Chapter 32

50.7K 1K 75
                                    

A/N: huwag po kayong magagalit sakin ha? Kung heartbreaking ang book na ito, may book two kasi. Single kasi ako kaya walang inspiration sa love kaya pati libro dinadamay.. Hahaha charr😂😂😂 yun nga! May pinaghuhugutan si Author, kasi galit sa lalaki si Author, charr !!😂 tapos wala pang kadate si author sa valentines. Alam nyo kung ano ang gagawin ko sa valentines? Maglilinis ng stage. Bakit kasi nauso pa yang Miss Valentine's Day na 'yan? Maglilinis ako ng gabing 'yon. Hahaha!!! Maghahanap ako ng insipiration, si Kim Taehyung Hahaha!! Naalala ko tuloy yung kapatid ko, pinakealaman niya yung cp ko tapos nakita niya sa gallery puro mga lalaking photos.. Sabi sakin .. ala ate? Ano yan? Bakit naka-brief yan? Hahaha.. tawa na lang ako e. Naka-brief kasi si Travis ng Red Alpha Band, yan tuloy nanggigil ako!! Hahaha! Charrr!!! Anyways, enjoy reading kung maeenjoy nyo nga????   

Desisyon nyo naman kung hindi nyo tatapusin ito. Hindi naman ako mawawalan kung hindi nyo mababasa ang ending nito. Sa ending nito, may gagawin si Marah na magpapabago sa lahat.

Sa book two naman nito, may kunting revenge, tago dito, tago doon, habol dito, habol doon. Merong luluhod, magmamakaawa, iiyak, hihingi ng tawad at parang bulkan na sasabog sa galit.   

------

BUMALIK SINA Kyron at Marah sa Sicily nang napapansin ni Marah ang panlalamig ni Kyron. Madalas nagiging mainitin ang ulo nito, kapag tinatanong naman niya kung bakit. Ang sasabihin nito ay stress sa work. Madalas niya rin napapansin na may kausap sa telepono si Kyron na tila seryuso. Minsan naalimpungatan na lang siya na wala na pala siyang katabi at makikita na lang niya si Kyron nasa balkonahe habang naninigarilyo. Umuuwi na rin ito ng late at maaga naman aalis. Hindi naman siya nag-aalala dahil alam niya na wala itong ginagawang mali. Malaki ang tiwala niya kay Kyron!

Minsan hindi niya maiwasan na isipin na meron ba siyang dapat malaman? Pakiramdam niya na hindi lang basta stress sa work si Kyron kaya madalas wala ito sa mood. Dinadaan na lang niya sa lambing o kaya naman minamasahe naman niya na nauuwi sa kama.  

Napukaw ang atensyon ni Marah nang biglang may pumitik na kamay sa harapan niya. Napagisipan kasi niya na kumain sa labas ng mag-isa dahil may mahalaga daw pupuntahan si Kyron. Lately, napapansin niya na nagke-crave siya sa mga matatamis o kaya naman sa seafood kaya nandito siya ngayon sa isang restaurant para kumain ng mga pagkaing hinahanap niya. Filipino restaurant ito, adobo at sinigang na hipon ang gusto niya ngayong kainin.

Tumabi sa kanya si Carlos sa harapan niya. "Lalim ata ng iniisip mo?"

Bumuntong hininga siya. "Hindi naman, " ngumiti siya. "Masaya ako kasi nakaalala na siya."

Bigla tuloy na-concious si Marah nang titigan siya ni Carlos. "Ang mga katulad mo ay hindi dapat umiiyak."

Tumawa naman siya sa pagiging seryuso nito. "Ang ganda ko kaya para paiyakin," Biro niya.

"Yeah! Your beauty is one of a kind."

"Bakit ang seryuso mo? I wonder why you don't have a girlfriend?"

Umupo ito ng maayos. "Nakakahiya naman aminin, but I'm NGSB."

Nanlaki ang mata ni Marah sa gulat. Hindi niya inaasahan 'yon na hindi pa ito nagkaka-girlfriend. Sa gwapo nito. "As in, No Girlfriend Since Birth. Zero love life!"

Napatawa naman ito sa ekspresyon niya. "Yeah! But I'm so happy being single."

"Fling?"

Saglit muna itong napaisip bago tumango. "I have only one fling."

"Bakit hindi na lang maging kayo?" Nakakunot niyang tanong. May lumapit na waitress sa kanila at inilapag ang mga order niya bago ito tumingin kay Carlos. "What's your order, sir?"  

Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon