Chapter 20

53.3K 1K 41
                                    

BUMALIK SILA sa Sicily na ramdam ni Marah na may pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Kyron. Naging malamig si Kyron sa kanya at iba na ang tingin nito na dati ay may ningning, pangalan na lang niya ang tawag nito sa kanya at hindi na ang call sign na lagi niyang naririnig. Ginagabi na rin umuwi si Kyron, halos nakakatulog na siya paghihintay sa kanya at paggising ng umaga ay hindi pa niya ito naabutan. Minsan siya na lang mag-isa ang kumakain tuwing almusal o hapunan, kapag nakakasabay naman niya ito ay halos hindi siya tinatapunan ng tingin o tipid lang siya nito kausapin.

Nangangati na nga ang dila niya na magtanong na kung bakit ginagabi ito ng uwi ngunit kapag nakakaharap niya si Kyron– nauusmid ang dila niya o wala siyang lakas magtanong.

Hindi naman niya masisisi si Kyron dahil alam niya na siya ang may dahilan ng pagbabago nito. Marahil dumidistansya na si Kyron upang pigilan ang pagmamahal nito para sa kanya.

Bumuntong hininga siya. Tumingin siya sa wall clock. It's almost 12 am ngunit wala pa rin si Kyron. Ilang oras na siyang naghihintay, hindi naman siya makatulog dahil ang bigat sa pakiramdam.

Napatayo si Marah sa kinauupuan niyang kama nang bumukas ang pinto. Bahagyang natigilan pa si Kyron nang makita siyang gising pa.

Hindi siya nito tinapunan ng tingin nang lumakad ito papasok sa walk in closet habang niluluwagan ang kurbata.

May pag-aalinlangan na tumayo si Marah at sinundan ang asawa sa walk in closet. Nakatalikod si Kyron sa kanya habang hinuhubad nito ang suot na polo.

Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ni Kyron. "B-bakit ngayon ka lang?" Halos nanginginig na ang labi na tanong ni Marah.

Hindi niya alam kung bakit takot siya. Malakas naman ang tiwala niya na wala itong ginagawa na mali, pero hindi maalis ang pagdududa niya kay Kyron. Na baka lihim itong nakikipagkita kay Sofie.

"Why are you still awake?" Malamig na tanong din nito –hindi pinansin ang tanong niya.

Kumukurap-kurap siya sandali. Hindi na niya kaya ang malamig na pakikitungo nito. "May problema ba?"

What a fool question? Alam naman niyang may problema at dahil iyon sa kanya at sa nararamdaman nito.

Humarap si Kyron sa kanya nang nakaboxer na lang ito. Tumungo siya nang lumapit ito at tumigil sa harapan niya.

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ito saka hinigit siya at niyakap. Bumuhos ang luhang kanina pang pinipigilan at niyakap din ito pabalik. Sobrang niyang namiss ang yakap ni Kyron, sumubsob siya sa malapad nitong dibdib saka nag-iiyak.

"Stop crying, sweetheart. " pag-aalalo ni Kyron saka hinahaplos ang likod niya. Tumawa ito ng pagak. "Bakit hindi kita matiis?"

Sinapo ni Kyron ang mukha niya at taimtim siyang tinititigan. Napatawa naman ito nang sumisinghot -singhot siya dahil tumutulo na ang sipon niya. "Bakit ang ganda mo pa rin?"

"Heh!" Hinampas niya ito sa balikat habang natatawa. Humalakhak si Kyron saka pinunasan ang basang pisngi niya.

"Halika na nga," hinawakan ni Kyron ang kamay niya at giniya siya palabas. Pinaupo siya nito sa kama saka paharap ng naupo sa tabi niya.

Hinaplos ni Kyron ang pisngi niya habang taimtim siyang tinititigan. Tahimik lamang ito habang itinabi sa likod ng tenga niya ang hibla ng buhok na humarang sa mukha niya.

Ngumiti si Kyron ngunit hindi niya makita sa mata nito ang ningning. "Matulog ka na," hinalikan muna siya nito sa noo bago siya dahan-dahan nitong hiniga sa kama at kinumutan. "Maliligo lang ako," hinalikan ulit siya ni Kyron sa noo bago banayad na dinampian ang labi niya saka tumayo.

Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon