Said I Love You, But I Lied - Chapter 10

304 8 4
                                    

Chapter 10:

TONI's POV

Habang papasok sa loob ng bar, unti-unting nabubuo sa isip ko ang gagawin kong plano. Binibigyan na ako ng tadhana ng pagkakataon kaya susulitin ko na. Kakampi ko ang tadhana ngayon. Kakampi ko nga ba?

This is my time to shine. And I want to shine like a diamond in the sky. Ano ba yan, bakit napapakanta ako? Baka mamaya magalit pa sa akin si Anne Curtis. Sya lang ang may karapatan. Anong karapatan? Tanungin nyo si Anne.

Bago pumunta sa bar counter, dumiretso muna ako sa locker area. Kailangan kong magsuot ng aming working shirt. Walang iba kundi ang kapita-pitagang black polo shirt na uniform naming mga bartender, na may pangalan ng bar ni Boss sa may kaliwang dibdib.

Pagpasok ko ng locker si Darwin kaagad ang una kong nakita. Since magkatabi lang ang aming locker, tumabi ako sa kanya. Hindi nya ata ako napansin. Hawak nya ang kanyang cellphone.

“Kanina ka pa Dong?” Wala syang reaksyon.

Binuksan ko ang aking locker at nilagay ang aking mga gamit sa loob. Hawak ko na ang aking uniform ng muli akong mapatingin kay Darwin. Biglang napaangat ang kanyang kamay pero nabitin lang sa ere. Tinitigan ko syang mabuti. Di kaya tulog ang isang ‘to? Tapos nananaginip lang?

“HOOY DARWIN!”

“Uy Toni. Ikaw pala. Kanina ka pa dyan?”

Tingnan mo ang isang ito. Kanina tulala tapos ngayon naman todo ngiti. Hindi kaya nababaliw na ito? Parang timang, OA ang ngiti. Wala nga ata ‘to sa sarili.

“Kahapon pa ako dito. Ikaw, kanina ka pa dyan?”

“Ikaw talaga. Puro ka biro.”

“Hindi kaya biro yon. Kahapon pa talaga ako dito.”

Hindi ko sya narinig sumagot. Bago ako pumasok sa cr na nasa loob lang din ng aming locker room nakita ko pa syang muling sumulyap sa hawak na cellphone at parang batang nagpapadyak. Ayy malala na ang isang ito.

Teka? Baka naman may problema itong si Darwin.

Pagkatapos kong magpalit ng uniform, lumabas na ako ng cr. Nakatulala pa rin si Darwin. Ngayon naman sa kisame na sya nakatingin. Malamlam ang kanyang mga mata, at nangingitim ang ilalim. Hindi tulad dati na mata pa lang nya masigla na. Iyong nangingitim ang mata, normal na sa kanya yon. Panggabi ang trabaho namin kaya kulang talaga kami sa tulog. Puyat lagi.

May problema nga ang isang ito. Muli akong naupo sa tabi nya. Hindi na naman ako naramdaman. Multuhin ko kaya ito ng maramdaman ako?

“Problema?” Tiningnan ko sya pero sa kisame pa rin sya nakatingin. “Ano bang meron sa kisame? Sideline mo na rin ba ngayon ang pagbibilang ng butiki?” May nakita akong dalawang butiki sa kisame. PBB teens lang ang dating. Ang lalandee. Hindi man lang mga nagtago. Dumisplay pa talaga sa kisame.

Hindi pa rin ako pinansin ni Darwin, kaya napapitik ako sa kanyang harapan.

“Uyy Toni--”

San ka na nakarating? May pasalubong ka ba sa akin?” Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Hindi ako sanay na tahimik sya, baka mamaya, na-eengkanto na pala sya wala pa kaming kaalam-alam.

“Pasensya ka na. May iniisip lang talaga ako.” Medyo nahihiya nyang sagot, saka napakamot sa ulo.

“Ano ba problema mo? Huwag ka ngang seryoso. Hindi bagay sa’yo ang emo.”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now