Out of Reach : Chapter 56

3.6K 64 10
                                    

Out of Reach : Chapter 56

Nakakatakot na ring umasa minsan, madalas kasi hindi namang nangyayari.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Ilang oras din akong tulala sa loob ng van na sinasakyan namin, kasama ko ang mga iba kong katrabaho, sina Leny at ang iba pang pito na kasama, malaki 'tong van kaya wag na kayong magtaka kung bakit kami nagkasya, nagulat nga ako na kasama pala sila ang buong akala ko ay kami lang ni Theo ang pupunta dito. Napaka haba ng biyahe pero ni isang iglip hindi ko nagawa, hindi ko alam kung bakit kahit sobrang sama ng pakiramdam ko ay nagawa ko pa ding sumama, pinatay ko lahat ng gadgets ko, ayaw ko munang may kumausap sa akin, o ayaw ko lang sigurong matawagan ako ni Khai, hindi ako nagpa alam sa kanya na aalis ako. Dapat pa ba akong magpaalam? Pang ilang tanong ko na ito sa sarili ko. Nakakainis! Inis na inis na asar na asar na talaga ako! Hindi ko na maintindihan 'tong nararamdaman ko, natatakot akong bumalik sa Pagudpod pero ano 'tong ginagawa ko? Bahala na, nandito na rin naman na ako, wala na din akong magagawa.

Ipinarada na ng driver namin ang van at isa isa ng bumaba ang mga katrabaho ako, mula dito sa kinauupuan ko kitang kita ko na ang napaka gandang kulay asul na tubig dagat, pati ang white sand, at dahil nakabukas ang pinto ng van ay naaamoy ko na din ang hangin ng Pagudpod, napaka ganda ng lugar na ito na aakalain mong nasa isang paraiso ka , pero para sa akin, isa itong lugar na nakakatakot, para kasing sa tuwing makikita ko ang mga buhangin na puti ay bigla ko na lang makikita ang isang napaka lungkot na babaeng nakaupo sa puting buhangin at humihikbi, malungkot, nasasaktan at nahihirapan.

Nakakatawa kasi ilang taon na ang lumipas pero sa tingin ko, hindi pa din talaga ako naka move on. Mahal ko si Khai, pero.... a basta, gusto ko pa ding malaman ang lahat, gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko ngayon. Magulo pero alam kong sa huli malalaman ko din kung ano ba talaga ang gusto ng puso at isip ko.

Bigla naman akong napatingin sa may bandang pinto ng may tumawag sa pangalan ko. " Astra, hindi kapa ba bababa? " si Dante pala, isa din sa mga katrabaho ko. " Mamaya nang konti. " maikli kong sagot. " Dinala na namin lahat ng gamit sa hotel na tutuluyan natin, sumunod ko na lang dun. " habol pa niya. Tinanguan ko lang siya.

Nang makaalis na siya ay napabuntong hininga na lang ako. " Astra trabaho ang pinunta mo dito. Hindi para mag emote. " bulong ko sa sarili. Ipinikit ko muna saglit ang aking mga mata.

" Ano po ba ang ginawa kong kasalan Lord at bakit parang sobra sobra ng parusa ang natatanggap ko sa inyo? Lord sana naman matapos na lahat ng ito, gusto ko na pong mabuhay ng payak, yung may problema pero hindi ganito kahirap. " napabuntong hininga ulit ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko ng biglang may malaking mukha ang tumambad sa harapan ko.

" ANO BA!! PAPATAYIN MO BA AKO SA TAKOT? " bulyaw ko sa kanya, napakalapit ba naman kasi ng mukha niya na parang katulad sa mga horror movies na multo! Asar! Pag ako namatay ng maaga mumultihin ko talaga 'tong bwisit na 'to.

Inayos naman niya yung upo niya. " I told you, where here to relax, set aside all of your problems, kalimutan mo munang ako si Theo at ikaw si Astra after ng trabaho natin. I want this vacation to be perfect, -- " pinigilan ko naman siya sa sasabihin niya pa.

" Anong sabi mo vacation? " taka kong tanong, anong bakasyon? E trabaho nga pinunta ko dito.

" May kakausapin lang tayong kliyente mamaya at pagkatapos nun pwede na tayong mag relax. " paliwanag niya.

" What? "

" Wala ka na bang ibang alam na tanong kung hindi ANO? Try to ask me if I still love you, I'll answer you an endless love. "

Out of Reach [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon