CHAPTER 36
Ilang araw na ang lumipas simula ng magtapat sa akin si Dennis. Tinotoo rin nya ang kanyang sinabi tungkol sa panliligaw.
Medyo naiilang ako nung una pero ngayon hindi na. Natutuwa pa nga ako sa atensyong binibigay nya sa akin. Kinikilig at the same time.
Pakiramdam ko ngayon pa lang ako nagdadalaga. Bakit nga ba ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam?
May mga manliligaw rin naman ako noong highschool at college days ko pero hindi ako kinilig sa kanila. Naiinis pa nga ako sa tuwing tatangkain nilang manligaw. Di pa sila nagsisimula, basted na kagad. Ganon ako noon. Loner. Ayokong may lalapit sa akin. Kaya nga wala rin akong naging kaibigan.
Si Khaye at Mikki naging kaibigan ko sila nong tumira ako kay Jaypee. Tapos si Darwin naman nong magtrabaho ako sa bar. Mabibilang sa isang kamay ang mga kaibigan ko.
Kumusta na kaya sila ngayon?
Matagal na kaming hindi nagkikita. Halos isang buwan na ako dito sa Pampanga. Namimiss ko na sila. Ako kaya namimiss rin nila?
Tumingin ako sa lalaking may hawak na gitara. Nakikipag-inuman sya sa mga kalalakihan, kasama ang tatay nina Angie. Bigla syang tumingin sa akin kaya ngumiti ako.
Sinong mag-aakala na aabot kami sa ganito?
Hanggang ngayon nililigawan pa rin nya ako. Ngayon ko lang nalaman na sobrang sweet pala ng taong ito. Habang tumatagal ko syang nakakasama lalo lang syang napapamahal sa akin.
“Mahal mo na no?” Tumingin ako kay Aling Dita. Nakangiti sya saken saka tinuro ang deriskyon ni Dennis. Aling Dita talaga. “Bagay naman kayo eh.”
Hindi ako sumagot. Ngumiti na lang ako saka muling tumingin kay Dennis.
Nagsimula syang magstrum saka kumindat sa akin. Teka? Marunong ba syang mag-gitara?
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
“Para kanino ba yan?” tanong ng isa nilang kainuman. Ngumiti si Dennis saka nagpatuloy sa pagkanta.
Hala! Bakit nakatingin silang lahat sa akin? Nakakahiya!
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Wala ng nagsalita kahit isa sa kanila. Lahat kami nakikinig lang sa kanya. Maganda ang boses nya. Pakiramdam ko tuloy sa akin nya inaalaya ng kanta. At parang kaming dalawa lang ang andito sa mga oras na ito. Parang biglang naglaho ang mga kasama namin.
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
Puro tukso ang inabot namin pagkatapos nyang kumanta. Kinikilig ako dahil napakavocal nya sa kanyang nararamdaman.
“Marunong ka palang kumanta.”
Naglalakad na kami pauwi. Ihahatid nya ako sa bahay na tinutuluyan ko. At syempre magkaholding hands kami. Okey lang, gabi na naman. Wala ng makakakita. Haha!
“Actually I had a band when I was in high school.”
“Anong nangyari?” Napansin kong tumingin sya sa langit saka ngumiti.
“Wala. It didn’t work out for me. Or maybe hindi lang talaga ako para sa mundo ng musika.”
Medyo nalungkot ako sa sinabi nya. Pero nakikita ko naman sa kanya na hindi sya ganon kaapektado. Kaya hindi na ako gaanong nag-alala.
“What happened to your bandmates?”
“They made it.” Mas lalo lang lumawak ang ngiti nya. Masaya siguro sya sa tuwing naaalala nya ang kanyang dating mga kabanda.
“What do you mean?”
“You know IDK?”
“NO WAY?”
“Yeah Yeah!” Then he laughed. “That’s my former band. Iba na nga lang vocalist nila ngayon. Dati kase ako yon.”
I can’t find any words to say. International band kase ang IDK. Sumikat sila sa Korea, at ngayon sa buong mundo. Isa silang rock band. Composed of four guys and one girl. At balita ko lahat sila may lahing Pinoy. Kaya naman pala.
Sinong mag-aakala na sila pala ang dating mga kabanda ni Dennis. Kung hindi siguro sya umalis sa banda nila, siguro sikat na rin sya ngayon. At siguro hindi ko rin sya makikilala. Buti na lang pala umalis sya sa banda nila. Ha ha ha!
Nakarating kami sa harap ng bahay na magkahawak kamay pa rin. Papasok na ko pero mukhang walang balak si Dennis na bitawan ang kamay ko.
“Pasok na ko.”
“Teka muna.” Saka nya ko biglang niyakap.
I can feel his heartbeat. Hindi ko alam kung kanino ang mas mabilis, saken ba o sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap. Tanging ang buwan at mga bituin sa langit ang tanging saksi. Sana ganito na lang kami lagi. Masaya. Walang problema.
“I love you Anna. I really do.” Halos pabulong lang ang pagkakasabi nya pero narinig ko.
Mahal din kita.
Naniniwala naman ako sa kanya na mahal nya ko pero minsan napapaisip din ako. Ewan ko ba. Natatakot kase ako. Lalo na kapag naaalala ko kung mga time na umiyak ako sa kanya.
I know, ako lang naman ang gumawa ng sarili kong problema, kaya lang kase nakakatakot. Nakakatakot sumugal.
Nasaktan na ko dati sa kanya, at ayaw ko ng maulit pa yon.
[Master's Note: Waaah! Sorry sabaw ang update. Bawi ako sa next update. Anyways, mga 10 chapters na lang po. Ciao!]
YOU ARE READING
Said I Love You, But I Lied
Teen FictionKwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Kaya mo bang magpa-ubaya o handa kang makipaglaban? Paano mo babawiin ang I LOVE YOU na nasabi mo na?