Chapter 8

76.5K 1.5K 81
                                    

NAGING MASAYA ang dalawang araw na inilagi ni Marah sa farm kahit minsan sinusungitan siya ni Lola Anastacia. May nakahandang damit na pala siya doon at mukhang pinaghanda ni Kyron ngunit hindi sila magkatabi sa pagtulog dahil bantay ni Lola habang si Nyron naman, ang kakambal nito ay umuuwi tuwing hapon tapos babalik ng maaga upang mamitas ng mga orange. Natatawa na nga lang siya kapag nagrereklamo ito ngunit si Kyron nagawa pang ngumiti habang namimitas kahit napipingot na ito ni Lola Anastasia sa tenga dahil maya't maya ang pagkindat sa kanya habang siya ay nakaupo sa nilatagang tela sa damuhan.

"Aray ko naman lola," daing ni Kyron nang pingutin ulit siya ni Lola, kinindatan na naman kasi siya.

"bata ka, ang pamimitas ang utopagin mo ng madala na agad yan sa palasyo," gagamitin kasi ang mga orange na ito para sa ingredients na lulutuin sa party mamaya.

Hindi pa nga siya handa dahil kaninang umaga lang niya nalaman kay Kyron na may gaganaping engagement party mamayang gabi. Hindi pa naman siya sa sanay na dumalo sa mga ganoong pagtitipun at sigurado siya na madaming mga reporters doon sa iba't ibang bansa lalo na ang Pilipinas.

"Bakit kasi lola, kami pa ang nagpipitas ng mga ito may mga utusan naman tayo," reklamo na ulit ni Nyron.

"Kabayaran 'yan sa biglaang pag-aasawa ninyong dalawa, "

"lola naman, si hari ang sisihin ninyo,"  biglang sabat ni Kyron kaya piningot ulit siya sa tenga ni Lola Anastasia.

"At talagang ang ama mo pa ang sisihin mo, "

"Aray, tama na lola," tumigil naman si Lola. "Sweetheart oh! Ang pula na ng tenga ko," parang bata na sumbong ni Kyron sa kanya na ikinatawa lang niya.

"Tol, naman. Baka langgamin kami dito, "  biglang banat ni Nyron.

"Bakit? Mahal mo ba ang asawa mo?" Nakangising na biglang  tanong ni Kyron dito.

"Best friend ko siya, tol. Naiintindihan na niya 'yon." 

Kasal lang pala sa papel si Nyron at ang asawa nito na best friend pala nito, nagka-pirmahan lang at walang naganap na seremonya tapos sila ni Kyron ay may magaganap na kasalan. Kung may asawa na si Nyron, paano na si Lorna?

"thinking something?" Napakurap-kurap siya ng biglang umimik si Kyron at tumabi sa kanya.

"Wala naman." Iling niya.

"akala ko ibang lalaki na 'yang iniisip mo. You're not allowed to think others even desire someone else but only me,"  may bawat diin ang pagkabigkas nito na para bang pinaalalahanan siya.

"Hindi kita maintindihan," Nakakunot noo na wika niya.

"Just understand it, for you to know what I'm really saying," wika nito at tumayo na saka pinagpatuloy muli ang pagpipitas.

  

      Pinagmasdan ni Marah ang sarili sa full length mirror na kaharap niya. Kakatapos lang siyang make-up-an at bihisan ng napakagarang gown na suot niya ngayon. Wala talagang makikita na anumang bahagi sa katawan niya sa gamit nito at si Kyron pa ang namili ng damit na ito.

 Wala talagang makikita na anumang bahagi sa katawan niya sa gamit nito at si Kyron pa ang namili ng damit na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon