Chapter 29

47.9K 1K 46
                                    

NATULOG SILA na magkatabi ngunit nagising si Marah nang wala na siyang maramdaman na mainit na yakap. Bumuntong hininga siya saka bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo, magbihis at magsuklay ay lumabas na sa silid, inaasahan na makita si Kyron. Buong magdamag niyang pinag-isipan na aminin na kay Kyron. Sasabihin na niya dito ang totoo kahit hindi man siya naalala nito. Ang mahalaga mawala ang bigat sa dibdib niya kahit hindi man ito maniwala. Hindi siya pwedeng tumunganga na lang kung nandyan si Sofie na handang agawin ang mahal niya. Hindi siya makapapayag na agawin nito ang asawa niya. Tama na ang pagiging feeling asawa ng higad na 'yon!

Hindi niya nakita si Kyron nang pumasok siya sa kusina. Si Sofie lamang ang nakita niyang kumakain habang nakataas ang kilay na tumingin sa kanya. Wala siya sa mood na pansinin ito. Dumiretsyo siya sa dirty kitchen upang magtimpla ng kape, pampagising ng araw niya.

Pagkatapos niyang magkape, hinintay naman niya na matapos si Sofie na mabagal kumain. Kinuha niya ang mga pinagkain habang mataray na nakatingin sa kanya ito. Hahakbang sana si Marah nang tumayo ito saka nilapitan siya.

"Kyron is mine!"

Humugot muna ng malalim na hininga si Marah upang pakalmahin ang sarili bago niya nilapag ulit ang mga plato sa lamesa. Ang kapal naman ng mukha nito na angkinin ang dapat sa kanya!

"Wala lang siya maalala kaya na sa'yo siya. But if I find out that you're the mastermind for kidnapped me and Kirsten, I will kill you."

Patawarin siya ng dyos dahil siya talaga ang papatay sa babaeng ito! Binibilog ng babaeng ito ang utak ni Kyron. Bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ni Kirsten at pagkawala ng baby sa tyan niya.

"Oh really! Do you have a proof?"  Nakataas ang kilay na wika nito bago pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.

"I don't have any evidence but I will make sure that you will pay it. Pagbabayaran mo ang pagkawala ng anak ko," Kuyom ang kamao ni Marah, pinipigilan na huwag saktan ang englisherang 'to. Hindi marunong magtagalog!

"I will pay it!? How? I'm sorry dear, but you don't have any evidence. What if you'll come back in the Philippines and give Kyron to me." 

" No! Kyron is mine and I'm not giving him to you." 

Hindi siya baliw para ibigay si Kyron sa ipaktitang 'to. Hindi siya makapapayag! Kapag mahal niya, ipaglalaban niya. Ayaw na niyang mag-isa! 

Parehas silang napatingin sa labas ng pintuan nang marinig nila ang boses ni Kyron papasok sa mansion.

Nanlaki ang mata ni Marah nang biglang sampalin ni Sofie ang sarili nito. Kumunot ang noo niya nang sabunutan ni Sofie ang sariling buhok.

"Anong ginagawa mo?" Kumakabog ang dibdib niya dahil sinasaktan ni Sofie ang sarili.

Pilit niyang binabawi ang sariling kamay nang kunin nito at ipakalmot sa sarili nitong braso. Napahiyaw naman sa sakit si Sofie sa pananakit sa sarili. Hindi maintindihan ni Marah kung bakit ginagawa 'to ni Sofie dahil hinawakan ulit nito ang kamay niya saka ginamit upang sabunutan ang sarili nito kaya naitulak niya 'to na ikinatumba nito sa sahig.

"Marah!" Napalingon siya nang marinig niya ang boses ni Kyron. Lalapit sana siya rito ngunit nilapitan nito si Sofie na nagiiyak-iyakan.

"Why you did this to her?" Asik sa kanya ni Kyron habang si Sofie naman ay nagpapaawa.

"Nagkakamali ka!"

"Kitang-kita ko na tinulak mo siya!"

Napaatras si Marah sa sigaw ni Kyron, umiigting ang panga na pinipigilan na huwag siyang saktan. Akala niya okay na sila! Humingi pa nga ito ng tawad sa kanya.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now