Out of Reach : Chapter 45

3.5K 50 7
                                    

Out of Reach : Chapter 45

Sa pag-ibig, minsan hanggang akala ka na lang...

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Pagbalik ko, masayang nakikipag-usap si Cara kay Khai, may pa palo palo pa siya sa balikat ni Khai na nalalaman, napakunot yung noo ko, hay... ano ba 'tong nangyayari sa akin, nag-uusap lang sila Astra... *breath in breath out* and let go the bad vibes.

Nakangiti akong lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Khai and immediately cling my hand to his arm. Ipinatong ko din ang ulo ko sa balikat niya. " Tams.. I wanna go home, okey lang na ihatid muna ako? "

" Pagod ka na ba? " tumango ako, tinignan naman niya yung relo niya to check the time. 1 am na pala, 11 pm na din kasi natapos yung graduation ceremony nila.

" Magpapaalam lang ako sa kanila. " naiwan kaming dalawa ni Cara, there's a moment of silence between the two of us, okey... this is awkward, ako ba dapat ang unang mag approach? Rrr.... naman! Bakit ba kasi iniwan ako ni Tams sa taong 'to! Pero bakit ba ayaw ko siyang kausapin?

" Hi Cara, long time no talk, how are you? " sa totoo lang para akong ewan na nagsasalita, ni hindi nga siya nakatingin sa akin, she's just eyeing her glass full of alcohol.

Tinignan niya ako, and she smiled..nah, its more than like a smirked. " Kinakamusta mo ba ako? Well... nothing became better since you came. " ininom niya ng isang inuman yung alak sa baso niya.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.. parang mali atang kinausap ko pa siya, magsasalita pa sana ako, kaso dumating na si Khai..

Tahimik lang ako sa buong biyahe, kararating ko lang ng Philippines pero sobrang dami nang nangyari, pwede bang bumalik na lang ako sa Cali. Pero hindi pwede, Khai's here, and we already plan to stay here for good. Magiging okey din ang lahat, sobrang mali lang yung set up dahil mga nakainom sila... tama na nga! Ayaw ko ng mag-isip!

Pagdating namin sa condo, inaya ko pang umakyat si Tams, but he insists, gabi na daw and he's also tired.. One thing I love about Khai is that he's so gentleman, and hindi niya tinetake advantage ang mga babae, mataas ang respeto niya sa mga babae.

" Goodnight Tams, ingat sa daan. " I kissed him to his cheeks and lumabas na ng kotse. Pag akyat ko sa condo ko, kama ko agad ang hinanap ko, nakaayos na ang mga gamit ko, kaya wala na akong pinoproblema si Mommy ang may pakana nito. Gusto niya kasi pag dating ko dito wala na akong iisipan pa, kaya pinaayos niya na sa mga maid namin ang lahat ng gamit ko.

Nakatulala ako sa kisame ko ngayon, bigla ko na lang naalala yung kanina.

" Sa'yo lang ako, kahit ilang taon pa ang lumipas sa'yong sa'yo lang ako Astra. "

Bigla akong napaupo, ano bang nangyari sa dalawang taon na 'yon? May kailangan ba akong pag sisihan na hindi ko kinausap si Theo before I leave this country.. geezzz! I hate this!!! I hate being alone!!! And one thing! As if I care naman! Dalawang taon na Astra! Stop thinking about that stupid past! Past is past!

I have Khai now. Wala na akong pakielaman kay Theo, walang wala na!

--

Maaga akong nagising. Ngayon din kasi ang araw na kailangan kong mag report sa papasukan ko. Kung tutuusin pwede ko ng itake over yung company namin dito and ying Star Mall. Ako lang talaga ang may problema, gusto ko muna kasing magkaroon ng experience, pinasok naman na ako ni Mommy sa isang company, all I have to do is to report and I can start by the other day. At isa pa, nakaka degrade naman sa ego nung papalitan ko sa company namin kung bigla na lang akong darating para palitan siya, and to think na novice pa ako...

Out of Reach [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon