Chapter 15

61.6K 1.1K 75
                                    

ILANG ARAW ng nagtataka si Marah kay Kyron. Hindi naman sa pinagdududahan niya ito ngunit napapansin niya na bumabangon ito tuwing madaling araw. Tinatanong naman niya kung saan ito nagpupunta tapos nakikita na lang niya na palabas na ito sa dulong silid. Napapa-isip na tuloy siya kung ano ang meron sa kwartong 'yon. Minsan kapag wala si Kyron, pinipilit niya buksan ang silid ngunit naka-lock tapos hahanapin niya ang susi kaso hindi naman niya makita. Ano bang meron sa kwartong 'yon? Palihim siyang nagtanong kay Lorna ngunit hindi rin daw nito alam kung ano ang nandoon sa kwarto.

Pakiramdam niya, may tinatago sa kanya ito.  Wala naman siyang karapatan para manghimasok sa buhay nito. Malalaman niya rin kung ano ang meron sa kwartong 'yon. Kaya ngayon, nag-iisip siya kung paano niya mabubuksan ang pinto. Kinalkal na niya sa cabinet silid nila ang susi ngunit wala siyang nakita. Bagsak ang balikat na umupo siya sa kama.

Bahagyang nagulat pa siya nang may kumatok, nang buksan niya – Lorna.

"Majesty, you have a visitor."

Kumunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahan na bisita. "Sino?"

"Miguel daw po."

Bakit nandito siya? "Ah! Sige, baba na ako." Sinarado niya muna ang pinto ng silid bago siya sumunod kay Lorna.

Pagbaba pa lang niya ng hagdan, nakita niya agad ang lalaking nakatalikod habang pinagmamasdan ang mga painting nakadikit sa pader.

Tumikhim siya kaya humarap ito sa kanya. Naiilang na ngumiti siya nang ngumiti ito. Tatlong taon na rin ang nakalipas nang huli silang maghiwalay. Miguel was her ex boyfriend three years ago. Ito ang nakipaghiwalay ng walang explanation kung bakit. Dalawang taon din naging sila. Ang tagal na rin at ngayon niya lang ulit nakita ito. They have no communication before they broke up.

At first, she's in pain and hurt but she's easy to move on. Siguro dahil hindi naman gaano kalalim ang pagmamahal niya rito.

"Kamusta ka na?" Wika nito.

"Ito okay naman, " naiilang na tumawa siya. Ang awkward pala na kausapin ang ex na ang tagal na hindi nagkita. "Ikaw, kamusta? Upo ka muna."

Umupo ito sa mahabang sofa habang siya ay single sofa. "I'm okay, it's been a long time -three years." 

"Yeah! What are you doing here, by the way?"

"Vacation, I'm with my girlfriend, but she's in her Lola. What about you? You're getting married."

Tumango naman siya. "Yeah! I'm pregnant."  

"Oh really! Congratulations. Akala ko talaga hindi kayo magkakatuluyan."

Napakunot noo siya sa sinabi nito. "What do you mean?"

"Hindi mo pa ba alam," tumawa ito saka napailing-iling. "Ang totoo niyan, kaya ako nakipaghiwalay sa'yo dahil sa kanya."

Paanong dahil kay Kyron? Kilala ba nito si Kyron? "Kilala mo si Kyron?"

Tumango ito. "Yeah! Kinausap niya ako nun, tatlong taon na ang nakakalipas. He introduced his name then sinabi niya na hiwalayan daw kita-"

"Sweetheart," hindi na natuloy ang pagkekwento ni Miguel nang marinig nila si Kyron.

Napalingon siya, papalapit ito sa kanya kaya tumayo siya. Hinapit siya nito sa bewang. Napasinghap siya nang bigla na lang siyang hinalikan nito kaya tinulak niya ito. Kakahiya sa bisita.

Tumawa lang si Miguel. "We have a visitor." Ani Kyron at seryusong tumingin sa bisita nila.

"Yeah, he said na kilala mo raw siya." Wika ni Marah.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now