Chapter 10

71.4K 1.4K 27
                                    

NAGSALUBONG ANG kilay ni Marah nang may naririnig siyang kumakatok na nagpagising sa kanya. Puyat pa naman din siya, dahil humingi pa ng tatlong rounds si Kyron, pagkauwi nila. Ang aga-aga, istorbo. Ang sarap pa naman ng yakap niya kay Kyron.

Speaking of Kyron, tulog pa rin ito habang halos lamunin na siya ng yakap nito, para bang ayaw siyang pakawalan. Ang sarap ng tulog, porke't nilabasan.

"May kumakatok," inaantok na wika niya, niyugyog niya ito sa balikat ngunit umungot lang ito saka sumiksik pa sa dibdib niya. Hindi na makahinga ang mga bundok niya!

Mabuti na lang, sinabihan niya ito kagabi na maglinis sila ng katawan at magbihis bago matulog.

Lumakas ang katok ng kung sino man ang istorbo sa sarap ng tulog niya.

"Kuya!"

Narinig niyang sigaw ng babae sa labas. Sunod-sunod ang katok at kinakalampag na ang pinto. Kumunot ang noo niya dahil pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Ang kapatid ni Kyron na babae, si Pearl.

"Ang kapatid mo, kumakatok," salubong ang kilay ngunit nanatiling nakapikit. Niyakap lang siya ng mahigpit at inaamoy-amoy ang leeg niya.

"Bumangon ka na, si Pearl  nasa labas."

Nagmulat ito ng mata bago nakakunot noo na tumingin sa kanya. "How did you know her?"

"Last night, nakilala ko siya at saka si Carlos," dumilim ang mukha nito ng banggitin niya ang pangalan ng pinsan nito.

"From now on, don't talk to him," may  naramdaman siyang galit sa tono nito. May hindi ba pagkakaunawaan ang magpinsan na ito? Masama ba na makausap ang pinsan nito, kahit kausapin?

"Why?"

Hindi na nasagot ang tanong niya nang narinig nila na tila naiinis na ang nasa labas na naghihintay na pagbuksan nila ng pinto.

Iritadong tumayo si Kyron at binuksan ang pinto. Nakahalukipkip si Pearl habang matalim ang titig nito sa nakakatandang niyang kapatid, si Kyron.

"What do you want? Sinong nagpapasok sa'yo dito? " halata na naiinis sa kapatid. Ang aga naman kasi, istorbo.

"Your maids! Hindi mo ko pinakilala  kay Ate Marah kaya magbo-bonding kami," tumayo si Marah nang marinig niya ang pangalan niya at lumapit sa magkapatid.

Ngumiti si Pearl ng makita siya. "Hi, ate," lalapitan sana siya ngunit humarang si Kyron.

"Anong kailangan mo sa kanya?"

Umirap si Pearl kay Kyron. "Bonding nga di'ba," nakataas ang kilay na wika nito.

"Pumayag ba ako?" Usal ni Kyron.

"Wala ka ng magagawa kasi sasama siya sa'kin, " tumingin ito sa kanya. "Di'ba ate?"

Mabilis siyang tumango. "Oo naman," Gusto rin  naman niya makilala ang kapatid ni Kyron at maka-bonding ito. Mukhang makakasundo niya ito. Sa palagay niya, kaunti lamang ang agwat niya sa edad nito.  

"Yehey! " Nagtatalon pa ito sa tuwa, tila excited. "Go, change na ate, Hintayin kita sa baba." Wika nito saka umirap pa sa kapatid bago umalis.

Napailing-iling naman si Kyron. "Spoiled  brat!"

Mabilis siyang naligo, gusto pa nga ni Kyron na sabay sila, kaso ni-lock niya agad ang pinto.

Nakatapis lang siya ng tuwalya nang lumabas siya, naabutan niya si Kyron na nakahiga habang nakasandal sa head board ng kama at nagbabasa ng libro, kalimitan niyang nakikitang basahin nito. Hindi naman niya alam kung anong klaseng libro ang hawak nito, dahil ibang lengguwahe.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now