Chapter 11

69.7K 1.3K 43
                                    

PINIPILIT ni Marah ikalma ang sarili habang nakaupo siya sa mahabang sofa at katabi si Kyron na naka-dekwatro ang upo at nakasandal ang dalawang kamay sa likod ng sofa. Kinakabahan na siya mula nang makita niya si Lola Anastasia na parang reyna nakaupo sa single sofa. Hindi niya mabasa ang ekspresiyon ng matanda, ngunit may kutob na siya na tungkol sa kanya ang pag-uusapan.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa." Pagsisimula ni Lola Anastasia. "Hindi kayo maaaring ikasal hangga't hindi pa siya ganap at kilos na prinsesa. " seryusong wika nito habang diretsyo ang mata na nakatingin sa kanya kaya napalunok siya. Pakiramdam niya, kailangan niyang uminom ng malamig na tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan. "A princess should be looking decent, conservative and a high class person. Hindi pang-eskwater ang kilos."

Sa narinig niya, pakiramdam niya ang baba niya. What more sa iba pang sasabihin nito. Hindi niya pinahalata na apektado siya sa sinabi ni Lola Anastasia dahil alam naman niya na hindi nito intensyon na sabihin 'yon. May punto naman ito, kaya hindi dapat siya makaramdam ng sakit sa sinabi nito.

"She need to learn how to be  a princess, and it will start today. " dagdag na wika pa nito.

"Kailangan pa ba 'yon lola? Hindi ba pwedeng kasal agad?" Nakakunot ang noo na tanong ni Kyron. Pansin sa boses nito ang hindi pang-sangyon sa nais ng sariling lola.

"Kailangan! Madaming mga mata ang nakatingin sa bawat kilos natin. Inaabangan nila ang maling galaw ng mapapangasawa mo. She need to be careful, bawat kilos niya at bawat pananalita niya." Tumingon si Lola Anastasia sa kanya. "You need to be careful, ayaw ko ng dahil sayo ay mawala ang pinaghirapan ng asawa ko."

Tumikhim siya ngunit hindi magawa ng bibig niya na magsalita kaya tumango na lang siya. "Kailangan mo rin pag-aralan ang lengguwahe namin. Lorna will teach you how to speak Italian," saka lang napansin ni Marah si Lorna nakatayo habang tahimik sa isang gilid. Hindi niya ito napansin kanina, dahil ang atensyon niya ay ang mga sasabihin ni Lola Anastasia. "You have to continue your studies too, it will start this week."

"Ayaw ko," Mabilis na pagtutol ni Kyron sa sinabi ni Lola Anastasia. Salubong ang kilay niya na tumingin kay Kyron ngunit seryuso lamang ang tingin ni Lola Anastasia sa apo nito. "Madami lang akong magiging karibal."

Lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng binata, hindi niya ito maintindihan. Samantala, napapailing naman si Lola Anastasia sa kakaibang kilos ng kanyang apo.

"She doesn't need to study  at the universities or any schools. Kahit dito na siya sa bahay, mag-aral, but you'll make sure that you will not disturb her while every time she's studying," pagbabanta ni Lola Anastasia sa apo.

"Huwag kayong mag-alala, lola. If you want, I can teach her some nasty little things," wika nito na may kasamang ngisi sa labi sabay kindat sa kanya.

Pinanlakihan niya ito ng mata upang ipahiwatig na umayos ito sa anomang sasabihin, nakakahiya pa naman din sa lola nito. Harapan-harapan talaga!

Tumingin sila kay Lola nang tumayo ito. "Bueno, aalis na ako," Nauna itong naglakad kaya sumunod naman sila ni Kyron hanggang sa huminto si Lola Anastacia sa labas ng pinto. Kita ni Marah ang tatlong lalaking nakatayo sa labas, tila hinihintay si Lola Anastasia.

Nakaramdam siya ng kabog sa dibdib nang blangko ang mukha na tumingin sa kanya si Lola Anastasia. "I don't like a half-wit princess," she warned her.

Kahit hindi sabihin, nararamdaman niya na tutol ito sa gaganaping kasal ng apo. "O-opo, Lola," Nauutal niyang wika.

"Inang Reyna!" Pagtatama nito.

"O-opo, Inang reyna," Nauutal niyang wika.

Hinawakan ni Kyron ang pulsuhan niya saka hinigit siya palapit dito. "Lola, Don't treat her like that?" Pumunta ang kamay nito sa bewang niya at bahagyang pinisil 'yoh. Pinapahiwatig na huwag siyang maapektuhan sa sinabi ng Lola nito.

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now