Said I Love You, But I Lied - Chapter 33

165 4 0
                                    

CHAPTER 33

Abalang-abala ang mga magulang ni Angie sa pag-iistima sa mga bisita. Eleventh birthday kase ni Angie.  Busy rin ang tatlong bagets sa pagkikipaglaro sa mga batang bisita. Wa pansin ako sa kanila ngayon.

Muli kong sinuyod ng tingin ang buong bakuran nina Angie. Puno ng mga bisita ang buong bakuran. Hindi man magarbo ang handaan, kitang-kita ko naman sa kanilang mga mukha kung gaano sila kasaya. Lahat sila nakangiti.

Ganito pala sa probinsya. Simpleng buhay. Simpleng kasiyahan. Sana nga ganon lang kasimple ang buhay.

“Hinahanap mo sya no?” nabaling ang tingin ko sa nagsalita. May lahi bang kabute itong si Aling Dita? Bigla-bigla na lang kase nasulpot. “Namimiss mo sya?” Dagdag pa nya habang nakangiti.

“Po?” Ano bang pinagsasabi nitong si Aling Dita? Sino ang namimiss ko?

“Sus! Halata naman sa’yo na kanina mo pa sya hinahanap.”

“Sino ho?”

“Sino pa eh di ang boypren mo.”

“Aling Dita hindi ko ho boyfriend si Dennis.” Ang kulit nitong si Aling Dita. Kahapon pa nya pinagpipilitan na boyfriend ko si Dennis. Sige lang po, push nyo yan.

Konteng push pa po. Kinikilig kase ako. Chos!

“Dumaan sya sa bahay kanina. Luluwas daw syang Maynila.”

Nakasunod ang tingin ko sa papalayong si Aling Dita. Buti pa sa kanya nagpaalam si kumag.

Pagkatapos nya kaseng sibakin lahat ng kahoy nina Aling Dita kahapon, nagkulong kagad ako sa kwarto. Hindi ko sya hinarap. Baka nagsawa na kakakulit saken. Baka sumuko na sya.

Pero bakit ganon? May parte ng puso ko na nasasaktan dahil sa iniisip ko?

Eh ano naman kung umalis na sya? Okey nga yon eh. Matatahimik na ang buhay ko dito. Wala ng manggugulo. Wala ng bubuntot sa akin.

Pero kahit lokohin ko pa ang sarili ko, alam ko naman na hinahanap ko rin sya.

Pag gising ko kaninang umaga sya kagad ang nasa isip ko. Umaasa akong makikita ko sya dito sa birthday ni Angie pero nabigo lang ako. Nasuyod ko na lahat ng mga bisita pero kahit ni anino nya hindi ko nakita. Iyon naman pala, bumalik na sya ng Maynila.

Bakit kase nagpakipot pa ako. Arte-arte pa kase. Feeling maganda. Arrgh! Nakakainis!

Lumipas ang maghapon na lumilipad ang isip ko. Puro lang ako tango at ngiti sa lahat ng kumakausap sa akin. Buti na lang laging to the rescue si Aling Dita. Sya ang kumakausap sa mga nagtatanong sa akin. Nahahalata nya sigurong wala ako sa aking sarili.

Sumapit ang gabi. Mangilan-ngilang bisita na lamang ang natira. Tulog na rin ang mga bagets. Napagod sa kakalaro.

Nagpaalam na ako sa mga magulang ni Angie na uuwi na. Gusto pa nga akong ihatid ni Aling Dita sa bahay pero tumanggi na ako. Buti sana kung sampung bundok ang uuwian ko, eh dyan lang naman sa kabilang bakod.

Nakikita ko kay Aling Dita ang nanay ni Jaypee na si Nanay Jhing. Maalaga sya sa akin. At dahil sa pinapakita nya sa akin, natutunan ko rin syang pahalagahan. Ganito lang siguro talaga kapag walang ina. Naghahanap ng kalinga ng isang ina, at nagkataong nakita ko yon kay Aling Dita.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang may mahagip akong pigura ng tao. Nakaupo habang nakasandal sa dingding. Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ako nakaramdam ng kahit konting takot. Nasa may bandang madilim kase ang pigura.

Dahan-dahan akong lumapit. Ilang segundo ko muna syang pinagmasdan bago ginising. Sabi ko na nga ba sya ito eh. Amoy pa lang ulam na. I mean amoy pa lang kilala ko na.

Tinapik ko sya sa balikat. “Uy gising!”

Dahan-dahan syang nagmulat ng mata. “Anna?”

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Hinihintay ka.”

“Bakit dyan ka natutulog?”

“Nakatulog lang ako. Teka? Anong oras na ba?”

“Mag-aalas nwebe na.”

“Nine ng gabi?”

“Ay hindi. Nine ng umaga. Madilim nga di ba? Natural gabi. Jusko naman po!”

“Saan ka galing?”

“Dyan lang sa kabila. Di ba birthday ni Angie ngayon.” Ay teka nga! Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kumag na ito? Close na ba kami?

Gusto ko sana syang tarayan, pero ano pang magagawa ko nasabi ko na. Saka miss ko na sya. Kanina ko pa sya gustong makita. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yon.

“Oo nga pala. I forgot.” Sabi nya saka humawak sa noo nya. Mukha syang pagod na pagod. Saka ngayon ko lang napansin nakasuot sya ng suit. Don’t tell me galing syang Manila tapos dumiretso sya dito?

Wee? Assuming daw ako.

“Ano bang ginagawa mo dito?” tumalikod ako sa kanya saka binuksan ang pinto. Naramdaman kong nakasunod sya sa akin. Gusto ko sanang lumingon pero baka magkabanggaan lang kami.

Nasa gitna na kami ng sala pero hindi pa rin sya nagsasalita.

At ang kapal ng mukha ng Lolo mo. Pumasok kagad kahit hindi pa iniimbitahang pumasok. Pero sige, dahil mukhang pagod sya ngayon saka namiss ko sya di na ako mag-iinarte. Muna.

“Anna let’s talk.” Seryosong sabi nya.

“Ayan ka na naman sa let’s talk let’s talk na yan eh. Dennis wala naman tayong dapat pag-usapan eh. Meron ba?” balik ko sa kanya.

Nagulat ako ng paglingon ko nasa likuran ko na pala sya. Kanina nakaupo na sya, bakit ngayon nasa likuran ko kagad sya?

“Marami. Pero gusto ko munang malaman. Are you avoiding me?” para akong napaso ng bigla na lang nya akong hawakan sa mukha.

“Hindi no. Bakit naman kita iiwasan?” Sabay piksi ko sa kamay nya at naupo ako sa sofang made in kawayan.

“Bakit andito ka sa lugar na ito?”

“Hello? Nagbabakasyon kaya ako. Hindi ba halata?”

“Galit ka ba sa akin?”

“Hell! No!”

Bigla akong natigilan. Sinabi ko ba talaga ‘yon? Well, hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nag-gagalit-galitan lang. Arte ko no?

Natigilan ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko. Ano sya magpopropose? Okey! Joke lang! Sabi ko naman di ba? Assuming ako.

“Can I hug you?”

Ano daw?

Pero bago pa ako makasagot bigla na lang nya akong niyakap. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang nagririgodon ang puso ko. Nagpaparty-party ata sila sa loob.

Nararamdaman kaya nya na kinakabahan ako?

Hinigpitan nya ang yakap nya sa akin, hanggang sa unti-unti akong mapapikit at gumanti rin ng yakap sa kanya.

God! I want this.

Sasamantalahin ko na ‘to ngayon. Promise ngayon lang. Baka bukas kase mawala na naman sya.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now