Chapter 35

48K 978 98
                                    

"KYRON!"

Hindi man lang nilingon ni Kyron si Marah. Mabilis na tumakbo si Marah kahit na hinihingal. Ngunit hindi na niya naabutan ito, nakasakay na ito sa kotse kasama si Sofie. Umandar na rin ang sinasakyan ng hari't reyna kasama si Nyron at si Pearl na tahimik umiiyak.

Huminto ang sinasakyan ni Carlos sa tabi niya."Get in!"

Mabilis siyang sumakay sa kotse nito at pinaharurot agad. Sinusundan nila ang dalawang kotse.

"Nakapag book na ako ng flight." Anito.

Tumango na lang si Marah. Private plane kasi ang gamit nila pupunta dito sa Sicily. Sigurado sila na hindi sila pasasakayin ni Kyron. Sana pakinggan man lang nito ang paliwanag niya. Sana magtiwala ito na hindi niya kaya na lokohin ito. Sobra niyang mahal si Kyron. At hindi siya ganoon klaseng babae.

"Hindi pinakinggan ni Kyron ang paliwanag ako. Sarado pa ang utak niya." Anang nito.

Bumuntong siya. "Hindi rin pinakinggan ni Pearl ang paliwanag ko."

"She hates me now." 

"I'm sorry," hinging paumanhin niya. Nakasira siya ng isang relasyon na hindi naman niya kasalanan.

"You don't have to say sorry. Biktima ka rin. " Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. "Kelangan na lang natin ng proweba na walang nangyari sa'tin at may gustong sirain ang relasyon nyo ng mag-asawa. "

"Bakit ka nga pala nandoon sa kwarto at katabi ko?"

Umiling si Carlos. "Hindi ko rin alam. Papasok na sana ako sa silid ko nang may pumukpok sa'kin. Paggising ko, katabi na kita. "  

PAGKABABA NG eroplano mabilis na lumabas si Marah kasunod si Carlos.

"May chopper na nakaabang sa'tin," anang nito at giniya siya kung nasaan ang chopper.

Agad silang sumakay sa chopper. Tahimik lamang si Marah pagkalipad ng chopper. She's silently praying that Kyron will let her explain. Mahal siya nito pero bakit hindi siya hayaan na magpaliwanag. Ganun ba talaga ito kagalit sa kanya dahil sa nakita. He saw her naked with Carlos. What did she expect na hindi magagalit si Kyron sa nakita.  

Napahawak siya sa sintido nang biglang makaramdam ng pagkahilo. Ano bang nangyayari sa kanya? Siguro nalulula lang siya!

"Are you alright?"

Napatingin siya kay Carlos na katabi niya. Pinilit niyang ngumiti at ininda ang hilong nararamdaman. "Okay lang."  

Lumapag ang eroplano sa rooftop ng mansyon ni Carlos. Nauna itong bumaba bago nilahad ang kamay sa kanya. Saglit muna siyang hindi kumilos dahil tila gumagalaw ang kanyang paligid.

Pagkababa niya, napayakap siya kay Carlos na agad naman siyang dinaluhan. Tila bumibigat ang talukap ng mga mata niya.

"Marah!"

Napapikit siya nang hindi na kinaya ang hilo. Binuhat siya ni Carlos at nagmadaling buksan ang elevator.

HINDI NAPANSIN ni Carlos si Pearl pagkabukas ng elevator. Nakatayo si Pearl katabi ng sofa nang makita si Carlos na buhat si Marah na walang malay.

Agad na inutusan ni Carlos ang isang katulong niya na magpadala ng doctor. Pumasok siya sa isang silid saka maingat na hiniga si Marah na hindi pa rin nagigising.

Nakaramdam siya ng lungkot na makita ang pamumula ng pisngi nito dahil sa pasa. Dahan-dahang hinaplos ni Carlos ang pisngi nito. He's felt pity for her!

At iyon ang naabutan tagpo ni Pearl. "So, it's true?"

Lumingon si Carlos nang marinig ang boses ni Pearl. Nanunubig ang mata nito habang nakatingin sa kanya. Agad siyang tumayo at lumapit kay Pearl.

Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon