Said I Love You, But I Lied - Chapter 6

364 9 3
                                    

Chapter 6:

TONI’s POV

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng makasama ko si Dennis sa pagkain pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang hitsura nya. Para syang mantsa na hindi maalis alis sa isip ko.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Ngayon lang nangyari sa akin ang ganito.

Attracted ba ako sa lalaking iyon?

Aminado naman ako, gwapo sya. Maganda ang tindig, lalaking lalaki ang dating. Napansin ko rin na maganda ang kanyang mga mata. Pero imposibleng may gusto ako sa kanya. Ano ‘yon agad-agad?

Hindi sya ang tipo kung lalaki.

Member kaya siya ng budol budol gang kaya hindi siya mawala sa isip ko? Ang gwapo naman nyang manggagantso kung sakali. Tisoy pa.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ng makarinig ako ng mga katok sa pinto.

“Manang.” Nabungaran ko ang kasama namin sa bahay. Si Manang Lilia.

“Sabi ko na nga ba andito ka lang sa loob. Ano at nagmumukmok ka dito?” Pumasok sya sa loob ng kwarto ko at nagdirediretso sa cr.

“Tinatamad po akong lumabas.” Sagot ko. Saka humiga ulet sa kama.

“Aba bago yan ah. May problema ka bang bata ka? Napapansin kong matamlay ka nitong mga nakaraang araw. May sakit ka ba?”

Dala na ni Manang ang hamper ko ng lumabas sya ng banyo. Kasambahay namin si Manang pero hindi sya dito natutulog. Umuuwi sya kapag gabi sa bahay nila na nasa kabilang kanto lang naman, saka bumabalik kinabukasan. Tanging kaming dalawa ni Jaypee ang nakatira sa bahay na ito. Madalas makitulog dito ang magpinsang Karen at Mikki, kahit pader lang ang pagitan sa bahay nila.

“Wala naman po. Tinatamad lang talaga akong lumabas.” Walang gana kong sagot.

“Sigurado ka?” Tila hindi kumbinsidong tanong ni Manang.

“Opo.”

“Oh sya at ako ay maglalaba na muna. Aakyatan na lang kita ng merienda ng may makain ka dito.”

Nasa may pintuan na si Manang ng maisipan kung bumangon at sumunod.

“O san ka pupunta?”

“Sa baba na lang po ako, Nakakabagot na dito. Kabisado ko na ang apat na sulok ng kwartong ‘to.”

Tahimik lang akong sumunod kay Manang pababa ng hagdan. Pagdating sa sala, agad akong naupo sa sofa at naghanap ng makakalkal. Mga photo album ni Jaypee ang nakita ko.

Matapos akong dalhan ni Manang ng merienda, agad din naman syang nawala. Marahil nasa likod bahay na sya upang maglaba. Dahil andon ang washing machine.

Nagsasawa na ko kakatingin sa mga larawan ni Jaypee noong bata pa sya, kaya naisipan kong puntahan si Manang sa likod bahay.

Bawat larawan ni Jaypee nong maliit pa sya, present din ako. Although hindi kami magkaedad, pero lagi naman kaming magkasama. Sila ng Ate ko ang magkaedad, pero kaming dalawa ang halos sabay na lumaki. Parang Kuya ko na si Jaypee, kaya naman malaki ang tiwala sa kanya ni Daddy.

“Ate Love naniniwala ka ba sa gayuma?”

“Joke ba ito?”

“Seryoso po.”

“Alam mo Mariz sa totoo lang, mas naniniwala pa ako sa kulam kesa sa gayuma. May mga kilala akong nakulam, at may kilala din akong mangkukulam. Sekreto lang natin ito mga kaberks ha. Share ko lang. Pero sa gayuma? Kwentong kanto lang. Anyway, highway bakit mo naman naitanong ang tungkol doon?”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now