Said I Love You, But I Lied - Chapter 26

183 4 0
                                    

CHAPTER 26:

JAYPEE’s POV

“Ilang araw ko nang hindi nakikita si Boss Toni. Hindi rin sya pumapasok sa bar. Pasenysa na po pero hindi ko talaga alam kung nasaan sya.”

Kanina pa tapos ang conversation namin ni Darwin pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko.

Saan sya nagpunta?

Ilang araw ng nawawala si Toni. Nag-aalala na ako sa kanya, lalo na sa kalagayan nya.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nong gabing magising ako at makita ko syang umiiyak sa kwarto ko. Andon ang awa at galit. Naaawa ako sa kalagayan nya at nagagalit din ako at the same time.

Hindi ko sya makausap ng maayos nong gabing yon. Puro na lang sya iyak. Ilang araw din syang tulala, tapos nagulat na lang ako bigla syang nawala  sa bahay. Maging si Khaye at Mikki hindi alam kung nasaan sya. Nagtaka pa nga sila ng hanapin ko sa kanila si Toni.

May ideyang naglalaro sa isip ko kung bakit sya nagkakaganoon. Hindi nga lang ako sigurado. Dahil sa pagkakaalam ko matagal na syang walang pakialam sa Boss ko. Pero mukhang nagkamali ako.

“Sir?”

Napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Renae. Medyo nagulat pa ako ng makita ko sya sa harapan ko. Ni hindi ko naramdamang nakapasok na pala sya sa loob ng opisina ko.

“Heto po yong kailangan nyong documents para sa appointment nyo sa kay Mrs. San Diego mamaya.” Nilapag nya ang folder sa table ko pero nanatili sya sa harapan ko.

“Sir okey lang po ba kayo? Lunch break na po, hindi pa po ba kayo kakain?”

Sumulyap ako sa oras sa ibaba ng computer ko, 12:30 na ng tanghali. Ganon katagal na pala akong nakatitig sa kawalan.

“Ahhmm…may gagawin pa ako. Sige mauna ka nang kumain.” Tila hindi kumbinsido si Renae ng lumabas sya ng opisina.

Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha. Saang lupalop ko hahanapin si Toni ngayon?

Dapat ko na bang sabihin kay Tito na nawawala si Toni? Sigurado magagalit yon at sobrang mag-aalala. Pinagkatiwala nya sa akin ang kanyang anak tapos ngayon sasabihin ko sa kanya na nawawala si Toni? Haist! Sumasakit ang ulo ko.

Maritoni saang lupalop ka ba nagsuot?

KHAYE’S POV

The number you are calling is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

“BWISIT!”

Nakakailang dial na ako sa number ni Anton, pero iisa lang ang sinasabi ng operator.

Ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon at bigla-bigla na lang nawawala? Hindi man lang kami nainform. Walang kaalam-alam ang beauty namin, este beauty ko lang pala. He he!

Nilapitan ko si Makki.

“Any progress?” Tanong ko, at sumilip pa ko sa screen ng cellphone nya.

“Wiz! Naloloka na ako sa drama ng babaeng yon ha? Ano ‘to hide and seek? Magtatago sya tapos tayo ang maghahanap? Imbyerna!”

[Wiz-Wala]

“Ano nga kaya ang nangyari sa babaitang yon? Bakit bigla na lang syang missing in action?”

“Hindi kaya buntis ang Lola mo? Naglayas dahil ayaw panagutan ng ama ng dinadala nya? ARAY! ANO BA?”

Kung anu-ano ang sinasabi ng baklang ito. Batukan ko nga.

“Nawawala na nga si Anton nakukuha mo pang magjoke dyan.”

“Hindi kaya joke yon.”

“Isa pa!” Inambaan ko ng suntok si Makki. Puro na lang kase biro.

Hindi ba pwede magseryoso muna kami kahit ngayon lang?

“’To naman. Highblood agad. Pero ano nga kayang nangyayari sa lalaking yon sa mga oras na ito? Buhay pa kaya sya? O baka nakasabit na sya sa isang puno somewhere? O baka naman palutang-lutang na ang kanyang katawan sa kung saang ilog dyan? Hindi kaya na-gang rape  na ‘yon?”

“MIKKIIII!”

Dumagundong ang boses ko sa apat na sulok ng aking silid. Naghabulan kaming dalawa, hanggang sa mapagod at sabay na mabuwal sa kama.

“Your so mean! Pagbalik ni Anton lahat ng sinabi mo about sa kanya, makakarating. Yari ka don!”

“Takot ako!” Kunwari ngang natakot si Makki sa sinabi ko. Niyakap pa nya ang kanyang sarili.

Ilang minuto ang lumipas, nanatili lang kaming nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Para bang ipapakita sa amin ng kisame kung nasaan si Anton ngayon.

“Punto tayo sa bar na pinagtatrabahuhan ni Anton? Magtanong tayo sa mga kasamahan nya don. Baka may alam sila.”

Bumaling ako kay Mikki. May punto sya. Kanina ko pa rin naiisip yon. Pero sigurado akong nakapagtanong na rin doon si My Loves ko.

Kung sabagay, walang masama kung kami naman ang magtatanong. Bakit nga ba hindi?

“Taralets!”

Nauna na kong lumabas ng kwarto habang tahimik na nakasunod sa likuran ko si Makki.

Kailangang makita na namin si Anton. Masyado nyang pinag-aalala ang future boyfriend ko. Kapag nakita ko sya, naku, makukurot ko talaga sya sa singit. Pramis yan!

Pagdating sa labas, sabay pa kaming nagulat ni Makki nang mapagsino namin ang taong halos mabali na ang leeg kakasilip sa kabilang bahay.

Anong ginagawa ni Dennis dito?

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now