Said I Love You, But I Lied - Chapter 30

173 5 0
                                    

CHAPTER 30

Kanina pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko may nanonood sa bawat galaw ko. Nagiging paranoid tuloy ako. Konting hawak lang sa akin napapasigaw na ako.

“Iha sigurado ka bang okey ka lang?” Pangsampu na sigurong tanong sken yan ni Aling Dita.

“Okey lang po ako. Huwag po kayong mag-alala.”

“Gusto mo bang magbinggo?”

“Ay hindi na po. Hindi rin kase ako marunong.”

“Madali lang. Saka may tularan ka naman doon.” Tinuro pa nya ‘yong pwesto nang binggohan kung saan sya nakapwesto kanina kasama ang Nanay nina Angie. “Baka kase naiinip ka na dito.” Dagdag pa nya.

“Hindi po. Nag-eenjoy din po ako kahit nakaupo lang.” Totoo naman ang sinabi ko. Ngayon lang ako nakapunta sa perya. Naaaliw akong panoorin ang mga batang naglalaro.

“O sya sige. Doon lang muna ako.”

“Sige po.”

Hinatid ko nang tanaw si Aling Dita hanggang sa makaupo sya sa binggohan katabi ang Nanay nina Angel. Narinig ko pang tinanong ni Aling Angela, nanay nina Angel si Aling Dita kung okey lang daw ba ako.

Muli kong ginala ang aking paningin sa buong perya. Nahagip nang tingin ko sina Angie kasama ang tatay nila na nakapila sa isang parang booth. ‘Yun ata yong magshoshoot ng bola, dahil may nakita rin akong ring.

Nakatingin sa akin si Angie at si Donald kaya kumaway ako sa kanila. Lumapit sila sa akin.

“Ate halika!” Nagulat ako nang bigla na lang nila akong hilahin sa kamay. Hindi kaagad ako nakatanggi.

“Laro tayo Ate.” Nakangiting sabi ni Angie.

“Nang ano?” Napatingin sa akin ang Tatay ni Angie saka ngumiti. Parang sinasabi nyang sakyan ko na lang ang mga bata. Nakaturo sya sa mga bola. “Naku—naku! Hindi ako marunong nyan.” Tanggi ko. Bigla naman lumungkot ang mukha ni Angie kaya bigla akong nakonsenya. “Sige na nga.”

“Talaga Ate?” nangingislap ang mata na tanong ni Donald.

“Pero hindi talaga ako marunong nyan eh. Pano ba?”

“Madali lang Ate. Ishoshoot mo lang iyong mga bola sa ring. Kapag nakalimang shoot ka sa loob ng isang minuto may premyo ka.”

Tiningnan ko ang ring saka ang guhit na tinuro naman ni Angie. Naku po! Makaabot kaya doon ang tira ko? Eh hindi nga ako marunong magbasketball. Never pa akong nakakahawak nang kahit anong bola sa tanang buhay ko. Paano kaya ito?

Tuwang-tuwa ang mga bata nong turn na naming maglaro. Nauna ang Tatay nina Angel. Wala pang isang minuto nakakasampung shoot na sya kaya naman hindi magkamayaw sa pagpalakpak ang mga bagets.

Nong ako na ang maglalaro, bigla akong nahiya at napatingin sa paligid. Bakit parang lahat ata sila sa akin nakatingin? Ngayon lang ba sila nakakita nang babaeng magshoshoot?

“Go Ate Toni! Kaya mo yan!” pagchicheer ni Angie sa akin ganon din si Donald. Si Angel naman nakatingin lang habang yakap nya ang isdang stuff toy na nakuha nang tatay nya. Parang nababasa ko ang nasa isip nya. ‘Yung tipong kaya kaya nya? Bigla akong pinagpawisan nang malamig.

Malapit nang matapos ang isang minuto pero wala pa ring nashosoot sa mga tira ko. Sumasakit na ang braso ko pero waley pa din. Swerte na kung mapatama ko sa ring.

Natapos ang isang minuto. Wala akong na-ishoot.

“Ay sayang!” sabi ni Donald habang nakatingin sa ring.

“Oo nga.” Segunda ni Angie. Ang lungkot lungkot nang mga hitsura nila.

“Sorry kids. Hindi talaga ko marunong eh.”

“Okey lang ‘yon. Ulitin na lang naten.” Sabi nang Tatay ni Angie.

“Okey lang Tay. Di bale na lang po.” Nakokonsensya talaga ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nalungkot ang mga bata.

Maglalaro na lang sana ako ulet, pero nang makita ko ang pila bigla akong nanlumo. Ang haba na. Matatagalan bago kami ulet makalaro.

“Sorry talaga kids. Ibibili ko na lang kayo sa mall.”

“TALAGA PO?” sabay-sabay nilang tanong.

“Oo.” Sagot ko.

“Pati po ako?” Nabaling ang tingin ko kay Angel. Nakakagat sya sa palikpik ng isda.

“Oo naman. Kayong tatlo.”

“Yeheey! Thank you Ate.”

Muntik na akong matumba nang sabay nila akong yakapin. Nagulat pa ako sa sarili ko nang marinig ko ang sarili kong tumatawa. Ito ang unang tawang nagawa ko simula nang umalis ako nang Maynila.

Nagpaalam si Manong Anghelito na titingnan muna ang sasakyan sa labas kaya naiwan sa akin ang mga bata. Naghanap na lang kami nang ibang mapapaglaruan. Nag-eenjoy na rin akong kasama ang mga bata.

Nakarating kami sa parang Dance Revo, iyong ganon sa mall pero pambata. Unang naglaro ay si Angie. Aliw na aliw ako habang pinanonood ang bawat kembot at talon ni Angie. Marunong syang sumayaw.

May bumangga sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Tinutok ko ang aking tingin kay Angie. Pumapalakpak pa ako.

Tumingin ako kay Angel nang bigla nya akong kalabitin.

“Yes Angel?” Hindi sya nagsalita. Nakatingin sya sa tabi ko.

Binaling ko ang tingin sa tinitingnan ni Angel. Isang malaking stuff toy ang nakita ko. Sa sobrang laki hindi ko na makita ang hitsura nang may hawak.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Angie pero tapos na syang sumayaw. Sa katunayan, sa akin na sila nakatingin. Ano bang meron?

Tumingin ulet ako sa katabi ko at nagulat.

Si Dennis nakangiti sa akin habang yakap ang isang malaking stuff toy.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now