Said I Love You, But I Lied - Chapter 1

3.2K 22 19
                                    

Chapter 1:

 

 

TONI’s POV

 

 

*BEEEEEEEP*

 

*BEEEEEEEP*

“ANOO BA?? SASAMA BA TALAGA KAYO??” Antagal naman ng mga yon. Halos maputol na ang litid ko kakasigaw. Namumuti na mata ko dito kakahintay :/

“Eto na. Highbloood ka naman kagad. Kaya ka pumapanget eh.” Biglang bumukas ang saradong gate. Iniluwa nito ang isang lalaking, feeling babae :/

“HOOOY ANTONIO!! PUMANGET MAN AKO, MAS MAGANDA PA RIN AKO SAYO NOH?!”

“Dapat talaga nakasigaw?? Galit galit?? At tama bang ipagsigawan sa buong barangay na mas maganda ka? And FYI lang Anna Maritoni, it’s Mikki not Antonio. Yuucck ha!” pakendeng-kendeng syang lumapit saken. Nakatikwas pa ang mga daliri. Ang kulay ng kuko nya, nagmumurang BLOODY RED :/

“At kelan pa naging Mikki ang Mark Anthony ha?? Paki-inform nga ako.”

“Since the day I was born my darling.”

“Ang pagkakaalam ko, nong pinanganak ka ng nanay mo, lalaki ang lumabas, may lawit. At ang nakasulat sa birth certificate mo ay MARK ANTHONY GUEVARRA. Ngayon,asan don ang sinasabi mong MIKKI?? HA?? HA??”

Baka pansit yon. Mikki daw eh :l

“Alam mo ikaw na babae ka, kahit kelan napaka-nega mo. Hindi mo man lang ako suportahan. Hmmmp.”

“Atleast ako babae. At nagsasabi lang naman ako ng totoo noh. Asan na ba si Karen?? Kahit kelan talaga, kayong dalawa napaka bagal nyong kumilos.”

 

“Bakit ba ang sungit sungit mo?? May regla ka ba?? Ha?? Ha??”

“Ang tagal nyo ba naman kase. Pano kung nakalabas na yon si Jaypee??”

“Alas-singko pa po ang labas non. Anong oras pa lang te, alas kwatro pa lang po.Excited excited??  Palibhasa kase wala kang relo.”

“Bubulong-bulong ka pa dyan. Kala mo hindi ko narinig.”

Magdadalawang taon na kaming magkakilala ng nilalang na nasa harapan ko, saka yong isa na hanggang ngayon, magpapasko na, hindi pa rin lumalabas. Ganon katagal na rin kaming magkakaibigan.

Ganyan lang talaga kami mag-usap. Normal na sa amin ang ganon, although sa ibang tao hindi normal yon :l

“Ano ba kayong dalawa. Abot hanggang don sa tindahan ni Aling Nena ang bulungan nyo.” Sa wakas lumabas na rin ang mahal na prinsesa, after ten thousand years.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now