Chapter 26

47.1K 1K 45
                                    

KAHIT MASAKIT, titiisin na lang. Kahit mahirap, kakayanin. Tanga na bang tawagin si Marah na kahit harap-harapan niyang nakikita ang sakit, iiyak na lang sa tabi. Sino ba ang dapat niyang sisihin? Si Kyron na walang maalala, ang dumukot sa kanya o siya na nagmahal. Mali ba na kahit nakalimutan na siya ng taong mahal niya ay minamahal pa rin niya. Mali ba na minahal niya si Kyron kung kakalimutan rin siya? Kung nakikita niya na masaya ito sa babaeng katabi nito ngayon at siya nasa tabi lang habang tahimik na nasasaktan.

Nag-imbita ang hari ng salo-salong hapunan sa palasyo. Kasama siya bilang isang katulong habang si Sofie kinakarer ang pagiging misis sa mister niya. Nakatingin lang ang reyna sa kanya na may pagsusumamo habang naupo ito sa tabi ng hari. Lumapit naman sa kanya ang inang reyna at niyakap siya. Ginantihan niya ito ng yakap habang pinipigilan na huwag maiyak dahil walang emosyon ang mukha ni Kyron na nakaupo habang katabi si Sofie na abot ang ngiti.

"Don't give up," bulong ni Lola Anastasia kay Marah na ikinatango niya. Wala sa isip niya ang sumuko.

Kumpleto ang pamilyang Williamsburg sina hari't reyna at ang tatlong anak nito. Alam na ni Pearl ang naging kalagayan ni Kyron na hindi makaalaala ang kapatid kaya naman masama ang tingin nito sa kaharap na si Sofie. Ang kakambal naman ni Kyron ay tahimik lamang, bakas sa mukha nito ang lungkot at labis na dalamhati sa pagkawala ni Kirsten. Nangingitim ang ilalim ng mata ni Nyron, halata na kulang sa tulog at magulo rin ang buhok na tila hindi pa nakakapagsuklay. Nakaramdam si Marah ng guilt dahil pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan kung bakit namatay si Kirsten, hindi niya ito nailigtas. Nandito rin ang mga magulang ni Sofie na inimbitahan ni Kyron na labis ikinabog ng dibdib ni Marah.

Nakatungo si Marah na nakahilira sa mga katulong sa isang sulok habang tumutulo ang luha niya sa sahig. Iniiwasan na huwag mapatingin sa dalawang couple na nagsusubuan. Tila nanigas ang mga paa niya at hindi magawang ihakbang dahil sa panghihina. This is a torture for her -more than a torture! Her heart dying inside little by little. Na para bang may tinik na nakayakap sa puso niya upang siya ay saktan. Pansin naman ni Marah na sadyang pinapakita ni Sofie ang paglalambing ni Kyron nito dito upang saktan siya.

Tinataasan siya ng kilay o kaya naman ngumingisi katulad na lang kanina nang papasok ang mga ito sa hapag-kainan, talaga naman pinapakita sa kanya na nagawa na nitong agawin ang asawa niya. Hahayaan niya muna ito dahil alam niya na naagaw man ni Sofie ang katawan at isip ni Kyron ang puso naman nito ay sa kanya pa rin. Siya pa rin ang mahal!

Napatingin si Marah kay Lorna na katabi niya ng hawakan nito ang isang kamay niya. Pinilit niyang ngumiti dito.

"Okay lang," she mouthed, then forced to smile.

"How are you feeling, son? Does not your head hurt or headache?" Wika ng hari sa anak na si Kyron.

"Wala naman, dad. But sometimes there's a blurred image na bigla ko na lang makikita."

Napatingala bigla si Marah nang marinig ang sagot ni Kyron. Napatigil naman ang ina at ang lola nito sa pagtingin.

"And what is it?" Anang ng hari na seryuso lamang nakatingin sa anak.

"A blurred image of a woman. I have a dream every night, I was at the wedding, but the bride was blurred."

Nakagat ni Marah ang ibabang labi sa narinig niya kay Kyron. Malapit ng bumalik ang alaala nito, maalala na rin siya. Dapat talaga nasa tabi lang siya ng asawa para kapag nakaalala na ito o kaya kapag hinanap siya. Hindi na siya makapaghintay na pangalan naman niya ang mababanggit ng asawa.

Hinawakan ni Sofie ang kamay ni Kyron. "It's just a dream, hon. Don't think too much, " anang ni si Sofie.

Pinapakalma ni Marah ang sarili na huwag itong sabunutan pero kaunti na lang, mauubusan na ang pagtitimpi niya sa higad na ito.

Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon