Said I Love You, But I Lied - Chapter 31

183 5 0
                                    

CHAPTER 31

“Anong tinitingin-tingin mo dyan? Akala mo ba nakakatuwa ka? Nananahimik na ako tapos manggugulo ka na naman? Hindi ka pa kontento na nasasaktan ako? Anong gusto mo umiyak ako ng dugo? Letse naman eh! Nagmomove-on na nga ‘yong tao tapos heto at sinundan mo pa ako dito. Ano ba talagang gusto mo ha?”

Hindi gumalaw o sumagot ang malaking stuff toy na nasa harap ko. Okey, stuff toy nga di ba? Malamang hindi talaga sasagot yan. Magulat ako kapag nagsalita yan.

“Nakakainis ka na ha!” Pinitik ko ang ilong ng kawawang stuff toy. Sa kanya ko nabubuhos lahat ng inis ko.

Nakakahighblood naman kase talaga.

Lumayo na nga ako para makalimot tapos bigla na lang syang susulpot dito. Argh! Nakakainis talaga! Ano bang gusto nya? At ano ang sinasabi nya na kailangan namin mag-usap? As if naman may pag-uusapan kami. Hello? Wala na kaming ugnayan sa isa’t-isa. Pinutol na nya.

Heto na naman ako. Nag-oovereact na naman. Eh pano naman kase. Nakakainis talaga! Basta! Bwisit na lalaking ‘yon.

Talo ko pa ang nakakita ng multo nang makita ko ang mukha ni Dennis sa harapan ko.

“Hi!” ngiting-ngiting bati ng loko. Anong ginagawa nya dito? “For you.” Tinitigan ko lang ang malaking stuff na inabot nya.

Anong ginagawa nya sa lugar na ito? Paano nya nalamang andito ako? Sinabi ba sa kanya ni Darwin? Pero imposible naman ‘yon. Malinaw na binilin ko kay Nica na huwag sasabihin kahit kanino lalo na kay Dennis (assuming ako) kung nasaan ako.

“Ate Toni kilala mo po ba sya?” Bigla akong napakurap nang marinig ko ang maliit na boses ni Angel.

Tiningnan ko ang mga bata. Palipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Dennis. Itong si Angel at Angie halatang naglalaway sa malaking stuff toy.

“Kids tara na. Baka hinahanap na nila tayo.”

Hindi ko na hinintay sumagot ang mga bata. Hinila ko na sila, pero natigilan ako nang may humawak sa braso ko.

“Anna we have to talk.” Mabilis kong piniksi ang braso ko. Para bang napaso ako sa hawak nya.

Pinigilan ko ang sarili kong tingnan sya. Baka kapag tiningnan ko sya, bumalik lahat nang nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko nang mangyari yon, kaya nga andito ako sa lugar na ito para kalimutan sya.

“Angel tara na.” Hindi kumilos si Angel, nakatingin lang sya kay Dennis. “Doon naman tayo. Marami pang games don.” Saka lang gumalaw si Angel ng tumuro ako sa lugar na maraming stuff toys.

“Anna let’s talk.” Humarang si Dennis sa dadaanan ko saka muling humawak sa braso ko. “Please! Let’s talk.”

“Wala tayong pag-uusapan.” Hindi pa rin ako tumitingin sa mukha nya. “Kids lets go.” Hinawakan ko sa tig-isang kamay si Angel at Angie. “Donald sumunod ka na lang.”

Walang lingon-lingon nang lisanin ko ang lugar na iyon. Parang anytime tutulo na lang ang luha ko.

Bakit kase nagpakita pa sya?

“Ate Toni okey ka lang?” nag-aalalang tanong ni Angel.

“Okey lang ako. Don’t worry.” Ngumiti ako sa kanya saka ginulo ang kanyang buhok. “Teka? Asan na si Donald?”

Sabay kaming lumingon sa likuran at nakita namin si Donald na yakap-yakap ang malaking stuff toy na hawak kanina ni Dennis.

“Ate pinabibigay po ni Kuya.”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now