Out of Reach : Chapter 43

3.2K 52 6
                                    

Out of Reach : Chapter 43

Ako ang araw ikaw ang buwan. Habang buhay na lang ba tayong maghahabulan?

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

3rd Person

" WELCOME BACK KHAI!!!! " isang malakas na sigawan ang sumalubong kay Khai pagpasok niya sa SSC office, ang may pakana ang soccer team, kasama si Theo dun, sa halip na sa locker room nila paghandaan ay naisip nilang surpresahin si Khai sa SSC room, kahit na hindi na siya member pa ng soccer team ay mainit na sinalubong pa din nila si Khai, isa kasi siya sa laging nagpapanalo sa grupo noon. At isa pa, dalawang taon din kasi nila itong hindi nakasama.

" Naks! Gumwapo tayo sa Californina a! " sabi ni Dion sa kanya sabay akbay nito. Ngumiti lang si Khai, hindi din kasi siya makapaniwala na masosorpresa siya pagbalik niya. Ang akala niya kaya siya pinatawag sa SSC room ay may kailangan siyang gawin yun pala ay isang sorpresa ang bubungad sa kanya.

Lumapit din sina Theo at Cara, napatingin si Khai sa kamay ni Cara na naka sabit sa braso ni Theo. " Kamusta? Long time no see. " pormal na bati sa kanya ni Theo.

" Eto mas lalong gumwapo, balita ko Magna Cumlaude ka daw. Conggrats dude. "

" Salamat. "

" How's your stay there? Masaya ba dun? Hindi kaba na bored? " tanong ni Cara sa kanya..

" Masayang masaya. " maikling sagot niya ...

" Awww.... I wanna go there too Babe! Pano kung dun tayo mag bakasyon before going to work? What do you think? " pa tweetams na sabi ni Cara na ikinalukot at ikinasuya ni Dion. Inis pa din siya sa pagiging dependent ni Cara kay Theo, halos hindi na niya lubayan ito.

" Babe? Kayo? " tanong ni Khai sa dalawa. Umalis naman si Theo at iniwan si Cara kay Khai at Dion. Naiinis kasi si Theo everytime na may magtatanong sa kanya kung sila ni Cara.

" Hindi sila, never magiging sila.. " sagot ni Dion sa tanong ni Khai.

" Tch. Whatever! " pagtataray naman ni Cara kay Dion sabay irap dito, sinundan din nito si Theo. Hindi naman kasi talaga si Cara at Theo, never naging sila. Si Cara lang talaga ang tumatawag ng Babe kay Theo, dahil ina assume niyang sila kahit hindi naman. Alam ni Cara sa sarili niya na hindi siya kayang mahalin ni Theo. Si Theo na din ang nagsabi sa kanya dati na hindi na niya kayang mag mahal pa ng iba, dahil si Astra lang talaga ang gusto nito at wala ng iba.

" Yaan muna yun, ikaw wala ka bang girlfriend? Alam kong kaya ka pumayag na pumunta sa ibang bansa dahil nag break kayo ni Hyuri. " usisa ni Dion. Napangiti si Khai sa tanong niya. Bigla niya kasing naalala at namiss si Astra.

" Meron, and you'll know her soon. "

" Naks! Nakatagpo ka ata ng foreigner! " biro ni Dion. Tumawa na lang si Khai..



Astra's POV

" Do you really have to leave? " tanong sakin si Amanda nasa bahay nila ako, kasama sina Jeff, Isme, Ryi and the others.

" Khai needs me there, and its going to be our first anniversary, I want him to be the most happy guy in that day. " explain ko..

" If you want him to be happy, have a sex with him. " sabi ni Isme na ikinasingkit ng mata ko.. grabe talaga 'tong mga 'to. Ang sex sa kanila ay parang pag-inom lang ng tubig, pag uhaw gagawin. Amerikano nga naman... hindi naman sa inaano ko ang mga Amerikano, hindi lahat, siguro out of 10 isa ang hindi. (-_-)

Nagtawanan pa silang lahat, at agree silang lahat sa advice ni Isme, jusko! Pano ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na ganito dito???

" Will shut up! Perverted jerk! " bulyaw ni Amanda sa kanila, yan kasi, alam kasi ni Amanda na may pagka conservative ako, medyo close kami nito e..

Isa isa na silang nag bigay ng kung anu ano. Si Isme pinanindigan ang advice, magbigay ba naman ng isang pack na condom... grrr! Anong akala niya kay Baby Khai ko!? Katulad niyang maniyakis -__-

" I'm gonna miss you Astra, you're the asian girl I love the most. " hinalikan ako ni Amanda sa cheeks.. isa isa ko ding pinagyayakap sina Isme, Jeff, Ryi and the others... kung hindi dahil sa mga 'to hindi magiging kami at dahil din sa kanila sumaya ang buhay Cali ko. At kung hindi dahil sa kanila hindi magiging perpekto ang proposal ni Tams sa akin.

Bumalik na ako ng bahay para ayusin yung mga gamit ko. Napagdesisyonan ko na din kasi na titira ako sa isang condominium pag dating ko sa Philippines, as much as possible ayaw kong dumipende kina Mommy. Matanda naman na ako, I also know how to drive now, iba talaga pag nasa ibang bansa halos lahat gusto mo ng pag-aralan dahil ayaw mong nahuhuli sa trend.

1 week ko ding tinapos yung research paper ko. Yun na lang din naman ang tinapos ko para makaalis na talaga dito, nauna na akong nag march kina Khai and Amanda, nung mga panahon kasi na talagang broken ako i strived harder to the point na ayaw ko ng tantanan ang mga books ko. Sa sobrang dami kong inadvance na subject naubusan na ako ng i-aadvance kaya eto tinapos ko lang yung research paper ko para makakuha pa ng isang degree...

" Astra honey... stay healthy there okey... " nasa airport na ako, sina Mommy and Daddy ang naghatid sa akin, kahit na napakalaki ko na bini-baby pa din nila ako...

" I will Mom. " I kissed her cheeks, lumapit si Daddy sa akin at ginulo gulo yung buhok ko sa taas, gawin ba akong bata! Daddy talaga!

" Ihahatid ka ng magsusundo sayo sa condo mo, siya din ang magiging driver mo for the mean time, saka ko na ibibigay yung kotse pag dating namin ng Mommy mo dun. " nginitian ko lang si Daddy. Nakapa spoiled bratt ko na! Pero okey lang naman yun, susuklian ko naman lahat ng hirap nila sa akin.

" I love you Mom and Dad, take care of each other, and see you soon. " inakbayan ni Daddy si Mommy, sabay lang silang tumango sa sinabi ko.

Uuwi na talaga ako, after two years... marami kayang nagbago sa Pinas? I'm so excited, miss na miss ko na din si Tams! Minsan nag-uusap kami sa skype at lagi lang niya akong pinapamiss lalo, kakain siya ng mga foods na miss na miss ko na! Tapos iinggitin niya ako, at siyempre magtatampo ako kunyari para marinig ko yung matamis niyang Labs... hihi....

Natulog lang ako buong biyahe... I need to sleep pagdating ko kasi dun, konting ayos lang sa sarili didiretso na ako sa Christian Academy. Pagdating ko kasi dun ay graduation niya na, sabi ni Tams, may group celebration daw sila and gusto niyang dun na lang din i-celebrate yung anniv. namin, nung una nag dadalawang isip pa ako kasi its our day, pero naisip ko din na kung san masaya si Tams dun na lang din ako.

Pagkababa na pagkababa ko ng eroplano hindi ko napigilang hindi  mapangiti.

" Hello Philippines. " bulong ko sa sarili.

I'm really here! And its good to be back..










~Alley

Vote | Comment | Follow

( a/n: Bitinski! Sadya yan hehe :D )

Out of Reach [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon