Chapter 14

55.2K 1.1K 35
                                    

NAALIMPUNGATAN si Marah nang wala siyang makapa sa tabi niya. Tuluyan na siyang nagising na mapagtantong mag-isa lang siya silid. Inaantok na bumangon siya at sinuot ang tsinelas sa ilalim ng kama. Tiningnan niya kung ano ang oras na sa wall clock. Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw. Ang aga naman magising ni Kyron.

Lumabas siya sa silid at bumaba ng hagdan ngunit tanging kadiliman lamang ang nakikita niya sa salas. Binuksan niya muna ang ilaw bago tumungo sa kusina.

Kumunot ang noo niya. Nasaan ang lalaking 'yon? Saan naman 'yon pupunta ng ganitong oras?

Umakyat ulit siya sa taas at babalik na lang sa silid. Bubuksan sana niya ang seradura nang pinto nang makita si Kyron na kakalabas lang sa dulong silid ng pasilyo.

Bahagya pa itong nagulat nang makita siya. Nilapitan siya nito. "Bakit nagising ka agad?" Hinapit siya nito at dinampian ng halik ang labi niya.

"Ikaw? Anong meron sa kwartong 'yon?" Tanong niya, tumingin siya sa nakasaradong silid na nilabasan nito.

"I just checked it if that room would be perfect for our future babies." Nakangisi na wika nito at kinindatan siya.

Umirap siya upang pigilan ang kilig.     Sinuntok niya ito sa tyan na ikinatawa lang nito saka inakbayan siya at binuksan nito ang pinto.

     

        Dahil sa pagbanggit ni Kyron about babies, hindi na maalis sa isipan ni Marah. Bakit ba hindi niya naisip na maaring may magbunga sa namamagitan sa kanila ni Kyron? Paano kung mabuntis siya? Matatanggap ba ni Kyron ang magiging baby nila?

Napahilamos siya sa mukha bago naupo sa tabi ng kama. Nasa palasyo ngayon ang prinsipe, habang siya ay iniisip kung kelan ba ang huling dalaw niya. Magka-iba kasi ang oras dito at sa Pilipinas.

Lumabas siya ng silid at bumaba habang tinatawag si Lorna. "Lorna."

Lumapit naman ito sa kanya. "Why, majesty?"

"May kalendaryo po ba tayo dito? Pakuha naman oh. May titingnan lang ako," yumukod ito.

Naupo siya sa salas habang nanlalamig ang kamay at hinihintay si Lorna. Bumalik si Lorna na may dala nang kalendaryo. Nanginginig ang kamay na kinuha 'yon dito.

Hinanap niya ang month ngayon saka nagbilang. Nanlaki ang mata niya saka napalunok na tiningnan si Lorna na nakatayo sa harapan niya.

"Bakit po, kamahalan?"

Lumunok ulit siya. "M-may PT ba tayo dito?" Nauutal niyang wika.

"Wala po. Magpapabili po ako," tumango siya.

Naiwan siya na halos nangingilid ang luha. Napahawak siya sa tyan niya at tuluyan nang napaiyak. Hindi niya alam kung para saan ang mga luhang ito. Hati ang nararamdaman niya, masaya siya dahil may supling na nabubuhay sa tyan niya  at naguguluhan siya, pano kung hindi matanggap ni Kyron ang magiging baby nila?

Hindi pa naman sigurado na buntis siya ngunit alam niya sa sarili niya at ramdam niya na may buhay na bata sa sinapupunan niya.

     

        Halos nanlambot ang tuhod ni Marah at napakapit sa sink ng banyo habang hawak ang PT. May dalawang guhit ito na pula. Nakasampung beses siyang gumamit ng pregnancy kit upang makasigurado. Paulit-ulit lang lumalabas ang dalawang pulang guhit.

Paanong kung buntis siya? Ni wala siyang nararamdaman na siptomas na buntis siya. Ni hindi siya nagsusuka at nahihilo, wala rin siyang naramdaman na paglilihi. Sasabihin ba niya kay Kyron? Umiling siya. Pupunta muna siyang doctor upang maka-sigurado. Paano siyang makapag- check up kung hindi niya alam ang pasikot-sikot ng Sicily? Nahihiya naman siya magpasama kay Lorna. Ito na nga ang bumili ng pregnancy kit. 

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now