Said I Love You, But I Lied - Chapter 25

205 5 2
                                    

Chapter 25:

Walang nagtangkang magsalita sa amin. Pareho kaming tahimik habang nakatingin sa mga taong nagdaraan. Hindi pala ako namamalikmata lang kanina. Si Dennis pala talaga iyong lalaking nagdyajogging. Nasa malapit lang ang condo nya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Bigla na lang nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ganon katindi ang epekto nya sa akin.

Gusto ko na syang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka mamaya magtaka pa sya kung bakit basta ko na lang sya niyakap. Ayaw kong ipagkanulo ang sarili ko. Pride na lang ang tanging natitira sa akin sa mga oras na ito.

Oo, mahal ko sya. At tanggap ko nang ako lang ang nagmamahal. Wala akong karapatang magdemand. Ha ha ha! Sobrang nakakatawa ang sitwasyon ko ngayon. Nag-aassume ako ng sobra-sobra.

‘’Bakit ka pala umiiyak?’’

Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano ng marinig ko syang nagsalita. Mahina lang ang pagkakasabi nya, parang pabulong nga lang. Nakatingin pa rin sya sa malayo.

‘’Napuwing lang ako.’’

‘’Anong ginagawa mo dito sa ganitong dis-oras ng gabi?’’ Parang naninita ang boses nya. Pero syempre nag-aassume na naman ako. Ha ha !

‘’Dito ako nagtatrabaho di ba? Maaga lang akong lumabas.’’ Tumango-tango sya saka diretsong tumingin sa mga mata ko. 

May kung anu akong nakikita sa mga mata nya. Dahil hindi naman ako magaling magbasa ng isip ng iba hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tingin nyang yon.

“Gusto mong magkape muna?” alok nya.

“Sige.” Pumayag agad ako.

Ayaw ko ng magpakipot. Matagal ko syang hindi nakita kaya gusto ko syang makasama ng matagal, kahit ngayon lang.

Sabay kaming tumayo saka naglakad.

“May sasabihin ako sa’yo.” Saglit akong huminto saka tumingin sa kanya. Ano naman kaya ang sasabihin nya? “Mamaya na lang.” Dugtong nya.

Hindi na ako tumanggi ng hawakan nya ang kamay ko saka kami sabay naglakad.

Tatanggi pa ba ako? Eh gusto ko ‘to!

Mahal ko ang lalaking ito. 

***

Humantong kami sa isang coffee shop. Pasalamat ako may bukas pang coffee shop ng ganitong oras.

Si Dennis na ang umorder ng kape para sa amin. Nakaupo ako habang hindi mapakali. Ano kaya ang sasabihin nya sa akin?

‘’Here’s your coffee.’’ Nilapag nya ang kape sa harapan ko.

“Thanks.” Naupo sya sa harapan ko.

Mabilis akong nagbawi ng tingin ng magkasalubong ang aming mga mata.  Mukha syang pagod na pagod. Sa pag-jogging siguro?

Napansin ko rin na maitim ang ilalim ng kanyang mata. Pero sa kabila non gwapo pa rin sya. Kaya pa rin nyang  pabilisin ang tibok ng puso ko.

“Dennis sorry nga pala about don sa incident sa coffee shop last week.” Bigla kong nasabi.

Gusto kong may mapag-usapan kami. Ang awkward kase ng sitwasyon namin. Heto kami, magkasama sa isang coffee shop sa dis-oras ng gabi pero hindi naman nag-uusap.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now