Chapter 18

61.9K 1K 99
                                    

A/N: suggest ko po, patugtugin ninyo ang kanta sa taas.

----

THIS IS the best night for Kyron. Sobra na ang kabog ng dibdib niya habang hinihintay niya ang bride. Para na siyang maiihi sa kinatatayuan niya habang nagsisimula ng pumuwesto ang mga abay, flower girl at etc. Nanlalamig na rin ang kamay niya pero hindi masidlan ang kasiyahan sa puso niya. Because finally, after three years of waiting and being a stalker, he's now getting married to the woman he love the most. Hindi nasayang ang paghihintay niya ngunit nagsisimula pa lang siya dahil kailangan niyang mapa-ibig si Marah. At sisiguruduhin niya na matapos ang kasalang ito, mamahalin na siya ni Marah.

"Congrats, kas," wika ng kakambal niya na nasa likuran niya. KAS ang palayaw niya -pinaikli sa pangalan niya ng Kyron Ace Sky.

"Thank you, dude," kabadong wika niya.

"Relax dude," natatawang wika nito. "Dadating 'yon."

Tumango siya. Napatayo siya ng tuwid nang nagsimula ng kumanta ang Red Alpha Band -ang bandang sikat sa mundo. Mga kaibigan niya ang mga ito kaya ito ang pinili niya na kakanta sa wedding nila ni Marah.

(play song: you and me)

What day is it
And in what month
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down I've been losing so much time

Cause there's you and me
And all of people with nothing to do Nothing to lose and there's you and me and all of other people and I can't know why I can't keep my eyes off of you.

And here she is.

Hindi maawat ang kabang nararamdaman ni Marah habang naglalakad siya papalapit sa taong naghihintay sa kanya -si Kyron, but deep in her heart she felt happy and she doesn't know why. Nanginginig na ang mga tuhod niya habang papalapit siya sa lalaking papakasalan niya.

Tama ba ito? Tama ba na magpakasal siya sa taong hindi naman siya sigurado na mahal niya?

Hindi makakadating ang mga magulang niya kahit na pinadalhan niya ng invitation at hindi na bago sa kanya 'yon.

Huminto siya sa harapan ng groom niya. Nakangiti at kitang-kita sa mga mata nito na masaya ito. Hinawakan nito ang kanang kamay niya saka hinalikan ang likod ng palad habang hindi inaalis ang mata sa kanya. Kapagkuwan, inalayan siya nito palapit sa naghihintay na pari.

Hindi namalayan ni Marah ang oras at halos hindi niya marinig ang sinasabi ng pari, tila wala siya sa sarili. Hindi nga niya napansin na nagpalitan na sila ng "I do". Tila wala sa isip niya na kinakasal na siya ngayon.

At ngayon, maririnig na niya ang vow nito para sa kanya. Hawak nito ang kamay niya habang titig na titig sa kanya. Sa klase ng pagkakatitig nito, she felt that she's the most beautiful he has ever seen.

"Marah."

Her heart skips a beat. Hindi niya magawang kumurap, nanatili lang siyang nakatulala habang hinihintay sa vow nito.

"Sweetheart, when I saw you alone at the bar, three years ago... You're the most beautiful woman I've ever seen. Sabi ko sa sarili ko, itong babaeng ito ang pakakasalan ko and here you now. Kaharap ko at kaharap nilang lahat ang babaeng hindi ko kayang kalimutan. You're my treasure so I can keep you in my heart. Alam ko nabibilisan ka, at kung sa tingin mo panaginip lang ito. No! I'm real... because this prince in front of you is the man who love you, no matter what. You're my angel, you're my girl, you're my princess and you're my queen. Just only you."

Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga salitang 'yon. Ramdam na ramdam niya ang sensiridad at totoo sa sinasabi nito. Ramdam niya ang pagmamahal nito na hindi niya kayang paniwalaan.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now