Out of Reach : Chapter 57

3.4K 57 3
                                    

Out of Reach : Chapter 57

Magmahal ka, hindi para masaktan kung hindi para sumaya.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

" Woow! Ang ganda talaga dito, tignan niyo o, kitang kita yung mga isdang maliliit. " Leny said habang nakaturo sa tubig dagat at mukhang amaze na amaze sa mga isdang nagsisilanguyan, we're in the middle of nowhere at nakasakay kami sa isang yacht, hindi ko alam kung saang banda na ba ito ng dagat, lahat sila ine-enjoy ang ganda ng karagatan. While me? Eto parang tangang pinagmamasadan si Theo. Like what the eff is wrong with him!?

Nakaka asar siya, sabi niya wala na daw masakit sa kanya, pero pag tinititigan mo siya ngayon he looks totally unwell, nakaupo habang nakasandal ang likod niya sa gilid ng yacht and his eyes are closed at parang nilalasap niya ang sarap ng hangin.

And one more thing na kinaiinisan ko, parang walang pake 'tong iba niyang employee, nagtanong lang kung anong nangyari kay Theo and guess what they said? " Buti na lang walang masamang nangyari sa'yo Sir. " halos sumabog ang ulo ko sa inis kanina, ganun na lang yun? Tch. Palibhasa kasi ang sungit sungit niya sa mga employee niya kaya ganyan na lang siya tratuhin.

" Stop starring like you want to kiss me now, I won't resist kissing you, alam mong patay na patay ako sa'yo. " sabi niya ng nakasara pa din ang mga mata niya, sa hindi ko naman malamang dahilan ay bigla akong kinabahan at hindi ko napigilang tignan ang mga kasama namin dito sa yate na enjoy na enjoy pa din sa pagtingin tingin.

Nasisiraan na talaga siya! Pano na lang pag may nakarinig sa kanyang iba!? Alam ko namang ako ang tinutukoy niya, dahil ako lang ang nakatingin sa kanya, at pano niya nalaman? May mata ba siyang nakatago sa ibang parte ng katawan niya?

Lumipat ako ng pwesto at tumabi sa kanya ng konti, but still may space between us, kanina kasi nasa tapat niya ako and all I did is to stare at his wounded face.

I want to clear it, tumabi ako sa kanya not because I like him, but because I do care about myself, isipin pa ng mga katrabaho ko na may gusto ako sa kanya at gusto ko nga siyang halikan.

" Kung patay na patay ka sa akin, bakit mas pinili mo si Cara nung college pa lang tayo? Ganun ba ang patay na patay? Baka naman kasinunghalingan na naman yan Theo. " hindi ko alam bat natanong ko 'to maybe because I'm bored at gusto ko lang siyang sakyan.

Napatingin naman siya sa akin and a smirk formed on his lips. Geez! Ngayon ko na lang ulit siya nakitang nag smirk! Psh! Panget. Anong akala niya? Gwapo siya pag nag i-smirk? Duh~

" Are you seducing me? " parang biglang naging bedroom voice ang boses niya, bwisit! Baka siya ang ng se-seduce? Akala naman niya may epekto sa akin? Over my dead and sexy body walang epekto sa 'kin ang smirk, at mala adonis niyang titig.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. " Kanina lang kung titigan mo ko parang hinuhubadan mo na ako, tapos ngayon lumalapit ka sa akin, if you want to seduce me let's make it in my unit, or pwede din dito? Magpag-uusapan yan. " nakangiting aso niyang dagdag, anong akala niya sa akin!? Urgh! Ang yabang talaga.

" Excuse me, kaya lang naman ako lumipat ng pwesto ay naiinitan kasi ako dun, wag kang feeler, I will never seduce a guy like you, at isa pa kung iniisip mong tinititigan kita kanina nagkakamali ka I am looking at your back ang ganda kasi ng view kaso ang laki mong harang. " I rolled my eyes, para parang totoo talaga yung acting ko, ayaw kong isipin niyang tinititigan ko siya, dahil lahat na lang ng bagay ay binibigyan niya ng meaning.

" Okey… " maikli niyang sagot sabay tayo at lumipat siya ng pwesto, dun sa pwesto kong mainit kanina, ipinatong niya ulit ang likod niya at pumikit. Problema nun? May aids ba ako para layuan niya? Asar!

Out of Reach [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon