Chapter 24

48.5K 1K 65
                                    

"HE HAD AN amnesia. Hindi pa namin masasabi dahil under examination pa ang kalagayan niya. But I think it's retrograde amnesia or maybe a selective amnesia," anang ng pilipinong doctor na tumitingin sa kalagayan ni Kyron.

Nakaupo si Marah habang naluluha sa narinig niya sa doctor at ang reyna naman ay nakatayo't kaharap ito. Pinapaliwanag sa kanila kung bakit hindi maalala ni Kyron siya.

" What's retrograde amnesia, doc?" Tanong ng reyna.

"Retrograde amnesia is the inability to recall past memories. Base sa observation ko, ang tanging naaalala niya lang ay ang nakaraan niya before three years ago. Hindi niya naalala ang taong malakas ang epekto sa utak niya or ang taong kasama o dahilan kung bakit siya naaksidente at dahil diyan, papasok ang selective amnesia is a type of amnesia in which the victim loses certain parts of his or her memory. " paliwanag ng doctor.

Napansin din ni Marah 'yon. Nandoon siya kanina sa loob ng silid habang tinatanong ng doctor si Kyron –kung ano ang naalala nito? Bakit si Sofie ang gusto nitong makita? Ano ba nito si Sofie?

Sa narinig niyang sagot ni Kyron ay ang nagpawasak ng puso niya. Ang alam ni Kyron si Sofie ang girlfriend nito. Hindi nito naalala na pumunta ito sa Pilipanas pagkatapos umalis ni Sofie papuntang France upang doon mag-aral. Hindi rin naalala ni Kyron na sinagip siya nito sa mga rebeldeng dumukot sa kanya.

"Why he can't remember his wife?" Anang ng reyna. "Bakit kami lang?"

"Ang nakaraan niya lang ang naalala niya, parte kayo ng nakaraan na 'yon dahil hindi kasama ng nakaraan niya ang asawa niya. Inuulit nito ang nakaraan." saad pa ng doctor.

Nanatili lamang siyang nakatungo habang nanunubig ang mga mata. Kinagat ni Marah ang ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Siya ba ang dahilan ng muntik ng ikamatay nito kaya ayaw na ni Kyron na maalala siya? Kaya ang nakalimutan nito ay ang parteng kasama siya?

"Maibabalik pa ba ang ala-ala niya, doc?" Ani ng reyna habang naluluha.

Tumango ang doctor. "Yes! Maybe in a month or a year kung mabilis ang progreso ng utak niya. But don't stress him, huwag ninyong ipilit ang pasyente na makaalala. Hayaan nyong maalala niya ang lahat."

Tumango naman ang ina ni Kyron. "salamat, doc." Wika ng reyna bago umalis ang doctor.

Tumabi ang reyna sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Don't worry, maalala ka rin niya," pag-aalalo nito.

Tumingin siya rito bago pinilit na ngumiti. Hanggang kailan? May pag-asa pa bang maalala siya nito? Bakit siya pa ang hindi nito maalala?

Ngumiti rin ang reyna bago ito tumayo at naunang pumasok sa silid ni Kyron. Malungkot na bumuntong hininga si Marah bago nanginginig ang tuhod na tumayo at humakbang. Huminto siya sa nakasaradong pinto at nagdadalawang-isip kung kaya ba niyang makita ang dalawang naglalambingan. Pumikit siya nang marinig ang tawa ng dalawa.

Nang hinanap ni Kyron si Sofie kanina, at hindi siya matandaan ay walang nagsalita. Ngunit naging makulit si Kyron at halos magwala na habang binabanggit ang pangalang Sofie kaya walang magawa ang reyna kundi tawagin si Sofie at papuntahin dito pero humingi muna ng permiso sa kanya ito na sinang-ayunan naman niya.

Pakiramdam niya, ang daming karayom na tumutusok sa puso niya nang hindi ang pangalan niya ang binabanggit nito. At nang pumasok si Sofie sa loob, kitang-kita niya kung paano nagliwanag ang mukha ni Kyron nang makita si Sofie. Tumalikod siya nang lapitan ni Sofie si Kyron at binigyan ng halik ni Kyron ito. Hindi niya kinaya, kaya sumama siya sa reyna upang kausapin ang doctor.

Marahas niyang pinunasan ang basang pisngi bago humugot ng malalim na hininga saka nanginginig ang kamay na hinawakan pabukas ang seradure ng pinto. Tumahimik ang lahat nang pumasok siya. Nagtama ang mga mata nila ni Kyron habang nakasandal ito sa head board ng kama at katabi nito si Sofie. Palakas ng palakas ang tensyon na nararamdaman ni Marah habang nakipagtitigan sa walang emosyong si Kyron. 

Tempting With Prince √ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon