Chapter 27

47.8K 1K 63
                                    

ANG BILIS ng tibok ng puso ni Marah dahil sa matang nakatitig sa kanya habang nagsasalin siya ng juice sa mga baso at ito naman ay kumakain. Hindi kaya siya nakatulog kagabi dahil hanggang ngayon pakiramdam ni Marah nakalapat pa rin ang labi ni Kyron sa kanya. Tapos namumula na ang pisngi niya sa titig nito. Kaunti na lang talaga at susunggaban niya ito ng halik. Bayad sa halik nito kahapon.

"Sabayan mo na ako," anito. Umalis ng maaga si Sofie na ikatuwa niya. Hindi na sasakit ang puso niya ngayong umaga.

"Hindi na po," tanggi niya sa alok nito bago yumukod siya rito bilang galang saka siya lumabas ng kusina. Hihintayin na lang niya na matapos ito pagkain para mahugasan na niya ang mga plato.

Umakyat siya sa taas habang may dalang tambo upang maglinis ng silid nito. Pumasok siya sa silid habang napaiiling sa kalat na nakikita niya. Ang daming nakakalat na damit ng pambabae-damit ni Sofie. Nakakalat ang panty sa sahig na ikinawingi niya. Kababaeng tao!

Hindi niya pinulot ang panty nito! Kadiri kaya! Winalis niya ito at dinaspan saka nilagay sa trash can ang maruming panty.

"Diyan ka nababagay," inis niya wika bago sinimulan na maglinis.

Pinalitan niya ng bagong bedsheet at bagong punda ang higaan at unan. Bahagya siyang nakatuwad dahil pinapagpag niya ang higaan nang may mapansin na parang kanina pa siyang pinagmamasdan. Lumingon siya, ang nakangisi na si Kyron habang nakasandal sa gilid ng pintuan at nakahalukipkip na parang nasisiya sa nakikita nitong magandang tanawin. Bigla siyang tumayo ng tuwid at inayos ang suot na pangkatulong. Ang ikli kasi ng palda niya.

Tumikhim siya saka dinampot ang walis at dustpan. Kumakabog ang dibdib na lumakad siya palapit dito. Dadaan sana si Marah sa gilid nito nang biglang hinawakan ang braso niya at sinandal siya sa pader.

Nanlaki ang mata ni Marah nang nakawan siya ng halik nito. Hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon, she grabbed her arms around his nape then kiss him back. Ang halik ay malumanay at walang pagmamadali. Banayad ang halik na binibigay nito sa kanya. Ang halik na sobra niyang namiss. Ang labi nito na tanging gusto niya lang.

Tinulak niya ito nang hindi na siya makahinga ngunit sinunggaban ulit ni Kyron ang labi niya. Bahagyang humihinto ito sa paghalik upang makalanghap ng hangin saka hahalikan ulit siya. Napasinghap siya sa loob ng bibig nito nang bumaba ang kamay ni Kyron sa pang-upo niya at pumisil doon. Nakapulupot ang kamay nito sa bewang niya nang naglakad ito papasok ng silid habang siya naman ay paatras.

Naramdaman na lang niya ang malambot na kama sa likod niya nang wala na siyang maiatras pa. Napaungol siya nang pinasadahan ng dila nito ang leeg niya habang humihimas ang mainit nitong kamay sa hita niya. Lumiyad pa siya upang bigyang laya ang labi nito na pumapapak sa leeg niya.

Wala na siyang wisyo dahil sa mainit na katawan ni Kyron na nagpapainit sa katawan niya. Napadaing si Marah nang sapuin ng kamay nito ang dibdib niya saka hinihimas na parang naghuhulma ng tinapay kahit na may kasuotan pang nahaharangan. Lalo nitong diniin ang sarili sa kanya na ikinaungol niya.

Nasa kalagitnaan na sila ng sarap nang marinig niya ang boses ng kaibigan niya papalapit. Agad niyang tinulak si Kyron at nagmadaling tumayo saka inayos ang sarili at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Maglalakad na sana siya nang hilahin ulit ni Kyron ang kamay niya saka ginawaran ulit siya ng halik bago siya pakawalan. Hinihingal na lumabas siya ng silid.

Nakita niya si Roanne na may nakakalokang ngisi sa labi habang nakatingin sa labi niya. Nahihiyang tinakloban niya ng kamay ang labi bago pinimulahan ng pisngi.

"Namamaga, girl." Bulong nito na ikinainit ng pisngi ni Marah.

Hindi niya pinansin ang kakaibang tingin nito. Lumakad siya pababa ng hagdan habang nakasunod ang kaibigan.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now