Chapter 34

49.1K 923 88
                                    

BUMUNTONG HININGA si Marah habang nakatingin sa tahimik na dagat at nakaupo sa buhangin. Nang makita niya si Sofie, mabilis siyang umalis dahil baka masaktan niya lang ito. Nag-aalala siya sa dinadala nito kaya hanggat maari ay magtitimpi siya na huwag dumapo ang kamay niya sa pisngi nito. Pero kung maubos na ang pagtitimpi niya, pasensyahan na lang kahit pa na buntis ito. Ngunit ayaw naman niya na madamay ang sanggol sa tyan ni Sofie sa kasalanan ng ina nito.

Bumuntong hininga siya. Napukaw ang atensyon niya nang bumaling siya sa dalawang taong tatakbo. Naningkit ang mata niya nang makita si Carlos at si Pearl 'yon. Hindi sya nakita ng mga ito dahil nakatalikod ito sa kanya.

Balak niya sana na huwag sundan ang dalawa but curiosity kills her. Maingat siyang sumunod upang hindi mapansin ng mga ito. Nagtago siya sa isang puno at bahagyang sinilip kung ano ang ginagawa ng dalawa.

Sinandal ni Carlos si Pearl sa isang pader. Walang tao maliban sa kanila dahil dinala ni Pearl si Carlos sa likod ng isang cabin.

"Paano kung malaman nila, kuya? Natatakot ako."

Narinig niyang wika ni Pearl, nasa boses nito ang pagkabalisa. Kumunot ang noo niya.

Hinaplos ni Carlos ang pisngi ni Pearl. "Ipaglalaban kita," malumanay na wika nito.

Nanlaki ang mata ni Marah sa sunod na sinabi nito. "You know, how much I love you, right?"

Tumango si Pearl saka napakagat labi. "Mahal rin kita, kuya."

Ngumiti si Carlos at kuminang ang mga mata sa narinig kay Pearl.

Napatakip ng bibig si Marah nang makita niya na hinalikan nito si Pearl. Pinalibot ni Pearl ang mga kamay sa leeg ni Carlos at buong puso na tinugon ang halik nito.

Napangiti na lang si Marah saka tumalikod na. Naiiyak siya na nakitang pagmamahal ng dalawa sa isa't isa. Basta kapag tinamaan ka ni kupido, kahit kamag-anak mo pa yan. Pag nagmahal ka, nagmahal ka! Walang sinuman ang hahadlang kahit kadugo pa.

Kakalimutan na lang ni Marah ang nakita niya. Sino ba naman siya para pigilan ang nagmamahalan? Kailangan na lang niya na mag-ingat na huwag madulas kapag kaharap niya ang asawa.

Mabilis niyang nilisan ang lugar at hindi na inabala pa ang dalawa. Bumalik ulit siya sa dati niyang pwesto. Napatigil siya sa paghakbang na makita si Kyron na parang balisa at natatakot. Palinga-linga ito sa paligid hanggang sa magtagpo ang mga mata nila.

Bumilis ang tibok ng puso ni Marah habang tatakbong lumapit sa kanya si Kyron. Kinabig siya nito at niyakap na tila naginhawaan na makita siya.

"Akala ko iniwan mo na ako," anang nito.

Gumanti siya ng yakap dito at sinubsub ang mukha sa matipuno nitong dibdib. Inaamoy-amoy niya ito, at tila bangong-bango siya rito kahit na wala naman itong ginamit na pabango.

"Paano ako makaalis kung nandito tayo sa Maldives. Hindi ko naman alam ang daan pauwi."

Bahagya itong natawa sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm so sorry, I don't know na susunod siya. Sinabihan ko naman ang mga tauhan ko na huwag sabihin sa kanya."

Bumitaw siya sa yakap nito saka tumingin dito. She tried to smile. "Okay lang." Pinilit niya na maging kaswal ang boses.

Ngumiti ito at dinampian siya ng isang halik sa labi. "Huwag na huwag mo akong iiwan, ha?" 

Hinawakan ni Marah ang pisngi nito. "Iiwan lang kita kung ikaw ang nagsabi."

Mabilis na umiling si Kyron. "That would never happen," paniniguradong wika nito. 

Napangiti naman siya. "Pero kahit naman na ipagtabuyan mo ako, hinding -hindi ako aalis sa tabi mo."  

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now