Out of Reach : Chapter 18

4.4K 59 7
                                    

Out of Reach : Chapter 18

Kapag ang gwapo nag lip bite HOT, pero pag ang panget nag lip bite MANYAK!

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Wait lang Theo!! Kinakabahan ako! Huhuhu… pakinggan mo pa puso ko! Sabi niya---"


" Tch! Ang arte mo! Ano? Anong sinasabi? Khai.. khai.. khai.. " inis niyang sabi, bigla niya ding binitawan yung kamay ko. Problema nito? Hindi naman Khai yung sinasabi e... sobrang bilis lang talaga ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o dahil sa biglang paghawak niya sa kamay ko kanina. Ang wierd nga e, nung hinawakan niya ako. Parang ewan sa feeling. Parang nagstop saglit yung beat ng puso ko. Papasama na talaga ako kay Mommy sa Cardiologist masama na 'to >_>


Nakayuko kong binalik yung kamay ko sa kamay niya, I mean ako na ang humawak. I will try, I tatry kong maging mabuting girlfriend kahit ngayon lang. Naramdaman ko naman na parang nagulat pa si Theo sa ikinilos ko. Ramdam ko din na nakatingin siya sa akin ngayon.


" Tss... I'm doing you a favor here. I'll do my part as your boyfriend, and please... kahit ngayon lang Astra,  act like a girlfriend to me. Ayaw kong mapahiya. "


After niyang sabihin yun, biglang bumukas yung pinto ng bahay nila. Si Kuya Thom pala. Nginitian ko lang ng pilit si Kuya Thom, napansin ko naman na sa mga kamay namin siya tumingin agad, and he even smirked. Nailang ako kaya sinubukan kong tanggalin yung kamay ko, pero masyadong mahigpit yung pagkakahawak ni Theo.

Tinignan ko si Theo na walang emosyon ang mukha. Sa totoo lang gusto ko ng umalis. He's just doing me a favor, ano pa nga ba Astra... kelan ba nag seryoso si Theo sa babae? Kailangan ko lang talagang tanggapin na naaawa lang sa akin si Theo nung gabing yun kaya niya ginagawa 'to.


Pagpasok namin, lahat ng mata sa amin nakatingin. Geezzz! Ano ba 'tong pinasok ko! Kamag-anak ba lahat ni Theo 'to!!?? Bakit ang dami nila. Lahat pa ang gagara ng sout, samantalang ako uniform lang.


Dumiretso muna kami sa parents ni Theo. Hindi pa din tinatanggal ni Theo yung hawak niya sa kamay ko. Pag kakita sa akin nung Mom ni Theo, parang nagulat pa siya.


" Hello po. " nahihiya kong bati, yung kaninang seryosong mukha ni Theo ngayon naka smile na. Bineso naman ako ng mommy ni Theo. Sheezzzz! Di pa rin ako makapaniwalang nanay ni Theo 'to! Ang ganda kasi niya talaga.


" Astra. I'm happy na nakapunta ka ngayon. " sabi sa akin ng Mom ni Theo, ngumiti lang ako ng sweet.


" Where's Travis Mom? " tanong ni Theo.


" Ah. Nandun siya sa pool kausap niya ata mga pinsan niyo. " hinila naman ako ni Theo papuntang pool. Kainis talaga! Bastos pa din >_> tsk!


Pagkarating namin sa pool area. Parang napunta naman ako sa isang modeling company na punung puno ng mga kalalaking nag gagwapuhan *u*


" Ang gwapo. " bulong ko sa sarili ko. Hindi sa mga pinsan ni Theo. Pero kay Kuya Travis. *u* oh my! Lang talaga... pop corn please! Papanuorin ko na lang si Kuya Travis! Maghapon! Bakit parang sobra naman sa kagwapuhan si Kuya Travis ngayon!? Parang nung huli kong kita sa kanya hindi pa siya ganyan kagwapo.


" Tss.. Gunggung talaga. -_- matunaw Kuya ko >.> " tinignan ko si Theo like this <.< nag titigan kami for how many seconds. Nakapagtataka talaga na may Theo Ramirez na kapatid sina Kuya Travis at Kuya Thom -_- mukhang bakulaw kasi 'tong Theo na 'to.


Lumapit kami sa mga nagtatawanang kalalakihang ubod na uber pa sa kagwapuhan!  Huhu Lord... unfair po talaga ang life kay Theo. Siya talaga ang naiba sa lahi nila. Ikinalulungkot ko ang kapalaran niya. Hehe ~~


Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now