chapter 4

87.3K 1.9K 46
                                    

A/N: dahil mabait si author, pagbibigyan ko kayo! 😊 enjoy reading! 😊

-------

NGAYON ANG ALIS ni Marah kasama ang prinsipe ng Sicily. Wala naman siyang magawa kun'di ang sumama. Kapag hindi siya pumayag baka bitayin pa siya. Ang mga katulong na ang nag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya. 'Yong mga pwede pang gamitin ang dadalhin niya pero iyong mga luma tulad ng mga damit ay pinatapon na nila.

Hindi niya nakasabay sa almusal ang prinsipe, sabi ni Lorna nauna na daw si Prince Kyron kumain. Mabilis lang ang pagligo niya dahil gayak na ang prinsipe, nakakahiya naman kung paghihintayin pa niya.

Napatigil sa paghakbang pababa si Marah ng marinig ang sigaw ng prinsipe sa salas. Kahit ang tatlong katulong na nasa likod niya ay napatungo. Ang mga ito ang nagbitbit ng mga gamit niya, nasa likod din si Lorna ngunit walang nakikita na takot dito nang sumigaw ang prinsipe, kun'di ang tatlong katulong lamang.

Tumingin ulit siya sa prinsipe na nakatalikod sa kanila, may kausap ito sa telepono. Humakbang siya palapit sa prinsipe ngunit mukhang hindi napansin ang presensya niya.
May kinagalit ata sa kausap nito!

"Che cosa!? Tu sei Sposato! Non può essere! Sarò l'unico a sostituire il trono del re, non tu nemmeno Carlos. Aspartame! Sto tornando a casa con lei era" (What!? You're married! It cannot be! I will be the only one who replaces the king's throne, not you even Carlos. Wait me there! I'm coming home with her now!)

Pwede naman siguro siya makinig!? Hindi naman niya maintindihan ang pinagsasabi ng prinsipe. Sino kaya ang kausap nito at kung bakit nagagalit sa kausap. Sa tono kasi ng pananalita nito ay tila may nakakainis na sinabi ang kausap.

Pinatay na ni Kyron ang tawag at napabuntong hininga. Naunahan na siya ng kakambal niya na makahanap ng babaeng papakasalan. Hindi pwede! Siya dapat ang maging hari!

Tumikhim si Marah kaya napalingon ang prinsipe sa gawi niya. Pilit siyang ngumiti dito kahit nakakatakot ang madilim nitong awra. Bad mood pa ata ang prinsipe!

"H-hi," naiilang na bati niya at kumaway pa.

Nanatiling nakakatitig lamang ang prinsipe sa kanya bago bumaling kay Lorna.

"You'll come with us," Ani ng prinsipe kay Lorna.

Tumungo si Lorna sa prinsipe bilang pagsang-ayon. Nakangiti naman na lumapit si Marah kay Lorna. Natutuwa siya dahil may kababayan siya na kasama papuntang Sicily. Atleast, may kausap siya doon para hindi siya ma-bore at hindi duguin ang ilong niya.

"Yehey! Kasama ka!" Nagtatalon pa siya sa tuwa.

"Yes, Madame." Napatigil siya sa pagtalon at napanguso dahil tinawag na naman siya nitong madame. Pero kanina lang, parang close na sila mag-usap noong sila lamang dalawa. Napaka-professional naman!

BORING na boring na si Marah habang lulan ang sinasakyan nilang private airplane ng prinsipe papuntang Sicily. Wala siyang makausap dahil ang katabi niyang si Prince Kyron ay hindi naman siya kinakausap. Hindi nga siya tinatapunan ng tingin, nagbabasa lang ng dyaryo. Si Lorna naman kasama ang iba pang body guard ay nasa likod. Gusto niyang lumapit sa bakanteng upuan malapit kay Lorna upang makausap niya ito.

Bumaling siya sa natutulog na prinsipe. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta sa tabi ni Lorna. Umupo siya sa tabi nito!

"Anong ginagawa ninyo dito, Madame?"

"Mapapanis na 'yong laway ko, hindi naman niya ako kinakausap saka natutulog siya."

May nais lang siya na itanong kay Lorna tungkol sa prinsipe. She's now curious about him. Sa palagay niya, kilala na ng lubusan ni Lorna ang prinsipe kaya magtatanong lang naman siya ng maliit na detalye lang tungkol sa prinsipe.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now