Chapter 22

50.9K 1K 79
                                    

DUMAAN ANG GABI nang walang tumatawag sa kanila na kidnapper tungkol sa mga asawa ng prinsipe, kaya sigurado na sila na hindi pera ang kailangan ng dumukot sa mga asawa nila. Hindi na mapakali si Kyron at nag-aalala sa kalagayan ng mag-ina niya habang ang kapatid naman niya na si Nyron ay tahimik lamang na nakaupo sa sofa habang nakakuyom ang kamao. Ang magulang naman niya ay nakaupo rin si mahabang sofa habang katabi ng mga ito si Lola Anastasia, nag-aalala rin sa dalawang babae. Ang kapatid naman niyang si Pearl ay walang alam tungkol sa pagdukot sa dalawang babae, pansamantala muna itong nasa mansion ni Carlos na sinabihan niya rin na huwag sabihin kay Pearl upang huwag mag-alala.

Naghihintay na lang sila ng lead o tawag sa Red Alpha Band kung saan dinala ng mga armadong lalaki ang mga asawa nila. Sila lamang ang naisip niyang paraan na malaman kung sino ang dumukot sa asawa niya at kay Kirsten.

Hindi niya mapigilan na magalit sa sarili. Wala man lang siyang magawa para iligtas ang asawa, wala siyang kwenta. Habang buhay niyang sisihin ang sarili kung sakaling may mangyari masama sa mag-ina niya. Hindi pa siya nakakapatay ng tao, pero handa siyang pumatay sa oras na masaktan ang babaeng mahal niya.

Kuyom ang kamao niya habang nakatingin sa labas ng bintana para hintayin ang pagdating ng Red Alpha Band. Wala siyang maisip na taong gagawa nito dahil wala siyang natatandaan na may nakaaway siya. Maaring may galit sa pamilya nila o mga rebelde na ayaw sa pamamalakad nila sa bansa. Bakit kailangan pang idamay ang asawa nila? Bakit hindi na lang siya?

Kung sa tingin nila, mabubuhay pa sila matapos dukutin ang asawa niya, pwes, nagkakamali sila dahil walang makakaligtas sa kanya ng buhay. No one!

Walang sinoman ang pwedeng makapanakit sa mahal niya, hindi niya hayaan.

Ilang sandali lang, may narinig na si Kyron na busina nang sasakyan kaya nagmadali siyang lumabas upang salubungin si lima.

"I know where she is," agad na bungad ni Travis, pagkakita sa kanya nito.

"Let's go," madiin na wika niya habang nakakuyom ang kamao.

"I'll go with you," anang ng kapatid niya nang lumabas ito. May hawak itong baril at sinukbit sa bewang ng suot nitong pantalon.

"Mag-iingat kayo," anang ng ama nila. Lumapit ang ina niya kay Nyron bago siya nilapitan at niyakap.

"mag-iingat kayong dalawa," pag-aalala nitong wika.

Tumango siya bago tumingin sa Inang Reyna, nagtanguan silang dalawa hudyat na aalis na sila.

Sabay-sabay silang lumabas ng palasyo habang ang ina't reyna ay nakatingin lamang sa papalayong bulto nila. 

"You'll need this," Inabot sa kanya ni Liam ang baril na agad naman niya kinuha saka nilagay sa gilid ng bewang niya.

"Wait for me, sweetheart. I will save you."

NAGISING SI Marah dahil sa mahinang tapik sa mukha niya. Bigla siyang napabangon nang maalala na binaril kanina ang sinasakyan niyang kotse at dinala siya nang mga armadong lalaki sa lugar na ito. Nanlaki ang mata niya nang makita si Kirsten, ibig sabihin dinukot din ito ng mga goons na lalaki. Agad silang nagyakapan habang naiiyak. Naiiyak sa takot at pagtataka kung ano ang kelangan sa kanila kung bakit dinukot sila ng mga 'yon.

"Marah," naiiyak na wika ni Kirsten. "Where are we?"

Kahit siya, hindi rin alam ni Marah kung nasaan sila -maalikabok na silid at maduming kama. Tumayo siya at pinilit na buksan ang pinto ngunit naka-lock ito. Lumapit siya sa maliit na bintana at sinubukan na buksan ngunit matibay ang bakal na nakaharang dito. Sinilip niya ang labas kung may mahihingan sila ng tulong ngunit madilim at wala siyang makita, napakatahimik ng paligid.

Tempting With Prince √ Onde histórias criam vida. Descubra agora