Chapter 2

99.8K 2.1K 224
                                    

Hi, GuardianDash haha, pasensya na natagalan. I dedicated to you this.

-----

MARY'S HAND trembled as she quickly pulled all the clothes from the cabinet and put it to the luggage. Hindi na siya pwedeng magtagal pa sa apartment na ito. Alam niya na anomang oras, mahahanap siya ni Kyron ang prinsipe ng Sicily. Isang linggo na rin siyang nagtatago sa mga taong naghahanap sa kanya upang dalhin siya kay Prince Kyron.

Pati trabaho niya, naapektuhan.
Isa siyang waitress sa isang fast food restaurant. Kaya lang naman siya nakapunta sa Germany dahil sa ama niya, pa-birthday nito sa kanya. Dahil alam ng daddy niya na pangarap niyang makapunta sa Germany.

Bumuntong hininga siya, sana hindi na lang natupad ang pangarap niya.

Gusto na niyang isauli ang brief kaso nag-aalala siya na baka bitayin siya o kaya naman ay nakagapos ang dalawang kamay at nakapiring ang mga mata habang binabaril ng mga sundalo.

Nang makasigurado na wala na siyang nakalimutan at naimpake na lahat ay sinarado niya ang zipper ng maleta. Bitbit ang maleta palabas ng silid habang nakasabit ang shoulder bag sa braso.

Nakakunot ang noo ni Roanne nang makita siya, hila-hila ang maleta. Nakaupo ito sa sofa habang hawak ang remote at nanonood ng telebisyon.

"Hoy! Ano yan? Lalayas ka?" Natatawang wika nito.

"Hindi na ako pwedeng matagal dito," wika niya habang hila ang maleta.

Naka-black hoodie jacket siya at fitted pants saka rubber shoes upang madali siyang makatakbo kapag may nakakita sa kanya na mga mukhang pera.

Pagbukas niya ng pinto, napaatras siya habang nanlalaki ang mata. Kahit ang kaibigan niya ay napatayo at halos hindi makapaniwala sa nakikita nila. Ang lalaking kaharap niya ay walang iba kundi ang lalaking naghahanap sa kanya. Si Prince Kyron Williamsburg. Oh no! I'm so dead!

Nabitawan niya ang hawak na maleta habang umaatras at ang gwapong lalaki sa unahan niya ay umaabante palapit sa kanya. Halos magtayuan ang balahibo niya sa klase ng titig nito. Hindi niya mabasa ang expression ng mukha ng prinsipe, taimtim lang tingin nito sa mga mata niya.

Dalawang beses pa lang niya nakita ang gwapong prinsipe ngunit ang puso niya ay dumagundong sa bilis ng tibok nito.

Nang matauhan sa angking kagwapuhan ng kaharap ay nanginginig ang kamay na kinuha niya ang brief sa shoulder bag niya.

"Is this you looking for?-" She reached out his hand and put his red brief on his palm. -" I'm bring it back to you now. Please, d-don't kill m-me," nanginginig na wika niya.

Umigting ang panga nito "I don't need this," madiin ngunit baritonong boses na wika nito at hinagis ng basta sa sahig ang brief.

"Uy! Sayang," narinig niyang wika ng kaibigan niya. Agad na dinampot ng kaibigan niya ang pulang brief sa sahig.

" What else do you need? Binabalik ko na nga sayo ang brief," Hindi niya alam kung naintindihan ba siya ng prinsipe sa pagtagalog niya. Mukhang mauubusan siya ng English dito.

"You're coming with me," anang nito at hinuli ang pulsuhan niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya na nagbigay sa kanya ng kakaibang kuryente sa buong katawan niya.

"Wait," tinabig niya ang kamay nito sa pulsuhan niya at kinuha ang brief na inaamoy- amoy ng kaibigan niya. "Akin to, " pabulong niyang wika kay Roanne at ibinulsa ito.

Tahimik lamang si Marah na nakaupo sa dulo ng limousine car habang ang prinsipe ay sa kabilang dulo at nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mga mata. Sumama siya dito at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng prinsipe. Ito na ang katapusan niya? Dadalhin ba siya nito sa Sicily at doon bibitayin?

Tempting With Prince √ Where stories live. Discover now