Said I Love You, But I Lied - Chapter 27

198 4 0
                                    

CHAPTER 27:

KHAYE’s POV

Naramdaman kong siniko ako ni Makki. Gumanti ako, siniko ko rin sya saka tiningnan ng masama. Nakanguso sya sa deriksyon ni Dennis.

Ano kayang ginagawa nang lalaking ito dito?

Sino ang sadya nya?

Si My Loves ko o ang babaeng nawawala?

Since nawawala nga si Anton, siguro si My Loves ang sadya nya. Pero teka, eh magkasama lang naman sila sa opisina ah?

“Lalapitan o tititigan?” Narinig kong bulong ni Makki.

Lumapit sya kay Dennis, nasa likuran nya lang ako. Tiningnan kong mabuti ang hitsura ni Dennis. Mukhang hindi mapaanak na pusa. Pero kahit ganon gwapo pa din sya. ‘Yon nga lang gwapo mas gwapo pa din ang My Loves ko. He he!

“EHEEEM!” Napalingon si Dennis.

Lumingon ako kay Makki. Anong drama ‘to? Papansin lang? Pero sige couz push mo yan. Nasa likuran mo lang ako. Nahihiwagaan ako kung bakit napadpad sa lugar na ito ang isang Dennis Hubert Angeles.

“Hi! Remember me? I’m Dennis.” Saglit na natigilan si Makki. Lumingon sya sa akin na tila ba humihingi ng saklolo. Gusto kong matawa sa hitsura nya.

Hindi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap ni Dennis o si Makki. Magkakilala na rin siguro sila ng pinsan ko. Umiwas na lang ako ng tingin saka dumikit sa likod ni Makki.

“Go Couz! Kaya mo yan. Dito lang ako sa likod mo.” Bulong ko.

“Ikaw na kumausap. English eh.” Bulong din nya.

Gusto ko ng humagalpak ng tawa. Kung wala lang si Dennis sa harapan namin kanina pa ako nagpagulong-gulong sa kalsada sa sobrang tawa. Sabi ko na nga ba eh! Englisan ang labanan. Baka mamaya, magulat na lang si Dennis dumudugo na ang ilong ng pinsan ko. Ha ha ha!

“Eheeem ulet! Yeah! I remember you. Why?”

Napatakip ako sa bibig sa pagpipigil kong matawa. Ramdam na ramdam ko ang pressure sa boses ni Makki. Humawak pa sya sa kamay ko. Ano ‘to pass the message?

“I am looking for Anna. Is she there?”

“Who’s Anna? Anna of Cristian Grey?”

ANO DAW? Anong pinagsasabi nitong pinsan ko? The eff—nagbabasa sya non? Yuck ha! Tiningnan ko si Dennis at halatang naguluhan sya sa sinabi nitong baliw kong pinsan. Nakakunot ang kanyang noo at medyo naningkit din ang kanyang mata.

Sino ba naman kaseng Anna ang hinahanap nya?

“Excuse me?”

“Okey! Your excuse.” Tumabi ng konte si Makki saka minwestra kay Dennis na dumaan na. Adik talaga!

“Pasensya ka na. Nagbibiro lang itong pinsan ko.” Kinurot ko si Makki ng palihim saka tumingin kay Dennis.

“Ahh!” Tumingin din sya saken. Saka lang nawala ang kunot sa kanyang noo. “Hinahanap ko si Anna. Andyan ba sya?”

“AY ANPEYR! Saken English tapos sa’yo tagalog? Ano ‘to favoritism? Palakas--” Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Makki saka humingi ng paumanhin kay Dennis.

Sa mga pagkakataong ganito talaga, gusto kong itanggi na magpinsan kami. Nakakahiya!

“Hindi ko kase sya makontak. Nag-aalala lang ako. The last time kase na magkita kami bigla na lang syang nawala.” Kitang-kita ko ang pag-aalala sa gwapong mukha ni Dennis.

Medyo puzzle ako don ah. May gusto ba sya kay Anton? Andon kase ang concern eh.

“Ang totoo kase nyan, hindi rin namin alam kung nasaan si Anton ngayon. Umalis syang hindi nagpapaalam sa amin. Tulad mo, hindi rin namin sya makontak.” Nagsasalita ako habang takip ko pa rin ang bibig ni Makki.

“Ganon ba? Pwede bang pakitawagan ako kapag nakontak nyo na sya? May importante kase akong sasabihin sa kanya eh.”

“Sure! No problem.”

Nag-iwan si Dennis nang calling card, at ng makalayo na talaga sya saka ko lang tinanggal ang kamay ko sa bibig ni Makki.

“Grabe ka couz. I hate you!”

“Same to you. Kadiri laway mo. Yuuck!” Pinahid ko sa damit nya ang kamay kong pinantakip ko sa bibig nya.

“Kaderder ka!”

“Arte mo eh laway mo naman yan.”

“Tsee!”

“Lika na nga.” Hinila ko sa damit si Makki at sabay kaming naglakad.

“Bakit kaya hinahanap ni Papa Cologne si Anton?”

“Hindi mo ba narinig? May sasabihin nga daw syang importante di ba?”

“At ano naman ang importanteng ‘yon?”

“Aba malay ko! Ako ba si Dennis?”

“Sungeet!” Sabay irap ni Makki.

DARWIN’s POV

“Andyan na ba si Darwin?”

Mula sa paglalagay nang gamit ko sa locker napatingin ako sa may pintuan. Nakasilip doon ang waiter namin na si Cris. Lahat ng mga kasama ko sa locker sa akin nakatingin.

“Yow!” bati ko.

“May naghahanap sa’yo sa labas.” Sabi ni Cris saka biglang nawala sa paningin ko.

Bakit ba ang daming naghahanap sa akin sa araw na ito? Kaninang umaga may lalaking nagpunta sa bahay. ‘Yung lalaking kasama ni Bossing sa bahay. Tapos kaninang tanghali yong magpinsan na kaibigan naman nya. Sino naman kaya ito ngayon? Masyado ata akong indemand ngayon.

Lumabas ako ng bar at nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa pulang kotse. Agad ko syang nakilala. Sa dinami-dami ng pwedeng maghanap sa akin, sya ang hindi ko inaasahan sa lahat.

“Kayo po ba ang naghahanap sa akin?” Lumingon ang lalaki sa akin. Ang bait ko no?

“Hi. I’m Dennis. Siguro natatandaan mo ako, ako yong boyfriend ni Anna.” Lumapit sya saka inabot ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko ang pakikipagkamay nya, at pagkatapos nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.

“Kilala kita. Madalas kang andito sa bar.”

“Nagbabakasakali lang ako. Baka alam mo kung nasaan si Anna?”

Tulad ng sagot ko sa dalawang naunang nagtanong sa akin, iyon din ang sinagot ko sa kanya at may dagdag pa. “Hindi eh. Ilang araw na syang hindi pumapasok sa bar. Hindi ko rin sya makontak. Saka hindi lang ikaw ang naghanap sa kanya sa akin.”

“Ganon ba? Ahmm..pwede bang pakitawagan ako kapag tumawag sya sa’yo or makontak mo sya?” Tinanggap ko ang inabot nyang tarheta.

“Si—sige.”

Laylay ang balikat ni Dennis ng tumalikod. Naaawa na ako sa kanilang lahat. Alam kong nag-aalala na sila kay Boss Toni pero mas naaawa naman ako kay Boss.

Ito lang ang tanging maitutulong ko sa pinagdadaanan nya ngayon.

Akala ko pa naman kapag mayaman wala ng problema, hindi pala.

Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa saka dinial ang numero nang tiyahin ko sa probinsya.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now