Chapter 3

94K 1.9K 64
                                    

"I WILL Be a king if I have a queen. And I choose you to be my queen!"

Deretsyong banggit ni Prinsipe Kyron habang walang kurap na nakatitig sa mga mata ni Marah. Inoobserbahan kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga, ngunit nagugulahan pa rin si Marah.

Ilang sandali niya munang pinoproseso sa ibig sabihin ng prinsipeng kaharap. Pero infairness, kinikilig siya sa pagtawag sa kanya ng my queen.

"Why me? Do you have a girlfriend? Girlfriend mo na lang," nakakunot noo na wika niya.

"I don't have and I don't have enough time to find someone else." Medyo malakas ang boses na wika nito. Halata naiinis na ito dahil sa mga pagtanong niya.

"Sa gwapo mong 'yan, wala kang girlfriend. Sayang naman ang lahi mo kung ganon!" Napa-cross legs pa siya. Alam niya na maraming babae ang nakakagusto dito, hindi lang sa angking kagwapuhan kun'di prinsipe pa ito.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang prinsipe na ubod ng gwapo? Taas ang kamay! Tapos malaki pa ang ehem!

"I will pay you!"

Naupo siya ng tuwid sa sinabi nito. Pagdating sa bayaran, hindi niya sasantuhin 'yan.

"What kind of payment?" Nagningning na ang mga mata niya. Iniisip pa lang niya ang sandamakmak na pera ay wala ng pasidlan ang saya niya. Gagamitin niya 'yon pang bar.

"You will be a queen that's why you can have it all. Luxury cars, jewelries,  diamond... anything that you want!" 

Tama nga naman ang prinsipe! Kapag naging reyna siya, makukuha niya ang lahat ng gusto niya tapos makakapagsuot pa siya ng mamahaling damit at makakain ng masasarap na pagkain.

Pero, hindi biro ang magpakasal lalo na kung hindi naman nagmamahalan. Ang hirap pakisamahan ang taong hindi mo naman mahal!

"What if I find a man that I love soon while we are still together?"

Wow! Kung maka -still together naman siya, parang sila ng prinsipe.  Pero, paano nga kung mangyari 'yon ang matagpuan ang lalaking mamahalin niya pagdating ng araw? O kaya ang prinsipe naman ang makatagpo ng mamahalin nito?

Bakit nga ba niya tinatanong iyon? Hindi naman siya naniniwala sa pag-ibig. Pag-ibig! Echos lang yan! Panandalian lang ang pag-ibig tulad ng mga magulang niya, nagkahiwalay! Tapos masasaktan pa!  

"Or what if you find a girl that you love soon?"  Dugtong na tanong niya.

"Then let's divorce if it will happen," sa boses pa lang ng prinsipe parang ang dali lang dito ang lahat. Na madali lang magpakasal tapos hiwalay pagkatapos!

"Is there a divorce in Sicily?"

Ngumisi ang binata. "I can easily do it"

Nga pala! Madali nga lang pala para sa prinsipe ang file ng divorce. Ang nagagawa nga naman ng makapangyarihan!

Magtatanong pa sana siya ngunit inunahan na siya ng prinsipe. "Whether you like it or not, you will be my princess and soon to be my queen. You have nothing to do with it because you're stuck with me... " may babala ang boses na wika nito ngunit hindi man lang siya natinag bagkus pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya habang nakipagtitigan sa binata. 

Napaatras siya sa kinauupuan niya ng tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kanya na hindi iniiwasan ang mata nito sa mga mata niya.

Nahigit niya ang hininga ng huminto ang prinsipe sa harapan niya at bahagyang yumuko kung kaya't nagpantay ang mga mukha nila. Ang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Ilang dangkal na lang maglalapit na ang mga labi nila.

Tempting With Prince √ Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang