Out of Reach : Chapter 30

4.2K 63 6
                                    

Out of Reach : Chapter 30

Ang bola ang nilalaro, hindi ang babae.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Nasa library ako ngayon, first day of class ng taon. Wala akong kasama kaya nag library ako, half day lang ang pasok ko, si Ceasar umuwi na dahil marami pa daw siyang gagawin, si Dion naman may pasok pa, si Theo wala pa din akong balita.

Ang boring, gusto kong puntahan si Theo ang kaso parang nahihiya ako -_- bakit ganun? Ang labo ko... kainis lang! Oo na kasi! Kahit napaka siraulo nun! Namiss ko siya! Normal lang naman yun diba? Tsaka ilang weeks ko din kaya siyang hindi nakita! Kaya normal yun! Nagbuklat ako ng isang libro at kunyaring binasa yung mga nakasulat (>_>) ayaw ko na! Makaalis na nga lang dito. Kainis lang, nakakabaliw sa katahimikan ang library -.-

Naglakad lakad na lang ako, ayaw ko namang umuwi ng bahay dahil wala din akong gagawin dun, tsaka wala si Eigthan. Wala ng Eigthan na mangungulit pa sa akin. Nakaalis na kasi siya ng bansa.

May mga babaeng nagkukumpulan sa gilid, na curious ako kaya lumapit ako.

G1 - " May event sa gym a, hindi ba kayo manunuod? "

G2 - " Oo nga! Balita ko may laban ang basketball team! Grabe! Hindi nga daw nagbakasyon ang team nila dahil sa laban na yan! "

G3 - " Talaga!? Oh my! Let's watch later! Pag checheer ko si Honey Theo ko! "

Umalis na ako after kong marinig yung pangalan ni Theo. Kaya ba hindi nagparamdam si Theo? Nagdiretso agad ako sa canteen at bumili ng chicken sandwich pati na rin mineral water. Agad akong nagtungo sa gym, madami ng tao, halos 1/4 na lang ang walang nakaupo sa upuan.

Asan kaya sila Theo? Hinarang ko yung babaeng nasalubong ko " A.. miss anong oras yung laban? " tanong ko.

" After 1 hour po mag start na. " sagot niya.

Isang oras pa. Baka naman nasa locker room pa sila Theo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Hindi ko man lang siya dinalaw sa practice nila samantalang ako nag-eenjoy sa bahay. Nag-eenjoy nga ba ako? Hindi naman a... kaya kwits lang kami!

Wala din akong nagawa kung hindi ang pumunta sa locker room,

nasa tapat na 'ko ngayon ng room nila, Huhunesss naman. Anong sasabihin ko kay Theo? Baka naman itaboy ako ng bakulaw na yun >.<

Imagination number 1 :

Kumatok ako at binuksan ni Theo ang pinto.

Ako <- kunyaring nagulat o.o " Me

..Me Merry Christmas and happy new year Theo! " mautal utal kong bati

Siya <- mukhang wala sa mood at agad na sinara ang pinto..

Wait!!! Parang may mali!? Tsaka ang panget ng dating ko dun? Dapat ako ang mukhang wala sa mood! Siya 'tong hindi nagparamdam malamang ako dapat ang wala sa mood!.

Imagination number 2 :

Kinatok 'ko ang pinto at binuksan ni Theo. Nagulat siya ng makita niya ako, nang matauhan siya bigla niya akong niyakap dahil sobrang namiss niya ako.

" Astra! Namiss kita! " sabi niya with feelings.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakapalupot sa katawan ko, tinapon ko sa mukha niya ang sandwich na dala ko at tinasaan siya ng kilay.

Out of Reach [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now