Chapter 21

54.7K 1.1K 56
                                    

MALAKAS NA bumuntong hininga si Marah habang nakatingin sa kawalan. Isang oras at mahigit na siyang nakaupo dito sa garden ng palasyo. Nagkaroon ng pagtitipun kanina ng mga council at ni Kyron tungkol sa trono, isinama siya ni Kyron papunta dito ngunit umaalis din ito kasama ang kakambal, si Carlos at ang hari – may pupuntahan daw ang mga ito na hindi na sinabi kung saan.

Itong garden na ito ang saksi ng sumpaan ni Kyron sa kanya, itong lugar na ito ang unang beses na narinig niyang mahal siya ni Kyron. She needs to think and assure about her feelings to Kyron. Ayaw niyang magkamali. She just wants to protect her heart from too much pain. Ayaw niyang dumating ang pagkakataon na pagmamahal niya ang maaari niyang ikamatay. Ayaw niyang idepende ang sarili sa ibang tao. Nasanay siyang sarili lamang ang iniisip niya. Na wala siyang iisiping iba!

But now, her mind stuck with him, with Kyron. Lalo pang gumulo ang isip niyang nang mapansin niyang malimit nagkakasama si Kyron at si Sofie sa kung ano man ang gawain ni Kyron. Iniintindi naman niya na bilang prinsipe, responsibilidad nito alamin ang pangyayari sa bayan na pamumunuan nito, lalo na magiging hari na ito sa susunod na buwan.

Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya namalayan na tumabi na pala ang inang reyna at reyna. Hindi pa niya mapapansin ang dalawa kung hindi pa tumikhim ang reyna.

Tila nagulat si Marah, kaya biglang siyang tumayo at nagbigay galang. "Majesty, Inang Reyna."

"Maupo ka iha," nakangiting wika ng reyna, hindi tuwid ang pananalita ng tagalog nito –may pagka-slang. "What you're thinking, darling?"

Naupo siya at bumuntong hininga. Blangko lang ang ekspresyon ng Inang Reyna habang nakatingin sa kanya. Nahihiya siyang sabihin sa mga ito.

Napatingin siya sa Inang Reyna nang hawakan nito ang dalawa niyang kamay na nakalapag sa lamesa. "Iniisip mo ba ang apo ko? Iha."

Saglit siyang nagulat sa kinikilos ni Lola Anastasia. Mahinahon ang boses na nagsasabing kausapin siya. Napatungo siya saka naiilang na tumango ng dalawang beses.

Saglit na katahimikan bago basagin ng katanungan ni Lola Anastasia. "Mahal mo ba ang apo ko?"

Tumingala siya mula sa pagkakatungo at tumingin sa Inang reyna. Nangungusap ang mata nito na sabihin ang totoong nararamdaman niya.

Mahal nga ba niya si Kyron? Basta ang alam lang niya, masaya ang puso niya kapag kasama ito at nasasaktan naman siya kapag may iba itong kasama, kapag kasama nito si Sofie. 

Hindi man niya aminin, sa puso niya may nakatago siyang nararamdaman para kay Kyron. May umuudyok sa kanya na pigilan ang kakaibang epekto ng prinsipe sa kanya –takot.

"I know, you're madly in love with my apo, " dinuro nito ang dibdib niya kung nasaan nakatapat ang puso. "Alam kong, nandyan lang siya sa'yo at takot ka lang aminin. Walang masama kung puso mo ang susundin mo. Hindi talaga maiiwasan na masaktan ka, kapag nagmamahal ka."

Kumunot ang noo niya. Bakit nito sinasabi ang mga ganoong bagay? Akala niya ba, ayaw nito sa kanya para sa apo nito. "Bakit nyo po sinasabi ang mga bagay na 'yan? I-inang Reyna."  

Tumingin siya sa Reyna nang nagsalita ito. "Do you remember what I've said to you, before?"

Kumunot ang noo niya.

"That mamá will give you a challenge like what she did to me before." Anang ng Reyna.

"I want the best for my grandchild. I want a happiness for him. I want that whoever loves him will also love him back." 

Napamaang si Marah sa narinig niya sa Inang reyna. Hindi niya alam kung ano ang masasabi niya sa nalaman niya rito. Bakit hindi niya naisip na maaring pagsubok nga lang pala 'yon ni Lola sa kanya? Binalaan na siya ng reyna, hindi pumasok sa utak niya ang bagay na 'yon.

Tempting With Prince √ Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin