Chapter 36

53.6K 1K 71
                                    

NAGISING SI Marah nang makarinig siya na tila may tumatawag sa pangalan niya. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Kumurap-kurap pa siya dahil sa panlalabo ng paningin. Napaluha siya nang makita ang mukha ng ama sa harapan niya.

"Tay," naluluha niyang wika.

"Anak, salamat at gising ka na," naiiyak na anang ng ama niya at niyakap siya.

"Nasaan po ako? Bakit kayo nandito?"

Umupo ito sa upuang plastik na katabi ng kama niya. "Nalaman ko ang nangyari sa'yo. Tinawagan ako ng kaibigan mo. Okay ka lang ba anak?"

Malaman si Roxanne ang nagsabi. Bahagya siyang tumango. "Ang baby ko po?" She's hoping na ligtas ang dinadala niya.

"You're baby is safe. " nakahinga siya ng maluwag. Tumingin siya sa ama na si Julio nang hawakan nito ang kamay niya. "I'm so sorry anak noong panahon na wala ako. Hindi ko alam na sasaktan ka na pala ng sobra. Hindi ako naging mabuting tatay sa'yo," humagugol ito. "Nang dahil sa'kin muntikan ka ng mawala at sa magiging baby mo."

Umiling siya. "Huwag nyo pong sabihin 'yan, tay. Kung hindi dahil sa inyo hindi ko malalagpasin 'to."

"Sana hindi ko na lang kayo iniwan ng mommy mo?"

"Tay, sinunod nyo lang 'yong puso nyo," aniya. Wala siyang anumang galit sa sariling ama. Ewan ba, hindi talaga siya mahilig magtanim ng galit. Pinalaki kasi siya ng Lola niya na huwag magagalit sa mga taong umaapi sa'yo. Hindi lang nila alam ang ginagawa nila.

"Paano nyo po ba nakilala si Tita Bettina?" Ang stepmom niya.

Bahagyang ngumiti ang kanyang ama. Inaalala ang nakaraan. "Kasintahan ko na ang Tita Bettina mo at si Lucy naman ay bestfriend ko. " Lucy, pangalan ng kanyang ina. "Lasing kami ng mommy mo nang may nangyari sa'min, nabuntis siya."

Pagak siyang natawa. "Isang aksidente lang pala ako."

"Hindi anak! Ikaw ang anghel na binigay sa'min ng mommy mo."  Lumungkot ito. "Pinili ko kayo kasi akala ko 'yon ang tama. Sinubukan ko na mahalin ang mommy mo kaso may mga bagay talaga na hindi kami nagkakaintindihan. Nauuwi sa away. Nagkita ulit kami ng Tita Bettina mo noong limang taon ka pa lang and I find out na may anak pala ako sa kanya na kaedad mo rin. Pinilit namin na ayusin ang pagsasama ng mommy mo pero mahal ko pa rin si Tita Bettina mo. Hindi 'yon nawala sa puso ko."

"Kaya anak, umuwi ka na? Please do yourself as a favor. Aalahin mo ang anak mo."

Saglit siyang natigilan. Ito na ba ang panahon para sumuko sa pagmamahal kung kahit ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para ipaglayo sila sa isa't isa. Siguro nga, they are not really meant to each other. Nagkakilala lang sila para saktan ang isa't isa. Para gumising sa katotohanan na, true love doesn't exist.  

Tumango siya. "Uuwi na po ako."

Ngumiti ang ama niya. "Hinihintay ka na ng Tita Bettina mo."

Bahagya siyang nag-alinlangan. Napansin iyon ng ama niya.

"Tanggap ka ni Bettina. Hindi niya lang alam kung paano i-approach ka. Dahil ramdam niya na medyo ilag ka. Si Tita Bettina mo ang gustong pauwiin ka. Hinihintay ka na rin ng mga kapatid mo. "

Naluha naman siya sa kasiyahan. May dalawa siyang kapatid sa kanyang ama. Isang babae at isang lalaki.       

 Dalawang nasa hospital si Marah at sa dalawang araw na 'yon. Hindi nawala ang ama niya. Nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagbonding at magkwentuhan noong mga panahon na hindi nila kapiling ang isa't isa. Nakalimutan ng sandaling 'yon ang sakit na napagdaan niya. Bumibisita rin si Carlos at kasama niya ito pauwi sa Pilipinas. Naitakwil kasi ito ng mga royals kaya pinagbabawal na hindi na ito makakatungtong ng Sicily kahit na siya. Wala na rin naman siyang balak na bumalik sa lugar kung saan sakit lang ang naranasan niya.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now