Said I Love You, But I Lied - Chapter 2

675 13 6
                                    

Chapter 2:

TONI’s POV

 

 

 

*CLAAAAP*

Nagulat si Mikki sa ginawa kong palakpak sa may mukha nya. Bumalik na sya sa katinuan. Kumurap kurap pang tila nangangarap :l

“Anyare sayo? Akala ko nakatulog ka na dyan. Lalatagan na sana kita.”

“ASAAN NA SYA? ASAN NA?”

May hinahanap ang kanyang mata na hindi nya makita. Hindi pa nakuntento, nagpalinga-linga pa sya sa paligid. Inikutan pa nya ako na parang may itinatago ako sa kanya.

“HOOOOYY! Ano ka ba. Para ka ng baliw dyan.” Pinalo ko nga sya sa balikat, at parang non lang sya nagising ng totoo.

“ARAAAY NAMAN!! Masakit ha.”

Gumanti sya ng palo sa balikat ko.

“Para ka kasing sira dyan. Umayos ka nga. Nakakahiya sa mga dumadaan.”

“Asan na kase sya?”

“Sino ba?”

“Eh di si kuyang gwapo. Yong malaman, yong macho.”

“Ahh sya ba. Umalis na.”

“UMALIS NA??”

Ang OA ng reaksyon nya. Promise!

Nanlalaki ang mata at ang butas ng ilong. Shocking ba yong sinabi ko?

Sabi ko lang naman, umalis na. Alin ang nakakagulat don?

“Oh bakit? Kilala mo? Close kayo?”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now