Said I Love You, But I Lied - Chapter 38

131 1 0
                                    

CHAPTER 38

I waited for few minutes after I opened my cellphone to retrieve my old messages.

Grabe! Ilang buwan na ko dito sa Pampanga pero ngayon ko lang naalalang tingnan ang phone ko. Patay ako nito kay Jaypee. Baka nag-aalala na yon. Or worsed baka naireport na nya sa mga pulis ang pagkawala ko.

Bakit kase hindi ko naisip na tumawag man lang sa kanya o kahit magtanong kay Dennis. Tutal magkasama naman sila sa iisang building.

Tsk! Minsan talaga Maritoni may pagkashunga ka! Hindi lang minsan. Madalas.

Ilang minuto  na ang lumipas pero ni hindi man lang tumutunog ang cellphone ko. Anyare? Wala man lang bang nagtetext sa akin? Kunsabagay, iilang contacts lang ang nasa phonebook ko.

Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa cellphone ko.

Hindi ba ko naaalala nina Khaye at Mikki?

Hindi ba ako hinanap ni Jaypee?

Kahit si Daddy wala man lang kahit isang text?

Well, given na kay Daddy yon. Sanay na syang dekada bago nya ako makita. Pero si Jaypee? Imposible. Nakakapagtaka talaga.

Hindi kaya galit sya sa akin?

Hindi ko sya masisisi. May karapatan naman syang magalit. Umalis ako ng walang paalam. Knowing Jaypee, hahanapin ako non.

Hindi kaya may nangyari habang wala ako? Argh! I’m just being paranoid. Or maybe I’m guilty.

Huminga ako ng malalim bago ko dinial ang number ni Darwin. Isa pa ang isang ito. Pagkatapos akong puntahan ni Nica, hindi na rin sya nagparamdam. Anong nangyayari sa Pilipinas? Hello? Kumustahin nyo naman ako!

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now