Said I Love You, But I Lied - Chapter 18

216 7 1
                                    

Chapter 18:

“What’s happening? Wala man lang bang magsasabi sa akin? Nagwalk-out kayo ng bongga, at iniwan nyo ang maganda kong pes doon? Buti na lang maganda ako kung hindi nagmukha na akong tanga sa ginawa nyo.” Pumasok si Khaye sa loob ng sasakyan saka pabagsak na sinara ang pinto. Tiningnan nya ang dalawang kasama pero pareho lang silang umiwas  ng tingin.

“So ganon na lang ‘yon? Wala man lang explanation? Anton? Maki?” nanatiling nakayuko si Toni habang yakap ang manibela, habang si Mikki naman tumingin lang sa labas ng sasakyan at tila walang narinig.

“It was him? Huh?” sarili na ang kinakausap ni Khaye, tutal naman para rin syang walang kasama ng mga oras na ‘yon.

“And speaking of him. What the heck!” saka tinunop ang bibig. Hindi sya makapaniwala sa nasaksihang pangyayari sa labas lang mismo ng kanilang sasakyan.

Naglalakad si Dennis patungo sa kanyang sasakyan ng bigla na lang syang yakapin ng isang babae mula sa likuran. Kitang-kita ang pagkagulat sa kanyang gwapong mukha. Ilang segundong hindi sya nakakilos dala marahil ng pagkakayakap ng babae.

Naging intense ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Lahat sila nag-aabang sa susunod na mangyayari.

“Where are you going?” pigil ni Toni kay Khaye ng bubuksan nito ang pinto ng sasakyan.

“Im not going anywhere. Mas maganda ang scene kung may maririnig tayo.” Saka sya pilyang ngumiti. Agad namang sumang-ayon si Mikki sa pinsan.

Binaba nila ng konte ang bintana ng sasakyan kaya naman rinig na rinig nila ang usapan ng dalawang nilalang na nasa labas.

“Ivy what are you doing?” may angil sa boses ni Dennis. Hinawakan nya ang babae sa braso at iniharap.

“What am I doing? Nothing!” ubod tamis nitong ngiti, saka muling nagtangkang yumakap sa binata pero mabilis syang napigilan nito.

“Stop it! Pwede ba Ivy? Hanggang dito ba naman sinusandan mo pa rin ako?”

“What’s the matter? Eh ano kung sinusundan kita?”

“Iyon na nga eh, nauubos ang oras mo sa kasusunod sa akin. Nauubos ang oras mo sa mga walang kwentang bagay.”

“Don’t say that Babe. Alam mo naman na ikaw lang ang importante sa akin.”

“Don’t call me Babe. Kinikilabutan ako sa’yo.”

“Ano ka ba, hindi ka pa rin sanay? I think you should call me Babe too.”

“Ivy pwede ba? Utang na loob. Leave me alone.”

 Hindi na nya hinintay pang sumagot ang babae. Agad syang naglakad palapit sa sasakyan nyang nakaparada sa tabi lang ng sasakyan ni Khaye. Laking pasasalamat nila,  tinted ang salamin ng kotse kung hindi nakita na sila ni Dennis.

“Oh my GOD!” halos hindi na sila humihinga ng mapatingin sa kanila si Dennis, pero dahil nga tinted ang salamin ng kotse, hindi sila nakikita nito mula sa labas.

“He’s so gwapo talaga!” saka pasimpleng tumingin si Khaye kay Toni, na agad namang nag-iwas ng tingin. “I think he’s delicious too!”

“Pak na pak Couz. Konting push pa.” nabitin ang tangkang pag-apir ni Mikki kay Khaye dahil nakita nya ang mailap na titig ni Toni sa kanya. “Sabi ko nga mag-isa ka.” Bulong pa nito.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now