Out of Reach : Chapter 2

6.8K 126 17
                                    

Out of Reach : Chapter 2

Kailangan ko pa bang maging kalookalike niya? Para lang mahalin mo din ako?

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Astra. Pinapasabi pala ni Theo pumunta ka daw sa gym ngayon. "

=_______=

Na naman! Grrrrrr.... huhu patience Astra, breath in breath out! Hoooo! Katatapos lang ng klase namin, at itong classmate kong ka team ni Theo agad ang bumungad sa akin -_-. Basketball player si Theo, akalain niyong captain ball pala siya at MVP pa, MEDYO VASTOS na PLAYER. >__> kainis. Uutusan lang naman ako nun for sure!

Clip ng hair, konting powder and hooola! Ang ganda ko na! pwede ng pang Miss Christian's Academy .

Christian's Academy yan ang pangalan ng aming school. Nagpa ganda muna ako bago puntahan si Theo, mahirap na baka mamaya makita ko si Baby Khai, tapos tawagin niya ulit yung pangalan ko, tapos sasabihan niya ako ng "Hello Astra", tapos sa isang hello na yun, magiging magkaibigan na kami tapos magiging MU (*u*) tapos tapos tapos.... kyaaaaaahhhhh! Magiging boyfriend ko na siya! Hulalala heaven!! At nagsimula ang lahat sa simpleng hello! Kiliiiiiig to the bones sagad hanggang red bone marrow!

Naramdaman ko naman na nag vibrate yung phone ko. Sino naman ba 'to.

1 message recieved :

From : Theo Kulangot <- wag kayong maingay secret lang natin yan :3 sa mga ganitong bagay lang ako nakakaganti sa kanya.

" Gym. Tubig. 5 mins. "

See guys. Ganyan po ka sweet ang boyfriend ko, grabe magtext, pwede namang kumpletuhin! Sakit niya sa ngalangala (>_>)

Pumunta muna ako sa canteen. 5 mins. daw, tapos pag late ako, patay na naman niyan!!! Huhu kailan ba ako makakalayang muli. Napaka tahimik po ng buhay ko dati.. hayyyy... buhay nga naman parang life, anyway highway.. nandito na ako sa canteen, mabilan na nga din ng sandwich yun. Ang sweet sweet ko pa namang girlfriend tapos ginaganyan niya ako ×_×

" Ate isa nga pong mineral water and chicken sandwich. " sabi ko dun sa nagtitinda. Isang fact para kay Theo , mahilig sa chicken yun, kulang na lang maging manok siya, sa araw araw ba naman, hindi niya ata nakakalimutang kumain ng manok. Hindi na ako magtataka kung isang araw nasa rooftop siya at sisigaw ng ' Tiktiktilaoooooooook ' hehe xD

" One mineral water please. " parang nanigas naman ang buong katawan ko. Yung boses kasi na yun! Yung boses na yun!!!!!! Nasa right side ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali, si Baby Khai to, medyo ini-straight ko yung mukha ko at tinignan siya through my peripheral vision! Oh! My! Honey! Babe! Sugar! Plum! Siya nga!!!! Kalma Astra... Kalma!

" ito na po Ma'am.. Ma'am... Ma'am " naririnig kong sabi nung tindera >__< anu ba ate mamaya na! Konting konti na lang, katabi ko ngayon yung lalaking nasa malayo ko lang dati nakikita! May improvement na ngayon! Gossh! Swerte din ata na naging girlfriend ako ni Theo! Ihhhh killleeeeeg!

" A, miss yung binili mo kunin mo na daw. " Lord thank you po! Sa pangalawang pagkakataon kinausap niya ako!!!!!! Kahit hindi ako prepared sa speech ko. I know kaya ko 'to.!

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. " Hi Bab--.. Hello Khai hehe " bati ko, muntik na yun a! Hooo!

" Ikaw pala. Girlfriend ni Theo. Astra diba? " huhu gosh? Ang gwapo ng boses ni Baby Khai. Boses palang kanin na. Solve agad!

Kinuha ko na yung, binili ko. Tapos hinarap ko ulit yung future manliligaw ko, future boyfriend, future asawa at future ama ng magiging anak ko! *o* uwaaaah sarap mangarap libreng libre.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now