makes me want to run by him and hug him tightly, yung tipong gusto kong sabihin na Theo! Hey Theo! Let's be together okey!? Wag kang oa! joke ko lang lahat ng mga sinabi ko sa beach!

But all of those are just mere imagination of mine na hinding hindi mangyayari. Minsan pa nga hindi na ko natutulog, nakatingin lang ako sa cellphone ko magdamag, hinihintay ang oras ng pagtetext niya… pero wala, sino ba kasi talagang niloloko ko? Like what the! Weeks! Weeks!! Ilang linggo na ang lumipas at eto ako umaasang pupuntahan niya at sasabihin niyang gusto kita at hindi ko kayang pakawalan ka dahil selfish ako, pero ano ako ngayon nganga! Tulalaers!!? Malamang sa malamang fully moved on na si Theo. Ako lang naman 'tong si tanga!

" Sigurado kabang ayaw mong sumama? Ilang linggo kana ding school bahay school bahay, masyado ka namang nagiging mabuting estudyante. " nasa canteen kami ngayon ni Ceasar, pilit niya akong pinapunta kung saan saan, simula daw kasi ng nawala si Theo nawala na din daw yung Astra na nakilala niya, naikwento ko kasi sa kanya lahat. Para lang siyang shunga, ako pa din naman 'to.

" Tinatamad ako next time na lang siguro. " wala 'kong ganang sagot.

" Mag iisang buwan na ata kayong break, tignan mo si Theo ang saya saya, e ikaw? Kelan kaba sasaya? Try mo ding mag move on Astra. " napaisip ako sa tanong niya. Sasaya? Walang saya, masaya, sasaya sa bokabularyo ko hanggang may nararamdaman pa din ako kay Theo.

Nag shrug lang ako sa kanya. Napa *sigh* naman siya.

" Ano? Aalis na ako, ayaw mo talagang sumama.? " pangungulit pa niya.

" Uuwi na din ako sa bahay niyan maya maya. "

" Hay… Astra, gusto mo bang kausapin ko si Theo? Parang ako kasing mababaliw sa pagdadrama mo. " tinignan ko siya ng masama.

" Oo na. Oo na, umuwi ka na lang sa bahay niyo at magmukmok, yan ka e, yan si Astra diba? Yung hindi marunong lumaban, yung weak at iyakin si Astra ka nga talaga. Sige mauna na ako, bahala kana sa buhay mo. " pinagmasdan ko lang siyang maglakad paalis. Paulit ulit na lang na parang nag e-echo sa utak ko yung sinabi niya.

' Weak at iyakin… ' ako nga ba 'to!? Weak? Kasi mas pinili kong wag ipaglaban ang pag-ibig ko? Ganun ba ang gusto mong iparating Ceasar? Ano bang alam mo sa pag-ibig Ceasar? Lumaban ka na din ba ng dahil sa pag-ibig?. Gusto kong habulin siya at itanong sa kanya yun, gusto kong maliwanagan, may pag-asa bang sumaya ako pag ipinaglaban ko si Theo?

Yung mga sinabi niya parang naging wake-up call sa akin. Tumayo ako at hahabulin na sana siya, kaso pagtayo ko bumungad sa akin si Cara.

" Let's talk.… in private. " tumalikod na siya at naglakad. Ni hindi man lang niya hinintay  na sumagot ako kung sumang-ayon ba ako, bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya at hindi ko ine-expect na lalapitan niya ako, hindi naman kasi talaga kami nag-uusap, never… kahit na ka room mate ko pa siya sa camping. Minsan pag nasasalubong kong magkasama sila ni Theo, wala pa din, parang hindi ako nag e-exist sa paningin nilang dalawa. Para akong isang hangin or invisible na tao pagdating sa kanila.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now