Chapter 19

59.4K 1K 61
                                    

NAALIMPUNGATAN SI Marah dahil haplos sa pisngi niya. Tuluyan na siyang nagising nang maramdaman ang malambot na nakalapat sa noo niya. Sa pagkamulat ni Marah ang nakangiting si Kyron ang nasilayan ng mga mata niya.

"Good morning," masiglang bati ni Kyron, hinawi ang ilang hibla na takas sa buhok niya.

Dahan-dahan bumangon si Marah kahit nagpupungas pa ang mga mata niya. "Anong oras na?" Inaantok na tanong ni Marah. Ang natatandaan niya lang ay sumakay sila ni Kyron sa private plane nito pagkaalis nila sa reception ng kasal nila kagabi at nakatulog na siya sa eroplano. Binuhat ba siya nito? Nang hindi man lang niya namalayan.

"It's already 6 am, Sweetheart. It's time for breakfast," anang ni Kyron. Tumayo ito, napalunok naman si Marah nang bumaba ang mata niya sa matipuno nitong katawan. He's topless and only wearing boxer.  Why he's so fucking hot? Freaking hot! Nanunuot sa ilong niya ang shower gel nitong gamit, bagong ligo ang asawa niya. His masculine scent makes her horny now. Dammit!

She cleared her throat upang mawala sa utak niya ang kahalayang iniisip niya. Ang agang-aga ang taas agad ng hormones niya. Gosh!

Pinanuod na lang ni Marah ang asawa niya na kinuha ang tray na nakalapag sa lamesa saka nakangiti na lumapit sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at nilapag ng maayos ang tray na may lamang mga pagkain.

"Breakfast in bed."

"Nasaan ba tayo?" Tanong niya. Nagtaka siya dahil kanina pa niya napapansin na iba ang klima saka kitang-kita niya sa glass wall ang sikat ng araw.

"Philippines."

"Talaga?" She's so excited now! Namiss niya ang Pinas at namiss niya ring dalawin ang puntod ng namayapang niyang Lola. Tuwing sabado kasi dinadalaw niya ang kanyang Lola kapag hindi siya busy. "Pwede ba natin dalawin si Lola?"

"Sure, sweetheart," mabilis na sagot ni Kyron "...but you need to eat first. Remember, this is our honeymoon."

Nag-init bigla ang pisngi ni Marah nang pinaalala ni Kyron sa kanya na honeymoon nga pala nila.

She awkwardly laughs. "Oo nga pala. "

Narinig niyang humalakhak ito. "Get ready, sweetheart. Mapapagod kayo ni baby."

Nakangisi si Kyron nang tumingin siya rito. "Tse!"

Tumawa lang ito.

         Pagkatapos nilang pumunta ni Kyron sa sementeryo ay namasyal naman sila. Pinasara pa nito ang buong mall kaya sila lamang dalawa ang namimili. Nanood din sila ng sine habang kumakain ng popcorn, parang teenager lang na nagda-date. Feeling ni Marah, ito na ang first date nila ni Kyron bilang mag- asawa. Kumain din sila sa fast food restaurant na dating pinagtatrabuhan ni Marah. Humingi siya ng depensa sa manager kung bakit hindi siya nakapagpaalam at naunawaan naman ng mga ito dahil nabalitaan rin sa news na ikinasal na siya kay Prince Kyron. Ang dami ngang nagpapicture na mga empleyado kahit 'yong mga kumakain sa restaurant. May dalawa naman silang bantay –si Harry at Lorence kung sakaling dumugin sila ng mga tao.

He's very gentlemen and caring, lagi siya nitong inalalayan maglakad, baka daw mapano sila ni baby. Sa loob pa lang ng tyan niya si baby pero iba na kung mag-alaga si Kyron. She's sure that Kyron will the best father in future kapag lumabas na ang baby nila.

Pabagsak na nahiga si Marah sa kama, pagkauwi at pagkadiretsyo nila sa silid. Napagod siya sa pamamasyal nila, pero masaya naman dahil mas nakilala pa niya ng lubusan ang prinsipe na asawa niya ngayon. Ang sarap naman sa pakiramdam na tuwing naiisip ni Marah na asawa na niya ang prinsipe.

"Magpahinga ka na," anang ni Kyron. Lumapit ito sa kanya pagkalapag nito ng mga pinamili nila saka lumuhod at ito na ang nagkusang nagtanggal ng sapin niya sa paa.

Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon