Chapter 23

49.6K 1.1K 77
                                    

UNTI-UNTING nagmulat ang mga mata ni Marah mula sa mahimbing na pagkakatulog. Saglit pa siyang nakatulala sa puting kisame nang mapabaling siya sa nagsalita.

"Marah, thank god! You're awaked," masayang wika ni Roanne saka niyakap si Marah.

Nang bumitaw sa yakap si Roanne, agad naalala ni Marah ang nangyari sa kanya, sa baby nila at ni Kyron. Tila pinapakiramdam niya muna ang sarili habang kinakapa niya ang tiyan. Nakatingin lamang si Roanne sa kamay niya na may lungkot sa mga mata.

Kumabog ang dibdib ni Marah nang wala siyang maramdaman na kung may laman ang tyan niya. Nanunubig ang mata na tumingin siya kay Roanne na nakatungo.

"A-ang baby ko?!" halos hirap niyang banggitin. She groaned in pain dahil sa sakit ng katawan na natamo niya. May mga pasa siya sa braso at ibang parte ng katawan dahil  sa paglaban niya sa lalaking tangka siyang gahasain.   

Hinawakan siya nito sa kamay bago tumingin sa kanya. "Huminahon ka muna, you need to rest." She tried to calm her. Ngunit hindi siya mapapalagay hangga't hindi niya nalalaman kung ligtas ba ang dinadala niyang bata sa tyan.

"Ang baby ko?!" She asked her again with a raise tone in her voice. Hindi niya mapigilan na mapasigaw sa frustation. Bakit hindi nito magawang sagutin ang tanong niya? Madali lang naman sagutin kung okay lang ba ang baby nila ni Kyron?

Hindi ito nakaimik kaya nagtanong ulit siya. "Okay lang ba ang baby ko? Si Kyron, Okay lang ba siya? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita," sunod-sunod niyang tanong dahil sa pag-aalala. Walang siyang pakialam kung mahina pa ang katawan niya. Gusto niyang malaman kung okay lang ba ang baby niya sa tiyan? Kung ano ang kalagayan ni Kyron.

"Magpahinga ka muna. Dalawang araw kang walang malay," giit ni Roanne.

"Sagutin mo ako! Ang baby ko?" Hindi na niya mapigilan na magalit at sigawan ito. Bakit pakiramdam niya ay pinagkakait sa kanya ang isang bagay na dapat niyang malaman?

Bumuntong hininga ito. Ilang sandali muna siyang pinagkatitigan bago ito nagsalita. " I'm sorry, you're baby is gone," malungkot na wika nito bago tumungo.

Ilang sandali na nakatulala si Marah sa nakatungong si Roanne dahil hindi kaya ng isip niya ang sinabi nito. "H-hindi totoo 'yan? Sabihin mo, okay lang ang baby ko di'ba?"

Hindi kayang paniwalaan ni Marah kahit ramdam niya na wala baby na buhay sa tiyan niya. Sino ba naman ang ina na paniniwalaan agad na wala na ang baby nito?

Tumulo ang luha niya nang wala siyang nakuhang sagot sa kaibigan. Napahawak pa siya sa tyan niya habang inaalala ang nangyari sa kanya –kung paano siya nakidnap, muntik nang gahasain at ang pulang dugo na nasa kamay niya nang suntukin ng lalaking kumidnap sa kanya ang tiyan niya.

Ang sikip-sikip ng dibdib ni Marah na tila hindi na makahinga habang naalala niya ang kinang ng mukha ni Kyron nang malaman nito na buntis siya. Ang kasiyahan niya nang makita ang dalawang guhit na kumpirmado na buntis siya. Kung paano siya inalagan at inalayan ni Kyron habang nagdadalang tao siya.

At tila gumuho ang mundo niya. Napapikit si Marah habang nakatakip ang kamay sa bibig saka walang hinto ang pagtulo ng mga luha niya sa pisngi.    

Tumingin si Roanne sa kanya. "Magpahinga ka muna. Tatawagin ko lang ang doctor?"

"Where is he?" Hindi niya kailangan ng doctor ang kailangan niyang malaman kung nasaan si Kyron. She wants to know what happened to Kyron! She's have right to know! 

She looked at her waiting for an answer, silently praying that he's safe!

Malungkot na bumuntong hininga si Roanne. "He's still in ICU. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Ang sabi ng doctor na-comatose daw ito dahil sa tama ng bala sa ulo nito." 

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now