Chapter 6

81.9K 1.6K 35
                                    

NAALIMPUNGATAN Si Marah sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog nang may naramdaman siyang dumadampi sa balikat niya at hinihimas ang hita niya ng pataas-pababa.

Tuluyan na siyang nagising ng tumaas ang kamay sa kanang dibdib niya at pinipisil-pisil iyon na para bang ginigising ang buong pagkatao niya.

"Ano ba!" Antok na wika niya at kinabig ang kamay nito.  Alam naman niya kung kaninong pangahas na kamay ang humahaplos sa bawat parte ng katawan niya. Si Kyron Williamsburg nasa likod niya!

"Sweetheart," nakakaakit na bulong nito sa punong tenga niya at bahagya pang kinakagat-kagat na para bang tinatakam siya. Alam na niya kung ano pinapahiwatig nito.

"Anong oras na ba?" Nakakunot noo na  tanong niya at umikot paharap dito kaya nagkaroon ito ng pagkakataon na halikan ang leeg niya.

"It's already 3:30," wika nito habang pinapapak ng dila nito ang leeg niya.

Ibig sabihin, isang oras pa lang ang tulog niya. Kakatapos lang kasi nila tapos hihirit na naman.

Nanlaki ang mata niya nang maramdaman niya ang matigas na bagay na tumutusok sa puson niya. Parehas silang nakahubad dahil hindi pa sila nakapagbihis saka pagod pa si Marah. Dinikit pa nito lalo na para bang tinutukso siya.

Hindi na niya kailangan itanong pa dahil alam na niya kung ano ang gusto ng mahilig na ito.

Inikutan niya lang ito ng mata. "Pahinga muna tayo," masakit pa kaya ang katawan niya dahil ang dami nitong pinapagawa sa kanya, halos buong kasulukan ng silid na ito ay namarkahan na nila.         

Ngumuso ito na para bang batang hindi napagbigyan ng pasalubong. Natawa naman siya sa reaksyon nito kaya lalo pa itong ngumuso.

"Anong nakakatawa!?" Para batang reklamo nito.

"Baka hindi na ako makabangon tapos pupunta pa tayo sa palasyo."

Bumuntong hininga naman ito na para bang dismiyado. "Sige na nga."

Napangiti siya ng hindi ito nagpumilit.

  
    ITO ANG unang beses na sobrang kinabahan si Marah na para bang hihiwalay  ang katawang lupa niya sa kaluluwa niya, siguro, dahil makikilala niya ang hari at reyna ng Sicily.

Napaangat siya ng tingin nang hawakan ni Kyron ang kamay niya na nakalagay sa hita. Katabi niya ito sakay sa royal car patungong palasyo upang ipakilala siya sa magulang nito na hari't reyna."You don't have to be nervous, just relax!"

Tumango siya dahil kahit papano ay nabawasan ang nerbyos niya nang makita niya ang approach na ngiti nito.

Hinawakan nito ang pisngi niya at lumapit sa mukha niya sabay nakipagtitigan sa mga mata niya. "They really like you."

"How did you know? Sinasabi mo lang yan para wag akong matakot."

"Because I said so, don't be afraid.. I'm here."

Sa mga sinasabi pa lang nito, nakakagaan na ng loob. Pinapalakas na nito ang loob niya.

Napasinghap siya nang dumampi ang labi nito sa labi niya ng ilang segundo. Napahalakhak ang prinsipe ng makita ang reaksyon niya. Gulat siya dahil hindi pa siya sanay na ninanakawan siya ng isang prinsipe ng halik. 

Kaninang umaga, paggising niya kahit hindi pa siya nakamumog o nakahilamos ay agad na hinalikan siya ng prinsipe, at sa pag-aalmusal nila, ang sweet ng prinsipe dahil tumabi ito ng upo sa kanya. Siya naman ang nahihiya dahil sinusubuan pa siya, kita ng mga katulong, tapos, manghahalik na lang ng basta tulad ngayon.

"Wag ka ngang basta manghalik," namumula ang pisngi na wika niya at hindi makatingin ng deretsyo sa prinsipe kaya bumaba siya ng tingin.

Hinawakan nito ang baba niya upang tumingin siya sa mukha nito. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang lumalapit ang mukha nito hanggang sa nagkadikit ang mga ilong nila, at halos magkadikit na ang labi niya kaya amoy na amoy ni Marah ang mabangong hininga ng prinsipe.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now