Said I Love You, But I Lied - Chapter 28

198 5 0
                                    

CHAPTER 28

TONI’s POV

Tahimik kong pinanonood ang nag-aapoy na papel sa aking harapan, hanggang sa tuluyan na itong maging abo. Ang kontrata. Tuluyan na itong naging abo.

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang mapait na ngiti sa aking mga labi. Tuluyan ko ng tinanggal ang kapirasong pag-asa na makasama ko ang lalaking una kong pinagtuunan ng pansin.

‘Nong una pa lang naman alam kong imposibleng magkagusto sa isang tulad ko ang isang katulad nya.

Ako lang itong umasa. Nag-assume.

Sinabi ko na rin noon sa sarili ko na kakalimutan ko na sya pero hindi ko nagawa. Mas lalo lang lumala ang pagtingin ko sa kanya sa paglipas ng mga araw.

Akala ko sa pamamagitan ng ginawa naming kontrata, maaaring mahulog ang loob nya sa akin. Hindi pala. Mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya sa loob lang ng maiksing panahon.

Nakakatawa. Naisip ko pa noon na maghiganti sa kanya dahil sinaktan nya ako, dahil akala ko sila talaga ni Ivy. Mas lalo ko lang palang nilapit ang sarili ko sa apoy. Ang ending tuloy, nasunog ako.

Parang nilapit ko lang ang aking sarili sa isang laban na alam kung sa una pa lang ay hinding-hindi ako mananalo.

Kaya  heto ako ngayon, talunan. Umiiyak. Wasak ang puso.

Nang tuluyang mamatay ang apoy, tumalikod na ako at nag-umpisa nang maglakad pabalik sa bahay na ilang araw ko nang tinutuluyan.

Nagulat ako sa taong nakaupo sa sala, at naghihintay sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?”

Dahan-dahan syang nag-angat ng tingin saka ngumiti.

“Pinapunta ako dito ni Kuya.”

Tumayo si Nica, pero minwestra ko sa kanyaang maupo na lang ulet. Naupo ako sa kanyang harap.

“Hindi mo raw kase sinasagot ang mga tawag at text nya. Tumatawag din daw sya kay Tiya.”

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin binubuksan ang cellphone ko. Alam kong hinahanap na ako ni Jaypee sa mga oras na ito. Alam ko ring nag-aalala na sya sa akin pero kailangan ko munang mapag-isa. Maging ang tiyahin ni Darwin na nasa katabing bahay lang ay panay ang punta sa akin at sinasabing gusto raw akong makausap ng kanyang pamangkin.

Ayoko na muna ng kahit anong balita tungkol sa Maynila. Gusto ko ng katahimikan kahit sandali lang.

“Ate Toni okey ka lang ba?”

“Huh?” Muntik ko nang makalimutan na nasa harap ko nga pala si Nica.

“Sabi ko kung okey ka lang? Para kaseng namumutla ka. Okey ka lang ba dito?”

“Okey lang ako. Bakit ka nga pala napunta dito?”

“Eh yon nga, pinapunta ako ni Kuya dito. Hindi lang sya makaalis ng Maynila dahil exams na nila kaya ako na lang ang pinapunta nya. Pinapatanong nya kung kelan ka daw babalik. Marami daw naghahanap sa’yo.”

Marami? Sino? Si Jaypee? Si Khaye at Mikki?

Si Dennis? Imposible!

“Pakisabi sa Kuya mo huwag syang atat. Nag-eenjoy pa nga ako dito tapos pababalikin na nya ako kagad ng Maynila?”

“Ewww! Nag-eenjoy ka dito? Ang boring kaya dito. Wala man lang pasyalan. Puro puno lang ang makikita mo dito.”

Totoo ang sinabi ni Nica. Boring ang baryong ito. Puro puno at bukid lang ang nakikita ko tuwing lalabas ako ng bahay. Pag sikat ng araw sa umaga, wala na akong ibang gagawin kundi ang hintayin na lang na lumubog ito sa hapon. Tahimik ang lugar. At iyon ang nagustuhan ko dito. Nakakapag-isip ako ng maayos.

“Sya nga pala Ate Toni, pinapasabi din ni Kuya na hinahanap ka raw ng boyfriend mo.”

Agad nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Nica. Sinong boyfriend? Wala naman---Imposible! Bakit naman nya ako hahanapin? Saka hindi ko sya boyfriend. Nagpanggap lang kami, at sya na rin ang pumutol sa pagpapanggap na yon. Kaya bakit pa nya ako hahanapin?

“Kumain ka na ba?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Hindi pa.”

“Halika sa kusina. Kumain ka na muna.”

Nauna na kong tumayo at nagtungo sa kusina. Ramdam kong nakasunod sa likuran ko si Nica.

“Di nga Ate nag-eenjoy ka ba talaga dito? Ang lungkot kaya dito. Ang tahimik pa. Bakit ba dito mo naisipan magbakasyon?”

“Bakasyon?”

“Oo, bakasyon. Sabi ni Kuya nagbabakasyon ka daw dito. Bakit? Hindi ba?”

“Ah, Oo. Nagbabakasyon nga ako dito. Okey naman dito ah. Tahimik. Yun ang gusto ko. ”

Parang napilitan lang na sumang-ayon si Nica sa akin. Marahil sinabi sa kanya ni Darwin na nagbabakasyon nga ako dito. Okey na yon. Para wala ng maraming tanong. Knowing Nica, para rin syang Kuya nya. Talo pa ang detective.

“Ate sino nga palang boyfriend mo?” Tanong ni Nica habang kumakain ng suman na galing sa kabilang bahay.

“Wala. Break na kami.” Sagot ko habang nakayuko.

“Aww! Kaya pala andito ka. BH!” Napaangat ako ng tingin.

“BH?”

“Brokenhearted.”

Hindi ako nakasagot.

Tama! BH nga ako.

JAYPEE’s POV

“Naku Iho! Nasa Subic si Sir Anton.”

“Kelan daw ho ang balik?”

“Hindi ko alam. Walang sinabi eh.”

“Ganon po ba. Manang pwede po bang pakitawagan na lang ako kaya dumating na si Tito Anton?”

“O sige. Ay sya nga pala Jap-Jap, kumusta na si Maritoni? Hindi na sya ulet nadadalaw dito.”

Saglit akong natigilan sa tanong ni Manang. Hanggang ngayon kase hindi ko pa rin alam kung nasaang lupalop si Toni.

“Okey lang sya Manang. Panggabi po kase sya sa trabaho kaya sa araw sya tulog.” Tumango-tango si Manang. Nakonsenya ako.

“Ang batang yon talaga. Mas gustong nahihirapan sya.”

“Pano po Manang, tutuloy na po ako.”

“Sige Iho, mag-iingat ka.”

Nakabalik na ako sa kotse ko pero hindi ko pa rin magawang umalis sa lugar na iyon. Ano nang gagawin ko ngayon? Saan ko hahanapin si Toni?

Minasahe ko ang aking sintido saka bahagyang pumikit.

Ilang minuto na akong nakakaidlip ng magising ako sa tunog ng aking cellphone. Patamad ko itong kinuha at tuluyang nagising ang diwa ko nang mapagsino ko ang caller.

Calling…

Marge

Kinakabahang pinindot ko ang answer botton.

Kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang boses nya mula sa kabilang linya. Ang saya ng boses nya, halatang excited.

“Japoy!”

“Marge.”

“I’m coming home!” Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko dahil sa sinabi ni Marge.

Para bang isang bomba ang pinasabog nya sa aking tenga.

Uuwi si Marjorie….

….pero nawawala si Maritoni.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now