Said I Love You, But I Lied - Chapter 34

185 5 0
                                    

CHAPTER 34

Pagdilat ng mata ko, bubong na puro kawayan ang una kong nakita. Mabilis akong bumangon at kinapa ang buo kong katawan. Buo pa naman ako. Pero anong nangyari? Paano ako nakarating dito sa kwarto? Ang huling naaalala ko, nasa sala kami ni Dennis habang yakap-yakap nya ako.

Unti-unti akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kagabi. Akala ko hindi ko na sya muli pang makikita. Pero nagulat ako kagabi dahil naghihintay sya pag-uwi ko. Iba ang pakiramdam ko kagabi. Ang saya ko. Nawala lahat ng alalahanin ko pagkakita ko sa kanya. Isang yakap nya lang nabuo ang araw ko kahit gabi na.

Muli kong sinariwa ang yakap nya kagabi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap. Yes, magkayakap talaga kami kagabi. Hindi na ako nagpakipot pa. Gusto ko rin naman ‘yon, saka talagang namiss ko sya. Ang sarap nga sa pakiramdam eh. Yung tipong katabi ko lang sya okey na ako.

Pero bakit wala na akong ibang maalala sa mga nangyari kagabi bukod sa magkayakap kami? Hindi kaya nagyakapan kami buong magdamag? Weee? Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

Para na akong tangang nakangiti habang nakayakap sa unan at kilig na kilig.

Teka?

Si Dennis?

Halos madapa ako sa magmamadaling lumabas ng kwarto. Asan na kaya sya? Umalis na? Naiisip ko pa lang nalulungkot na ako. Sana naman hindi muna sya umalis. Hindi pa kami nakakapag-usap. Sabi nya kagabi marami syang sasabihin sa akin. Okey nang simula yong kagabi eh. Kaya lang nakatulog naman ata ako. Iba ang pakiramdam ko kagabi. ‘Yong mga kinikilis nya iba eh. Parang may something. Assuming na kung assuming pero iba talaga eh. Parang may mali.

Oww---keeeey! Ano ang ibig sabihin nito?

Naabutan ko si Dennis sa kusina habang nagluluto. Nakatalikod sya kaya hindi pa nya ako nakikita. Ginamit nya ang apron na nakasabit lang doon, na ginawa ko lang pangdisplay sa loob ng ilang linggong pagtira ko dito. May nakahain ng fried rice, tocino, scramble egg, at hotdog sa lamesa. Sya lahat ang nagluto nito? Napangiti ako. Kinilig.

Anong ibig sabihin ng mga ito? Di ba sabi ko naman may something di ba? Pinagluto pa nya ako ngayon.

Humarap bigla si Dennis kaya kitang-kita nyang nakangiti ako. Nilapag nya sa mesa ang dalawang tasa ng kape saka naglakad palapit sa akin. Bakit ang fresh nya sa umaga?

Humawak ako sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang muling pagririgodon ng puso ko. Kalma lang heart. Easy lang.

“Good morning. Gising ka na pala.” Nakangiting bati nya. Ang puso ko gusto pa atang mag-hi kay Dennis.

“G—good morning din. Ah ano ‘to?” turo ko sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Wala akong ibang maisip na sasabihin eh.

“Pinagluto kita.”

“Pero bakit?”

“Dapat ba may dahilan? Hindi ba pwedeng pinagluto kita dahil gusto ko lang?”

"Pero--”

“Halika na. Tikman mo na ang niluto ko.” Hindi na ako nakapalag ng hawakan nya ako sa kamay at igiya sa harap ng mesa.

Hindi ko maiwasang tingnan ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Talo ko pa ang teenager na kinikilig. Ano ba naman ‘to.

“Marunong ka palang magluto.” nakayuko ako habang kumakain. Hindi kase ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko nakatingin sya sa akin. Ang init-init na tuloy ng pisngi ko.

“My mom taught me how to cook when I was in middle school. I grew up being an independent kaya eto nasanay na. Pero hindi naman mahirap lutuin ang mga niluto ko. Prito lang yan. Yan lang kase ang nakita ko sa fridge.”

Said I Love You, But I LiedDär berättelser lever. Upptäck nu