Said I Love You, But I Lied - Chapter 17

258 7 0
                                    

Chapter 17:

A/N:

Naguluhan ba kayo sa Third Person’s POV? Ako din eh. Hahaha! ‘Yaan nyo guys next time, mas paguguluhin ko pa. ^___________*

Enjoy reading <3

-Master_Anoch

TONI’s POV

Mahahanap mo lang ang tunay na kaligayahan, kapag natutunan mong bitawan ang dahilan kung bakit ka nasasaktan.

Totoo kaya ‘yon? Paano kung ang tanging nagpapasaya sa’yo ay ang dahilan  kung bakit ka nasasaktan? Handa mo bang kalimutan ang lahat?

Mukhang mahirap gawin , pero kakayanin ko. Hindi ko naman siguro ikamamatay ang sakit di ba? Tulad ng halaman kapag hindi nadidiligan, namamatay. Ganon din ang pag-ibig, namamatay. Sa una lang mahirap. Ganon naman talaga sa lahat ng bagay.

“Aalis ka ba Iha?” may hawak na gulay si Manang, mukhang nagluluto na sya ng para sa pananghalian.

“Diyan lang po ako sa kabilang bahay. Nakakainip dito.”

“O sya sige. Tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako.”

Hindi na ko pumasok sa opisina, at hindi na kailanman. Tutal naman next week babalik na si Diane. Kayang-kaya na ni Jaypee ang trabaho doon. Sa totoo lang, ako ang nakiusap sa kanya na kung maaari hindi na lang ako pumasok, pumayag naman sya. Para hindi ko na rin makita si Dennis. Mabuti na  iyon para mas mabilis ko syang makalimutan.

Para lang akong tanga di ba? Wagas ma-broken hearted. Ni hindi nga naging kami pero heto ako OA kung maka-emote. Wala eh, nasaktan ako. Sino ba ang may gustong masaktan? Hindi ko ito ginusto. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin alam kung bakit ko minahal ang lalaking iyon ng ganon kabilis.

“Oh Toni, napasyal ka. Hindi ka pumasok sa trabaho mo ngayon?” nasalubong ko si Tita Alice sa may labas ng gate nila. Mukhang mamamalengke ata , dahil may dala syang basket.

“Hindi na po ako nagtatrabaho kay Jaypee Ta. Sa bar na po ulet ako.”

“Bakit? Anong nangyari?” saglit na natigilan si Tita Alice saka tumawa. “Hahaha! Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko. Pupunta ka ba sa bahay?”

“Opo Ta. Wala kase akong makausap sa bahay. Nakakainip.”

“Naku! Wala ring tao sa bahay, hindi pa bumabalik si Khaye. Nagpasa ng kanyang mga designs. Dumaan sya kanina sa inyo, tulog ka pa nga raw.”

“Ayy ganon po ba?”

“Ang mabuti pa sumama ka na lang sa akin sa palengke----pero huwag na lang kaya, mapapagod ka lang. Diyan ka na lang sa garden ko, kausapin mo ang mga bulaklak.”

“Tita naman. Di kaya ako mapagkamalang baliw non?”

“Naku! Huwag mong isipin ang iisipin ng ibang tao. Kanya-kanya ng trip lang yan.”

“Hahaha! Tita ikaw talaga.”

“Oh sya pumasok ka nasa loob, mainit dito. Ako naman ay mamamalengke na.”

“Sige Ta. Ingat po kayo.”

Naupo ako sa upuang kahoy na sadyang pinagawa ni Tita Alice sa kanyang garden. Nasa gitna ito ng kanyang tanim na mga rose. Sa unang tingin, walang mag-aakala na may tao doon dahil natatakpan ng mga bulaklak. Para tuloy akong butterfly na nasa gitna ng mga bulaklak. Nakakagaan ng pakiramdam.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now